Chapter Twenty-Seven - I Am The Murderer

419 14 0
                                    

"PLEASE, samahan mo naman ako! Talagang lalabas na 'to e." Wika ni Blaine habang nakakapit sa kanyang tiyan. Natutulog na rin kasi ang karamihan sa mga kasamahan nila at kay Garrie lamang siya may lakas loob humingi ng tulong.

"Jusko doy, huwag mo nang ilabas 'yan! Bukas na lang, inaantok na ako!" Pagkontra ni Garrie habang pilit na ipinipikit ang kanyang mata. Ngunit hindi pa rin pumayag ang binata at kinalabit pa rin niya ito nang paulit-ulit.

"Pre, dali na! Hindi ko na talaga kaya! Kung hindi naman ako natatakot, hindi ako magpapasama sa 'yo e. Kaso ganito sitwasyon natin e." Tila napaisip si Garrie sa sinabing iyon ng kaibigan kaya't nakaramdam siya ng kaunting awa rito.

"Buwisit ka talaga. Bilisan lang natin, ha!" Saad ni Garrie saka tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Halos magtatatalon sa tuwa si Blaine nang sabihin iyon ng binata.

"Ian, Lavander. Magbabawas lang ako ha?" Paalam niya na tila nahihiya pang magsabi sa dalawang kasama. Sina Ian at Lavander ang nagdesisyon na sila muna ang magbabantay sa grupo ngayong gabi habang ang iba nama'y matutulog.

"Yuck! Bilisan niyo lang, ha! At please, medyo lumayo kayo para di naman umabot dito 'yung baho!" Maarteng sabi ni Lavander na kunwari'y tinatakpan pa ang kanyang ilong.

"Buwiset!" Sigaw ni Blaine saka tuluyang naglakad papalayo sa grupo. Palihim namang tumawa si Lavander dahil inaasar niya lamang ang binata. Sumunod na rin sa binata si Garrie na pakamot-kamot pa ng ulo habang naglalakad.

***---***

Matataas ang mga dahon ng mga halaman sa puwestong iyon nina Garrie at Blaine. Dito na napili ni Blaine na humiwalay sa binata upang doon na rin maglabas ng 'sama ng loob' niya.

"Pre, dito ka na lang. Doon ako sa likod ng mga halamang 'yon. Salamat ulit, ha!" Wika ni Blaine sabay tapik sa balikat ng kasama.

"Bilisan mo lang, ha. Inaantok na talaga ako." Paalala ni Garrie. Tuluyan na silang nagkahiwalay at napasandal na lamang siya sa punong nasa likod niya.

Upang mawala ang kanyang antok ay sumipul-sipol siya habang sinasanay ang kanyang mata sa dilim. Tanging ang mga ingay na lamang ng mga kuliglig ang naghahari sa bahaging iyon ng kagubatan. Natakpan na nito ang mga nakapangingilabot na kaganapang nangyari sa kanilang camping.

Sa gitna ng kanyang pagsipol ay isang kaluskos ang sumira sa katahimikan ng paligid. Alertong niyang inilibot sa paligid ang dalawa niyang mata, pero dahil madilim ay hindi na niya makita ang karamihan ng nasa paligid niya. Naglakad-lakad siya upang mahanap ang gumawa ng ingay na iyon ngunit walang sumalubong sa kanya.

Tatalikod na sana siya upang bumalik sa lugar kung saan sila naghiwalay ni Blaine ngunit isang matalim na bagay ang bumungad sa kanyang sikmura.

"Oops, I'm sorry. Haha!" Wika ng lalaking may hawak ng kutsilyo. Pinagmasdan lamang niyang unti-unting lumabas sa bibig ng binata ang sariwang dugo.

"Bakit, Blaine? Baki—" Hindi na natapos pa ni Garrie ang kanyang sinasabi dahil pinihit na nang paulit-ulit ni Blaine ang kutsilyong nakasaksak sa kanyang sikmura. Umagos ang masaganang dugo mula rito. Hindi na nakapagsalita pa ang binata at napatitig na lamang siya sa mukha ng lalaking gumagawa nito sa kanya. Maya-maya pa'y natumba na siya at tuluyan nang binawian ng buhay.

"Because I am the murderer, Garrie..." Walang emosyong sagot niya sa binata habang pinagmamasdan ito.

Nakangiting hinugot ni Blaine ang duguang kutsilyo mula sa tiyan ng kaklase. Puno ng poot ang kanyang mata habang pinagmamasdan niya ang wala nang buhay na kaklase.

"Oras na para magpakilala ako sa inyong lahat..." Wika ni Blaine saka ipinahid sa kanyang palad ang dugong naiwan sa kutsilyo. Nilinis niya iyon hanggang sa mawala ang lahat ng bakas ng dugo roon ni Garrie. Nang matapos ay agad niya iyong isinuksok sa kanyang tagiliran at saka umalis.

***---***

"Ian... Si Blaine ba 'yon?!" Hindi makapaniwala si Lavander sa kanyang nakikita. Duguan ang mga kamay nito ay hirap ito sa paglalakad. Napatayo silang dalawa at dali-daling lumapit papunta sa binata. Inalalayan nila ito hanggang sa ito'y makaupo.

"Ano bang nangyari?!" Natatarantang sabi ni Ian. Hindi agad nakasagot si Blaine dahil hinihingal pa ito.

"S-si Garrie! Sinubukan niya akong patayin... Sorry, guys! Hindi ko talaga sinasadya! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko..." Pagsisinungaling ni Blaine. Nagkatinginan pa silang dalawa dahil naalala nila ang usapan nila tungkol kay Garrie.

"Kailangan na nating magamot 'yang sugat mo..." Sambit ni Lavander nang mapansin niya ang nagdudugong sugat sa mukha ng binata. Lingid sa kanyang kaalaman na sinadya ni Blaine na sugatan ang kanyang sarili upang magmukhang kaawa-awa sa harap ng mga kasama.

Agad nang ginising nina Ian at Lavander ang iba pa nilang kasamahan upang ipaalam ang nangyari kina Blaine at Garrie. Binigyan na rin nila ng paunang lunas ang sugat ni Blaine.

"Ibig sabihin ba nito, ligtas na tayong lahat? Like 'di na natin kailangan pang magtago?" Wika ni Anya nang may halong pagkagalak.

"Oo. Ligtas na tayong lahat." Wika ni Blaine.

"No, for me, kailangan pa rin nating mag-ingat. Hindi pa tayo sigurado kung mag-isa lang niyang pinlano ang lahat. Malay ba natin kung may kasabwat pa siya. 'Di ba, guys?" Kontra naman ni Ashley. Sumang-ayon na rin ang iba pa nilang kasama sa kanya.

"Sige, ganito na lang. Para sama-sama tayong lahat makaalis dito, kailangan muna nating makumpleto. Kapag nangyari 'yon, saka na lang tayo mag-isip ng paraan kung paano tayo aalis sa lugar na 'to." Sabi ni Ian.

"Tama!" Pagsang-ayon ni Ashley.

"Why don't we split up into two groups? Para mas mabilis natin silang mahanap!" Mungkahi ni Blaine. Natahimik ang lahat sa sinabi niyang iyon dahil walang may alam kung magiging maganda ba ang dulot nito. Ilang saglit pa ay nagsalita na si Alexandre.

"Lavander, Blaine, Ian, Kit, and Eunice, kayo ang magkakasama. Lahat ng natitira, magkakasama naman tayo." Tuluy-tuloy na sabi ni Alexandre.

"Kapag nahanap na natin sila, kita-kita na lang tayo. Dito mismo sa lugar na 'to. Para walang mangyaring complications." Dagdag pa ng binata.

Pagkatapos ng plano nila ay naghiwa-hiwalay na rin sila. Ang unang grupo ay pinamunuan ni Blaine, at ang ikalawa naman ay si Alexandre.

"Mag-iingat kayo, ha?" Wika ni Eunice habang tinatapik-tapik ang balikat ni Elinah.

"Oo. Mag-ingat din kayo..." Sambit ni Elinah.

"Tara na, Eunice. Magpaalam ka na kay Elinah." Singit ni Blaine habang pinagmamasdan ang dalawang dalaga. Nagyakap ang dalawa saka tuluyan nang naghiwalay. Habang naglalakad palayo sa isa't isa ay hindi maiwasang sulyapan ni Elinah ang kanyang kagrupong nakagaanan na niya ng loob.

Author's Note:

At siya nga ang killer! Siya ang lalaking gumawa ng lahat ng ito! Nahulaan niyo ba na siya ang killer? O si Garrie talaga 'yung iniisip niyong pumapatay? Sa susunod na chapter, si killer lang ang bida. Para maiba naman. Hehehe!

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon