Chapter Two - Hidden Secrets

1.2K 63 10
                                    

HALOS lahat ng mga estudyante ng Grade 12-A ay nagdidiwang na dahil patapos na ang school year. Kaunting gapang na lang kumbaga, ay matatapos na ang paghihirap nila sa high school.

Sa pagkakataong ito ay wala ang kanilang subject teacher sa isa nilang asignatura kaya may kanya-kanya silang mundo. Mayroong mga nagbabatuhan ng bilog na papel, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, naglalambingan at mayroon ding mga napiling mapag-isa na lamang.

"Geez, tuloy ba talaga, girl? Ayoko pa naman ng camp. Lalo na kung sa gubat talaga! As in! 'Di talaga ako sasama! I hate these kinds of activities. Hahaha!" Maarteng wika ni Charlie sa harap ng kanyang mga kaibigan. Inirapan naman siya ni Thea na nagplano ng camping nila.

"Subukan mo at kakalbuhin kitang hitad ka." Maarteng sabi niya sa kaibigan. Binigyan na lang siya ni Charlie ng isang pekeng ngiti.

"Ano ka ba, friend! Binibiro lang naman kita!" Sabi ni Charlie sabay palo sa braso ng dalaga. Tinawanan naman silang dalawa ni Chloe.

"Gaga, takot ka din pala, e. Aarte ka pa." Sabi niya. Sila ay tatlo lamang sa mga pinakakinaiinisang mga estudyante ng kanilang klase. Huwag na huwag kang magkakamaling banggain sila kung ayaw mong mapahiya sa harap ng maraming tao. Sikat silang tatlo sa pagmamaldita nila at walang taong lumalaban sa kanila bukod sa mga ka-lebel nila sa katarayan at kamalditahan at mga taong may ipinagmamalaki sa buhay.

Masayang silang nagtatawanan habang nakaupo sa kani-kanilang mga armchair. Magkakatabi silang tatlo at nakapuwesto ang upuan nila sa likurang bahagi ng classroom.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay isang bolang papel ang tumama sa mukha ni Thea. Biglang tumaas ang isa nitong kilay at maawtoridad na hinanap ang pinagmulan nito.

"Who threw this?" Maarte niyang sabi habang nakatayo. Napatingin sa kanya ang lahat ng mga kaklase niya kaya nanahimik ang lahat.

Dahan-dahang tumayo ang isang dalagang may nakadidiring hitsura. Kapag tiningnan mo itong mabuti ay mapapansin mo na kulang ito sa ayos sa sarili.

"A-ako... Sorry, Thea." Pabulong niyang paghingi ng tawad. Nakayuko ito at magkadikit ang dalawang palad sa kanyang likuran.

Nginitian niya ito at dahan-dahang nilapitan. Nagkatinginan naman sina Chloe at Charlie saka nag-apir.

Nang marating ni Thea ang puwesto ng dalaga ay mabilis niya itong sinampal nang malakas.

"Kainin mo." Utos ni Thea. Ang tinutukoy niya ay papel na binato sa kanya ng dalaga. Tahimik lamang na nanonood ang lahat at walang may balak na magtanggol kay Sabrina.

"P-pero..."

"Sabi ko, kainin mo. Bingi ka ba o sadyang boba ka lang?" Kontra ni Thea. Mabuti na lamang at dumating ang isang babae sa classroom. Pagpasok niya ay unang bumungad sa kanya ang palabas ni Thea.

"Hey, hey, hey. Wala kang karapatan gawin 'yan, Thea." Matapang na sabi ni Shiela sa dating kaibigan.

"At bakit?" Tanong ni Thea. Mahinang tumawa si Shiela at naglakad papalapit sa dalagang binu-bully.

"Umupo ka na." Utos niya na sinunod naman agad nito.

"Wala kang karapatang mam-bully sa school na 'to, Thea. Bakit, sino ka ba?" Sabi ni Shiela sabay tiningnan mula ulo hanggang paa ang kaklase.

"Ako lang naman si Thea Louise Cristoval. Ang babaeng nakapagpaakit sa boyfriend mo two years ago." Proud na pakilala ni Thea. Dalawang taon na kasi ang nakalilipas nang mahuli ni Shiela na nakikipaghalikan ang kanyang bestfriend sa kanyang boyfriend na si Nikko. Mula noon ay tinalikuran na niya ito. Nagkaayos din sila ni Nikko at ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang relasyon.

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon