(3 of 9) Meet the Campers

1.5K 66 5
                                    

Boys:

Luke Samuel Evaristo
-Ang male counterpart nina Celine Del Rosario at Maycee Lazaro. Kilala kase ito dahil sa galing nito sa paggigitara, basketball, badminton at pagsasayaw. Isa rin siya sa pinakamatatalinong estudyante ng kanilang section dahil siya ang Top 2 ng kanilang section. Dahil sa lahat ng ito ay tinawag siyang "Mr. Talented" ng campus. Pero paano kung magbago ang lahat dahil sa isang bagay na matagal niya nang iniiwasan pero hindi niya mapigilang hindi gawin?

Blaine Randy Tagle
-Tinawag na "Class Sweetheart" sa pagiging gentleman at sweet nito. Para sa mga kababaihan ay siya na ang in demand. Magaling din ito mag-alaga sa mga taong importante sa kanya lalung-lalo na sa bestfriend at mga mahal nito sa buhay. Pero paano kung mayroon palang kakaibang bagay sa kanya bukod sa pagiging sweet nito?

Kirsley Stamp Yasus
-Siya ang pinakamasayahin sa lahat ng mga estudyante ng kanilang section. Kahit na may mawala man sa kanya o may mangyaring masama sa araw niya ay hindi mawawala ang pagiging jolly nito. At siya rin ang Top 5 ng klase. Kaya naman bilib sa kanya ang kanyang mga kaklase. Dahil dito ay tinawag siyang "The Positive Thinker" ng klase. Ang tanong, bakit ba hindi siya nakakaramdam ng negatibong bagay sa kanyang isipan? Konektado kaya ito sa kanyang nakaraan?

Girls:

Edith Halvurg
-Dahil sa sobrang kaartehan ay tinagurian siyang "Flirt Queen". Hindi na mabilang ang mga lalaking naging boyfriend nito. Maganda, makurba ang pangangatawan at kulot ang mga buhok. Iyan ang mga salitang maglalarawan sa pisikal niyang kaanyuan. Pero ano nga ba ang dahilan ng mga ginagawa niyang ito?

Violet Karina Inocentes
-Ang "Class Cosplayer" ng kanilang section. Maganda ang mukha nito lalo na ang singkit nitong mga mata. Mahilig din ito sa iba pang bagay na may kinalaman sa Japan gaya ng origami, manga at anime. Pero paano kung may isang bagay na magiging dahilan para kamuhian niya ang bansang matagal na niyang iniidolo?

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon