"NAGSISINUNGALING ka! H-hindi totoo 'yang sinasabi mo, Blaine! Nasaan si Ian?! Ituro mo sa amin kung nasaan siya at pupuntahan namin siya!" Halos panghinaan na ng loob si Lavander habang pilit niyang pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.
"Nandoon! Kung ayaw mong maniwala, ikaw na lang ang pumunta! At nang makita mo ang wala nang buhay mong tagapagligtas!" Galit na sambit ni Blaine habang nakanguso sa isang bahagi ng kagubatan. Nagkatinginan pa sina Alexandre at Lawrence ngunit pareho rin silang pumunta sa lugar na itinuturo ng binata. Agad ding sumunod si Lavander at naiwan naman sina Elinah at Ashley na nakabantay sa binata.
Sa bawat hakbang ni Lavander ay unti-unting nanlambot ang kanyang mga tuhod. May kung anong puwersang humihila sa kanya na huwag nang lumapit pa sa itinurong direksyon ng binata dahil baka hindi niya magustuhan ang kanyang madadatnan.
Dahil halos hanggang balikat na ng dalaga ang mga damo sa bahaging iyon ng kagubatan at dahil na rin sa madilim na ay hindi agad niya napansin ang mga nakita ng dalawang binatang nauna sa kanya. Tumigil ang mga ito sa paglalakad at malungkot na napalingon sa kanya.
"Lavander..." Mahina at tila walang lakas ang pagkakabigkas na iyon ni Alexandre. Hindi na niya ito pinansin dahil sa kagustuhan niyang makita muna ang binata.
Nilagpasan niya lamang ang mga binata at marahan niyang nilapitan ang nasa unahan nito. Nang makita na niya ang katawan ni Ian ay doon na tuluyang bumagsak ang mga luhang simbolo ng kanyang paghihinagpis. Agad siyang umupo sa lupa upang ipatong ang ulo nito sa kanyang mga hita.
Hindi na niya nagawa pang magsalita dahil ang napapansin na lamang niya ay ang kaawa-awa nitong hitsura. Nais niyang muling ibalik ang panahon. Dahil kung inamin nito sa kanya ang nararamdaman niya ay hindi na siya magdadalawang-isip pang umamin din sa tunay niyang nararamdaman para sa binata. Lingid sa kaalaman ni Ian na mahal din siya ni Lavander, kaya naman pinili niyang itago sa dalaga ang nararamdaman niya para rito. Mas ninais niyang iparamdam na lamang sa kanya ang pagmamahal at respetong mayroon siya para sa dalaga.
Ilang minutong nakayuko si Lavander habang yakap-yakap ang bangkay ng binata. Nanatili namang tahimik at nakikinig sina Lawrence at Alexandre.
"Hindi ba't tama ako? Patay na siya? Hahaha! Kahit papaano'y nagtagumpay ako sa aking plano Hahaha!" Bigla na lamang sumigaw si Blaine kahit pa man wala itong kausap. Malapit lamang sina Lavander sa puwesto ng binata kaya naman rinig na rinig niya ang tila demonyo nitong pagtawa.
Nakaramdam siya ng galit at poot sa kanyang puso, ngunit napaisip siya. Walang magandang maidudulot ang galit. Hindi na lamang niya pinansin ang binata at nagpatuloy na lamang siya sa pag-iyak.
Nilapitan na siya nina Alexandre at Lawrence. Umupo ang dalawang binata sa tabi niya at sinubukan siyang patahanin ng mga ito.
"You have to be strong, Lavander. This is not yet over. I'm sure, kung nakikita ka niya ngayon, hinsi siya magiging masaya na nagkakaganyan ka." Wika ni Lawrence habang hinihimas-himas ang likod ng dalaga.
"Oo nga, Lav. Magpakalakas ka. Malalampasan din natin 'to." Dagdag pa ni Alexandre.
Nang dahil sa sinabi ng dalawang binata ay tila nabuhayan siya ng loob. Tama nga ang mga sinabi nito. Hindi rin siya papayag na magpatalo sa mga nararamdaman niya. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Huminga muna siya nang malalim bago siya tuluyang tumayo.
"'Yan! 'Yan ang Lavander na kilala namin! Hindi nagpapatalo sa mga pagsubok ng buhay!" Wika ni Alexandre.
"Tara na." Wika ni Lavander at sabay-sabay na silang naglakad pabalik sa tatlo pang kaklase.
"Ano? Ba't umiiyak ka? Masakit ba? Hahaha!" Natatawa pa si Blaine kahit pa man punung-puno na ng lupa ang kanyang mukha. Hindi naman siya pinansin ni Lavander dahil alam niyang mas matutuwa ang binata kapag nakita siya nitong mahina.
"Shut up, Blaine!" Sambit ni Elinah pagkatapos ay malakas niyang sinipa ang likod nito.
"Humanda ka sa 'king babae ka kapag nakawala ako rito!" Wika ni Blaine na halos lumabas na ang litid sa sobrang galit.
"Sige lang, matagal na akong handa!" Sagot nito at sinipa naman niya ang lupa papunta sa binata. Naghalu-halo ang mga bato at buhangin sa damit at katawan ni Blaine.
"Papatayin talaga kitang fame whore ka!" Gigil na gigil na si Blaine ngunit wala siyang magawa upang makaganti sa dalaga. Tumawa lang ito sa kanya habang nakalabas ang dila na tila nang-aasar pa.
"Hintayin mo akong makawala rito at makikita mo ang hinahanap mo..." Bulong ni Blaine sa kanyang sarili. Sinusubukan pa rin niyang paluwangin ang tali sa kanyang likod ngunit talagang mahigpit ang mga iyon.
Tahimik naman si Lavander habang nilalapitan niya ang binata. Nais niyang kausapin ito ngunit mukhang hindi siya nito sasagutin nang maayos.
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Hindi ka ba talaga nakokonsensiya?" Diretso sa mata niyang tiningnan ang binata ngunit tiningnan lang din siya nito sa mata.
"Hindi. Dahil pagbabayad lang naman sa kasalanan ang tawag ko rito! Sinira ng mga kamag-anak niyo ang buhay ko! Nang dahil sa inyo, lumaki ako nang walang mga magulang at kapatid! Nawalan ako ng pamilya!" Sagot nito sa kanya.
"Anong pinagsasasabi mo, ha?" Nalilitong sagot ni Lavander.
"Ate ni Ian si Irish Dimaalog!" Sa sinabing iyon ni Blaine ay agad na naalala ni Lavander ang kuwento sa dating section ni Ian.
"Mukhang alam mo naman ang tinutukoy ko. Pero sige... Ako nga pala ang kapatid ng isa sa mga pinatay sa section nila! Oo, hindi sila ang pumatay sa kuya ko, pero wala silang ginawa upang iligtas siya!" Nakikinig lamang sila habang patuloy na nag-uusap sina Blaine at Lavander.
"A-anong ibig sabihin nito?" Awtomatikong napatingin ang lahat sa kararating lang na si Blue. Hawak-hawak niya ang isang mahabang kawayan na pangdepensa niya sa sarili. Gulat na gulat ito sa lahat ng kanyang natuklasan.
"Blue?" Wika ni Lawrence.
"Buti na lang at ligtas ka. Nasaan na sila?" Wika naman ni Ashley.
"N-nahiwalay ako sa kanila dahil hinahanap ko si Ate. Pero mukhang alam ko na kung sino ang makapagsasabi sa akin kung nasaan siya..." Makahulugang sagot ni Blue habang nakatingin kay Blaine.
BINABASA MO ANG
Death Camp (COMPLETED)
Misterio / SuspensoSomething from your nightmare will come to visit your reality... The hideous killings... The freakish shows... The unimaginable events... Forty-six students from different places... Will unite... To complete the class that has always been different...