NANG matapos kumain ang lahat ay nanatili lamang sila sa kanilang mga puwesto. Napagdesisyunan kasi nila na magpahinga muna dahil kakailanganin nila ng lakas sa mga susunod pa na oras.
Sina Anya, Blaine, Ian, Kit, at Lavander ang naatasang manatiling gising habang ang natitira pa nilang mga kasamahan ang magpapahinga. Ginawa nila ang ganitong sistema upang mapamalagi ang pagiging handa sa anumang maaaring mangyari.
"Kailan kaya matatapos ang lahat ng 'to?" Tanong ni Eunice habang nakasandal ang kanyang ulo sa puno. Bahagyang napatingin sa kanya ang apat pa niyang kasamahan. Tila napaisip din ang mga ito sa naitanong ng dalaga.
"Matatapos lang ang lahat ng 'to kapag nahuli na 'yung hayop na killer na 'yon." Walang ganang sabi ni Kit.
"Paano kung hindi siya mahuli? Paano kung makatakas siya sa lahat ng nagawa niya?" Singit ni Anya.
"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Dapat siyang managot sa lahat ng ginawa niyang kahayupan." Tila nag-aalab sa galit ang mga mata ni Kit. Isang pekeng ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
Sa isang tabi, nakahiga ang isa sa mga kasamahan nila. Nakatalikod siya sa mga kasamahan kaya naman hindi siya nito nakikita. Nakahiga man ngunit nanatiling nakabukas ang kanyang mga mata at nakikinig sa mga pinag-uusapan ng kaklase.
"Nakakatawang isipin na iniisip niyo pa rin pala na kaya niyo akong mabisto. Hindi niyo siguro alam na pinapakinggan at pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niyo..." Pasimple siyang napangiti.
"Tingnan lang natin kung hanggang kailan kayo mabubuhay." Dagdag pa niya, at tuluyan na siyang pumikit at nagpahinga.
***---***
Halos isang oras na ring tinatahak nina Charlie, Hero, at ng dalawang lalaking tumulong sa kanila ang kalsadang maghahatid sa kanila sa main road. Tahimik ang naging biyahe nila dahil walang gustong magsimula ng usapan.
"Ako nga pala si Richard. At ito namang kasama ko ay si Kenneth. Magpinsan kami at may pinuntahan lang kaming mahalaga sa gubat na 'to. Kayo?" Pakilala ng lalaking nagda-drive ng sasakyan. Sinulyapan niya pa ang dalawang nakaupo sa likuran.
"I'm Charlie po. And he's Hero. Actually, dapat po sana ay magka-camp po kami roon just to have fun and enjoy each other's company, but unfortunately, hindi po ganoon ang naging ending ng camp namin." Wika ni Charlie habang pinagmamasdan niya ang mga nadadaanan nilang tanawin. Hindi na nagsalita pa si Hero dahil may malalim ito iniisip.
Ilang minuto lamang ang lumipas at biglang lumiko ang sasakyan sa mabatong lupa na may kakaunting puno lamang na madadaanan. Namuo ang pagtataka sa isipan nilang dalawa.
"K-kuya, diretso lang po ang daan. Mali po kayo ng liko." Wika ni Charlie. Hindi siya sinagot ng dalawang lalaki pero palihim na napangiti ang mga ito.
"Kuya, mali po tayo ng dinadaanan..." Dagdag pa ni Hero, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi sila nito pinansin.
Nagsimula na silang magpanik at binulungan na ni Hero si Charlie upang makatakas sila sa anumang nais gawin sa kanila ng dalawang lalaki.
"Buksan mo na 'yung pinto at sabay tayo tatalon..." Nanlaki ang mga mata si Charlie sa sinabi ng binata dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya iyon kayang gawin.
"Pero—" Hindi na siya pinatapos pa ng binata sa pagrereklamo. Hinawakan siya nito sa kanyang kamay, dahilan upang kahit papaano ay lumakas ang kanyang loob.
Bubuksan na sana nila ang pinto ngunit nabigo sila dahil naka-lock ang mga ito. Nagtawanan ang dalawang lalaki habang sila'y halos mamatay na sa kaba.
"Hindi kayo tatalon. May gagawin lang tayo saglit. Haha!" Wika ng lalaking katabi ng nagmamaneho.
"Mga hayop kayo! Ibaba niyo na lang kami rito at wala kaming pagsasabihan sa mga nangyari!" Sigaw ni Hero, ngunit lumakas lamang ang tawanan ng dalawang lalaki.
"Hindi ka naman namin kailangan, 'etong babae lang, sapat na." Sambit ng nagmamaneho at nagpatuloy ulit ito sa pagtawa.
Sa gitna ng tawanan nila ay sinenyasan na ni Richard si Kenneth. Inilabas nito mula sa kanyang tagiliran ang isang baril at agad niya itong itinutok kay Hero. Hindi na ito nakapagsalita pa dahil mabilis niya itong pinaputok. Nagtititili si Charlie sa sobrang takot. Maya-maya pa ay umiyak na ito at nagwala. Pilit niyang pinupukpok ang salamin ng bintana ngunit ayaw talaga nitong mabasag.
"Pababain niyo na ako, maawa kayo sa akin..." Pagmamakaawa niya. Hindi niya maiwasang tingnan ang duguan niyang katabi na si Hero. Halos matakpan na ang buo niyang mukha ng dugo dahil sa ulo siya tinamaan ng bala.
"Miss, 'wag kang mag-alala. Masasayahan ka naman sa gagawin natin e." Sambit ng lalaking nagmamaneho. Lalong natakot si Charlie kaya't nagsisigaw na siya sa loob ng sasakyan.
Upang hindi na marinig pa ang pagsigaw ng dalaga ay binuksan ni Kenneth ang speaker na nakalagay sa dashboard kung saan isang maingay na saliw ng musika ang kanilang narinig.
Tumatango-tango pa ang dalawang lalaki na tila natutuwa sa dalawang ingay na kanilang naririnig. Samantalang si Charlie naman ay halos sumabog na ang lalamunan sa kasisigaw. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang eksenang nangyari kani-kanina lamang. Idagdag pa ang lahat ng eksenang naganap sa kanilang camping.
Maya-maya pa ay tumigil na sa pagsigaw ang dalaga. Nagtaka ang dalawang binata kaya naman agad nilang pinatay ang speaker. Nilingon nila ito at laking gulat nila nang masilayan ang hitsura nito.
Sabog-sabog ang buhok, puno ng kalmot ang mukha, at tumulo na hanggang sa leeg ang laway niya. Nakatabingi rin ang ulo nito at nakasandal sa kanyang balikat. Marahil sa sobrang dami ng pangyayari na gumugulo sa kanyang isipan ay tuluyan na itong nawala sa katinuan.
"Mommy... Uuwi na po ako, Mommy... Uuwi na po ako..." Paulit-ulit lamang itong sinasabi ni Charlie na animo'y isang sirang plaka.
"Pare, lagot ka. Nabaliw na." Wika ni Kenneth.
"Hayaan mo siya. Mas mababaliw siya sa gagawin natin sa kanya." Sagot nito at muli silang nagtawanang dalawa.
Nang makarating sila sa isang liblib na parte ng gubat ay inihinto na nila ang sasakyan. Unti-unti nang nagdidilim at maghahari na naman ang buwan at mga bituin sa kalangitan.
Bumukas na ang dalawang pinto ng sasakyan at bumaba roon ang dalawang lalaki. Pareho nilang binuksan ang pinto sa likuran at agad na bumagsak ang wala nang buhay na katawan ni Hero.
"Halika na..." Wika ni Richard saka hinawakan ang kamay ng dalaga. Punung-puno ng pagnanasa ang mga mata niya at tila sabik na sabik sa dalaga. Sumama naman si Charlie sa kanya ngunit ganoon pa rin ang paulit-ulit na sinasabi ng dalaga.
"Pre, anong gagawin natin sa kanya pagkatapos natin siyang gahasain?" Tanong ni Kenneth sa kaibigan.
"Papatayin natin siya. Mahirap na't baka magkaproblema pa." Seryosong sagot ni Richard saka muling hinithit ang sigarilyong hawak-hawak niya.
Author's Note:
Hi! Sa susunod na chapter, ire-reveal ko na kung sino ang killer. Medyo matatagalan ako sa pag-update kasi gusto ko maayos ko siyang maisulat di gaya ng mga naunang chapters. 'Yun lang! Hahaha!
BINABASA MO ANG
Death Camp (COMPLETED)
Tajemnica / ThrillerSomething from your nightmare will come to visit your reality... The hideous killings... The freakish shows... The unimaginable events... Forty-six students from different places... Will unite... To complete the class that has always been different...