"BLAINE! Itigil mo na ang kabaliwan mo!" Naabutan pa ni Ian na naghahanap sa dilim ang binata habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang baril. Napagdesisyunan nila na siya na ang makikipagtuos sa binata habang sina Alexandre naman ang maghahanap kay Lavander.
Mabuti na lamang at hindi naging alisto si Blaine kaya't agad niyang nahawakan ang baril. Balak niyang ilayo ito sa binata upang hindi na ito makapaminsala pa, ngunit hindi pumayag si Blaine na masira lamang nang basta-basta ang kanyang plano. Mahigpit niya pa ring hinawakan ang baril at pilit iyong itinututok sa binata.
"Buhay ka pa pala... Pero hindi pa tapos ang paghihiganti ko sa inyo, Ian! Papatayin kita!" Tila isang baliw si Blaine na buong lakas na sumisigaw. Tinuhod niya ang sikmura ng binata dahilan upang manghina ito at mabitawan ang baril.
"Wala kaming ginawang masama sa 'yo, Blaine! Wala kang dapat paghigantihan!" Bulalas ni Ian habang nakahawak sa kanyang tiyan.
"Kayo, wala... Pero ang mga kamag-anak niyo, meron!" Sigaw ni Blaine saka itinutok sa binata ang baril. Napakunot ang noo ni Ian. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng binata.
"Ako lang naman ang anak ng babaeng ipinakulong ng kapatid mo..." Nanlaking bigla ang mga mata ni Ian. Bata pa siya noon ngunit hanggang ngayo'y sariwa pa rin sa kanya ang lahat ng nangyari sa section ng ate niya.
"Labindalawang taon na ang nakalilipas, Ian... Pero sariwang-sariwa pa rin sa isip ko ang lahat! Ang kapatid mo at ang mga kaklase niya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin! Dahil sa kanila, namatay ang kuya ko! At dahil din sa kanila, nawala sa katinuan ang nanay ko!" Sa sobrang galit ni Blaine ay ipinaputok niya ang baril. Tumama sa balikat ni Ian ang bala na naging dahilan upang lalo siyang manghina.
"H-hindi kasalanan nina Ate Irish ang nangyari sa p-pamilya mo! Biktima lang din sila kagaya ng kuya mo!" Nagawa pang sumigaw ni Ian kahit pa man marami nang dugo ang nawawala sa kanya.
"Kasalanan nila 'yon! Pero ang mga buhay niyo ang kabayaran sa mga ginawa nila!" Sigaw ni Blaine saka muling ipinaputok ang baril. Tinamaan sa dibdib ni Ian. Maya-maya pa'y tuluyan nang binawian ng buhay ang binata.
***---***
Nakatago sa likod ng isang matandang puno si Lavander. Hinihingal pa siya at pawis na pawis ang buong mukha. Epekto na rin siguro ito ng kaba at pagod na nararamdaman niya.
Halos mapasigaw siya nang bigla na lamang siyang hawakan sa balikat ni Elinah. Mabuti na lamang at tinakpan ni Lawrence ang kanyang bibig.
"Shhh! Baka marinig niya tayo!" Pabulong na utos ni Lawrence sa kanya.
"Tara na. Umalis na tayo at baka maabutan pa tayo rito ni Blaine..." Wika ni Ashley.
Maglalakad na sana sila paalis nang biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril sa paligid. Nagkatinginan silang lima at napatigil nang saglit.
"Mukhang nagtutuos na nga sina Blaine at Ian..." Wika ni Elinah.
"Bilisan na natin! Hindi natin alam kung ano na ang nangyayari sa kanila! Kailangan na nating tulungan si Ian!" Sambit ni Alexandre. Nanlaki ang mga mata ni Lavander nang marinig niya iyon sa binata.
"Ano?! Bakit niyo siya hinayaan?! May baril si Blaine!" Nagkatinginan na lamang silang apat at ilang segundong walang naglakas ng loob upang sagutin ang kanyang katanungan.
"Inamin niya sa amin ang lahat... Mahal ka niya, Lavander! At handa siyang gawin ang lahat para lang mailigtas ka! Kaya't ang sabi niya, siya na raw ang bahala kay Blaine..." Wika ni Ashley. Nahalata nilang lahat ang pamumula ng pisngi ng dalaga. Ngunit agad din iyong nawala dahil mas pinili nitong maunang maglakad papunta sa pinagmulan ng putok ng baril. Hindi na nagsalita pa sina Lawrence, Alexandre, Elinah, at Ashley at sumunod na lamang sila sa dalaga.
***---***
"Umalis na tayo rito at hanapin natin sila..." Iyon na lamang ang nasabi ni Teri sa kanyang mga kasamahan. Masyado na kasing maraming nangyari sa parteng iyon ng kagubatan. Napuno na nga iyon ng mga bangkay at dugo ng kanilang mga kaklase.
Nanatiling tahimik ang tatlo pa niyang kasama at tila nagpapakiramdaman lamang. Bawat isa'y nag-iisip kung tama lamang ba ang ginawa ni Teri sa binata.
"Hindi mo dapat siya pinatay..." Wika ni Luke. Napatingin sa kanya sina Violet at Kirsley dahil siya lamang ang naglakas ng loob na magsalita ukol sa ginawa ni Teri.
Nanatili lamang si Teri na nakatingin sa kawalan. Hindi niya hinarap si Luke ngunit nagawa niyang sagutin ang sinabi nito.
"Kung hindi ko ginawa 'yon, marami pa sa atin ang masasaktan at malalagay sa panganib..." Sagot niya.
"Pero para ka na ring gumaya sa kanya noong ginawa mo 'yan. Mamamatay-tao ka na rin, Teri..." Pangangatwiran ni Luke na mayroong seryosong mukha. Nanatili lamang na nakikinig sina Kirsley at Violet dahil sa sobrang gulat. Hindi nila akalaing masasabi iyon ng binata.
"Pinoprotektahan ko lang ang grupo natin! Sana naman naiintindihan niyo 'yung ginawa ko!" Pansin na nila na tumutulo na ang mga luha mula sa mata ng dalaga.
"Maaari kang makulong nang dahil sa ginawa mo, Teri! Alam mo ba 'yon?!" Ngayon ay napuno na si Luke kaya't nasigawan na niya ang dalaga.
"Wala na akong pakialam! Ang gusto ko lang naman ay ang mabuhay pa ang mga natitira sa atin! Kung hindi mo naiintindihan 'yon, wala na akong pakialam! Hindi ko na problema 'yon!" Matapos sabihin iyon ni Teri ay dali-dali siyang naglakad papalayo sa grupo.
"Sundan mo si Teri at baka kung ano pang mangyari sa kanya." Bulong ni Violet kay Kirsley. Agad din naman itong sumunod at hinabol ang dalaga. Nanatili naman si Violet upang kausapin si Luke dahil mukhang sasabog na ito sa sobrang galit. Ilang segundo siyang naghintay upang pakalmahin muna ang binata.
"Luke..." Wika ni Violet habang naglalakad siya papalapit sa binata. Ramdam niya pa rin ang galit nito kahit pa man nakaalis na ang dalaga. Hindi siya nito sinagot at hindi man lang nilingon.
"Luke, hindi sa sumasang-ayon ako sa gin-" Napatigil siya sa sinasabi niya nang magsalita bigla ang binata.
"Wala na akong panahon pang makipagtalo sa 'yo, Violet. Kaya please lang. Hayaan mo na lang muna akong mapag-isa..." Napahinga na lamang nang malalim si Violet at agad na lang siyang tumahimik.
Author's Note:
Hindi ko inakalang malapit na 'tong matapos. Nung una pa-type-type lang ako ng kamemahan sa life. At aaminin ko, wala talaga akong idea sa mangyayari sa ending. Hinahayaan ko lang 'yung mga daliri ko na mag-type nang mag-type. Share ko lang. Hahaha!
Edit by: _australism! Thank you ulit! Ang ganda ng pagkakagawa mo! Hahaha!
BINABASA MO ANG
Death Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSomething from your nightmare will come to visit your reality... The hideous killings... The freakish shows... The unimaginable events... Forty-six students from different places... Will unite... To complete the class that has always been different...