Chapter Nineteen - Escaping The Inescapable

558 18 0
                                    

"ANG sagot ay eighty-seven." Tila nagyayabang na sambit ni Kit. Nagkatinginan na lamang ang tatlo dahil sa pagkabigla.

"Pero paano mo nakuha ang sagot? Hindi ko in-expect na ganoon ka pala kagaling. Na-shookt si ako." Nagtatakang tanong ni Elinah. Nakakunot ang noo niya habang tinititigan ang maaliwalas na mukha ng binata. Alam niyang mayroong paliwanag na sasabihin ang kasama at hinihintay na lamang niya itong ilabas ang lahat.

"Unang-una, walang kinalaman ang isip ko rito. Dahil mata ko lang ang gumana sa sitwasyon 'to. Pangalawa, ako lang ang nasa tamang posisyon para malaman kung ano ang tamang sagot. Subukan niyong baligtarin ang papel at makikita niyo na ang tinutukoy ko." Muling pinagmasdan ng tatlo ang papel. Inikot nila ang papel at nakita na ang sagot sa palaisipan na iyon.

"Amazing..." Wala nang ibang nasabi pa si Eunice.

"E ano nang gagawin natin ngayong alam na natin ang sagot?" Tanong ni Alexandre ngunit isang katahimikan lamang ang itinugon ng mga ito sa kanya.

"Umalis na tayo. Malalaman na lang siguro natin 'yun sa tamang panahon." Wika ni Eunice. Agad din nilang nilisan ang lugar at muling bumalik sa pagtakbo upang mahanap na ang iba pa nilang mga kaklase.

***---***

Tahimik na pinagmamasdan ni Zoey ang malawak na gubat mula sa itaas ng isang bangin. Nakabibighani ang ganda ng kalikasan. Ngunit hindi ito ang tamang oras para sa kanya upang mamahinga.

Tatalikod na sana siya nang makaramdam siya ng puwersahang paghila sa katawan niya. Hindi niya maigalaw ang katawan niya at hindi rin niya magawang makasigaw dahil tinakpan na rin nito ang kanyang bibig.

"Shhh! Ako 'to, si Red!" Wika ng binatang bumungad sa kanyang likuran. Hindi siya agad nito pinakawalan at hinintay munang kumalma siya.

Bakas pa rin sa mukha ni Zoey ang takot at pagtataka. Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ito sa kanya ng kasama.

"'Wag kang maingay. Tara... Sumama ka sa akin!" Wika ng binata pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kanyang braso at hinila papunta sa ibang direksyon. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaklase at magtiwala.

"Sa'n ba tayo pupunta?" Muli nang bumalik sa tamang huwisyo si Zoey at nagawa na niyang kumilos muli nang normal.

"Aalis na tayo!" Sagot sa kanya ng binata nang hindi siya hinaharap. Patuloy pa rin sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang bus na naghatid sa kanila papunta sa lugar na iyon.

"H-hindi pwede! Hindi pa tayo nakukumpleto! Hintayin natin 'yung iba pa!" Sigaw niya at sinabayan na rin niya ito ng pagpupumiglas, ngunit dahil mas malakas sa kanya ang binata ay hindi na niya nagawa pang makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya.

"Hindi na natin kailangang hintayin 'yung mga 'yon! Mamamatay pa tayong lahat kapag nagtagal pa tayo rito!" Sagot nito sa kanya. Sa paglalakad nila ay tuluyan na nilang narating ang pintuan ng bus. Napatingin siya sa mga salamin nito at doon na lang niya napansin na nasa loob na rin pala ng bus ang iba pa nilang mga kaklase. Sa loob ay nakaupo na sina Emmanuel, Celine, Sabrina, Laidge at Shiela.

"Bilisan mo na girl! Ang arte-arte mo!" Narinig pa niyang sumigaw si Shiela. Nakataas naman ang isang kilay ni Sabrina habang pinagmamasdan siyang kaladkarin ni Red.

"Hindi ako sasama sa inyo! Please lang!" Pagmamakaawa niya. Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas ngunit sadyang mas malakas sa kanya ang binata. Lalo pa siyang kinabahan nang makita niyang bumaba sa bus si Emmanuel.

"Tulooong! Tulungan niyo 'ko!" Ibinigay na niya ang buo niyang lakas sa pagsigaw upang makahingi ng tulong. Pero walang dumating upang tulungan siya. Pinagtulungan na siya nina Emmanuel at Red at dinala papasok sa bus.

Marahas siyang itinulak ng dalawang binata sa isang upuan kung saan tinabihan siya ni Sabrina. Tatayo pa sana siya ngunit hinawakan siya ng dalaga sa kanyang braso. Halos bumaon ang matutulis nitong kuko sa kanyang bisig.

"You're not going anywhere." Nginitian pa siya nito nang may halong pang-aasar.

"Sabrina, pwede bang bitawan mo siya? Nasasaktan na siya..." Nahihiyang wika ni Celine.

"Manahimik kang negra ka, kung ayaw mong ikaw ang saktan ko." Sigaw nito, dahilan upang muli siyang manahimik na lamang.

Wala nang nagawa pa ang dalaga kundi ang pilitin ang sariling kumalma. Hinayaan na lang niyang gawin ng mga kasama niya ang mga gusto nila.

***---***

"Tulooong! Tulungan niyo 'ko!" Agad na napalingon sina Ian, Lavander at Ashley nang marinig nila ang pamilyar na boses na iyon. Nasa malapit lamang iyon dahil naririnig nila nang maayos ang tinig nito.

"Shit, si Zoey 'yon! Tara na! Baka may nangyari nang hindi maganda sa kanya!" Agad na tumakbo si Ian papunta sa direksyon na pinagmulan ng sigaw ng dalaga. Sumunod din naman sa kanya ang tatlo.

Ilang saglit pa ay naabutan na lamang nila na umaandar na ang bus na sinakyan nila papunta sa gubat. Nanlaki lalo ang mga mata nila nang makitang nasa loob ng bus ang ilan sa mga kasamahan nila. Hinabol pa ni Ian ang bus upang pigilan ngunit unti-unti na itong pinaandar ni Red. Nang makalapit siya sa pintuan ng bus ay namasdan niya ang mga taong nasa loob. Naroon sina Emmanuel, Celine, Red, Sabrina, Shiela, Laidge at Zoey.

"Red! Huwag kayong umalis! Hindi pa natin sila nahahanap!" Sigaw niya, dahilan upang makuha niya ang atensyon ng mga sakay nito. Nang makita siya ni Zoey ay agad itong tumayo, ngunit hindi na niya nagawa pang makalapit pa dahil muli siyang hinawakan nang mahigpit ni Sabrina. Kitang-kita niya ang takot sa mukha ng kaklase. Tila labag sa kalooban nito na sumama sa kanila ngunit hindi na niya nagawa pang makaangal dahil pinangunahan na siya ng mga kasama.

Sinubukan nang pigilan nina Lavander at Ashley si Ian ngunit nagbingi-bingihan lamang ito at nagpatuloy pa rin sa paghabol sa bus.

"Ihinto niyo ang sasakyan!" Muling sumigaw si Ian ngunit tinawanan lamang siya ni Red. Bakas sa mukha ni Ian ang matinding pagod ngunit lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Pero hindi nagpatalo si Red at lalo pa niyang pinabilis ang takbo ng bus kaya't hindi na nakahabol pa si Ian.

Napatigil na lamang siya sa gitna ng kalsada habang pinagmamasdan ang bus na dire-diretso sa pagtakbo palayo sa mala-impyernong gubat na iyon. Hindi na niya namalayan pa na nakasunod na pala sa kanya sina Lavander at Ashley.

"Hayaan na natin sila. Marami pang paraan para makaalis tayo sa lugar na 'to. Sa ngayon, kailangan muna nating bumalik kaagad doon para masabihan pa natin sila Anya." Wika ni Ashley. Hindi na nakasagot pa si Ian at patakbo na lamang silang bumalik.

***---***

"Alam mo, Zoey... Imbes na magalit ka, dapat nga magpasalamat ka pa sa amin e. Kasi niligtas ka namin, kung hindi lang dahil sa pagmamakaawa ni Celine, hindi ka namin isasama rito! Kaya itigil mo na 'yang kaiiyak mo!" Wika ni Sabrina habang nakatingin nang masama sa dalaga.

"Oo nga! Itigil mo na 'yang kakaiyak mo! Nakakairita e." Dagdag pa ni Shiela.

Hindi na lamang sumagot si Zoey at patuloy pa rin sa pagdungaw sa bintana at sa pag-asang humahabol pa rin sa likuran nila si Ian.

"Guys..." Pabulong ngunit narinig ng lahat ang sinabing iyon ni Red.

"Bakit?" Walang ganang tanong ni Emmanuel.

"May problema tayo..."

Author's Note:

Sorry sa sobrang late na update. Kung may nagbabasa man. Hahaha! Hirap pala talaga 'pag STEM. So, musta naman 'tong chapter na 'to? Naniniwala ba kayong si Garrie na talaga ang killer? O may iba pa kayong hula? Comment mo niyo na 'yan! Woah. Hahahaha!

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon