H Y U N G - 4

2.3K 131 27
                                    

Hyung - four -

"Kamsahamnida" - sabay sabay naming sabi at nagbow.

Finally, natapos na rin ang pagshoot ng music video namin. Masaya ako dahil natapos na ito ngunit kinakabahan din syempre dahil nga baka hindi maging maganda ang kalabasan nito.

Nauna na silang maglakad papuntang dressing room pero kinuha ko muna yung phone ko tsaka nagselca. Inopen ko na rin yung ig ko para maiupload ang selca na 'to.

Just finished shooting our first music video ㅋㅋㅋ. Please look forward to it 💕 and also for our debut stage next next week ㅋㅋㅋ Fighting! ❤️❤️❤️ #Sp5rkles #Eunmi

Kakapost ko palang ay natuwa ako dahil sa anrami na agad nagliked. Natutuwa ako sa mga nagcocomment din.

'noona, fighting!'

'Kwiyeo 😍'

Magtytype na sana ako nang reply ngunit may humawak sa kamay ko at umiling sya.

"ah mianhe, unnie" - sambit ko dun sa isang staff. hays. Nilagay ko nalang yung phone ko sa bulsa ko at naglakad na papunta sa dressing room. Nakalimutan ko bawal nga palang magreply hays.

Nagulat naman ako nang biglang may nag'akbay sakin.

"sweg" - boses palang kilalang kilala ko na.

Ngumiti ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito Hyung?"- tanong ko kay hyung pero tinignan nya lang ako. Ops- nakalimutan ko na naman.

"I mean, Oppa. Hehe. Anong ginagawa mo dito?" - tanong ko. Iniabot nya sakin yung plastic na dala nya na sa tingin ko ay may lamang pagkain.

"gusto ko sana kayong panuodin eh, pero mukhang tapos na" - sabi nya at kumamot pa sa ulo nya.

Napatawa lang ako. "Gomawo, Oppa. Tsaka opo, kakatapos lang namin. Sayang di ka naka'abot haha" - sabi ko sa kanya.

Ginulo nya lang ang buhok ko.

"Sige, alis na rin ako. May practice pa kami eh" - sabi nya tsaka naglakad na ulit palabas.

"Bye oppa! ingat" - sigaw ko sa kanya.

Naglakad na rin ako papunta sa dressing room at naabutan ko silang nakabihis na.

"san ka ba galing, eunmi-ssi?" - tanong ni jihye unnie habang inaayos yung buhok nya.

"Ah, dyan lang unnie hehe. Medyo natagalan lang kasi nagselca ako tapos may binigay na pagkain si Yoongi oppa" - sabi ko at inilapag yung pagkain dun.

Kuminang na nman ang mata ni Eunjung unnie at binuksan na iyon.

"PIJJAAAA!!" - sabay sabay nilang sigAw.

Whoa, matagal tagal na rin kaming hindi nakakain nito. Pumwesto na kami doon at nagsimula ng kainin iyon.

"Nag'abala pa talaga si Oppa na maghatid ng pagkain ah?" - sabi ni minji-ssi.

"Alam mo, Eunmi-ssi. Parang may gusto talaga si oppa sa'yo" - bigla naman akong nabulonan sa sinabi ni eunseo unnie kaya inabutan ako ni maknae ng tubig.

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon