H Y U N G - 25

1.4K 102 73
                                    

hyung - twenty five -

Pagkapasok na pagkapasok namin ng practice room ay bumungad samin ang mga kalalakihang sobrang lalapad ng ngiti. Isabay mo pa ang tumatalon na sina Jhope Oppa at Taehyung Hyung. Nasanay na rin akong tawagin silang Oppa except kina Jimin at V hyung.

"Chukahaeyo, spakles" nakangiting wika ni Pd-Nim. Lumapit naman kami sa kanya at nagbow. "Kamsahamnida" sabay sabay namin sambit.

Blinow na din namin yung kanina pang hawak ni Seokjin oppa na cake at nagpasalamat muli. Umalis na muna si Pd-nim dahil may aasikasuhin pa daw sya.

"A-asan si jimin hyung?" Tanong ko. Aish! Hindi ko na talaga mapigilan yung sarili kong di magtanong kasi naman nacucurious ako kung bat wala sya dito, eh andito naman yung bangtan.

"Dadating yun! Nalate lang. Nagpapagwapo pa yun para sayo yie" asar naman ni Jhope Oppa kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Lumapit naman sakin si Taehyung tsaka hinawakan yung balikat ko. "Chukahamnida, Eunmi saeng ko! Galing mo talaga! Dali ikikiss kita" biro nya tsaka ngumuso. Tumawa lang ako tsaka sinuntok ng marahan yung tiyan nya.

"Kiss mo mukha mo, hyung!" Sigaw ko. Ngumiti muli sya tsaka hinila ako para yakapin. Niyakap ko sya pabalik. "Thank you, hyung."

Mas lalo nya lang hinigpitan yung yakap hanggang sa di na ako makahinga kaya naitulak ko sya ng malakas. "Grabe ka naman!" Sigaw ko kaya napatawa din sya ng malakas. Luh, muntik na akong mamatay sa yakap nya tapos tinatawanan lang ako.

Pagkatingin ko naman sa may pintuan ay nakatayo dun si Jimin hyung, hindi ko alam kung bat ganun parang badmood sya. Ngumiti nalang ako at kumaway. "Hello, jimin hyung." Bati ko sa kanya pero nilagpasan nya lang ako at nilapag yung pagkain.

O.... kay? Bat parang bumalik na naman sya sa dati? Hays, akala ko ba okay na? Akala ko ba tapos na yung pagsusungit nya? Akala ko ba...?

Napayuko nalang ako tsaka pumwesto dun sa isang gilid. Kinain ko yung cake na parang wala nang bukas. Dapat masaya ako ngayon pero bat naiinis ako? Aish.

"Eomma!"

Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko yung sinabi ni Gayoung. H-huwag kang titingin sa may pinto, Eunmi. Please, huwag kang—

Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko dahil tumingin ako sa may pinto. Nakatayo lang naman dun yung babaeng pinagtabuyan, iniwan at di ako tinuturing na anak. Kitang kita ko yung ngiti nya habang magkayakap sila ng anak nya.

"Guys, eomma ko nga pala." Pagpapakilala ni Gayoung sa kanya.

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagkain nung cake. Putek, bat ang bilis maubos nito? Halos puno pa to kanina ah? Aish. Kainin ko nalang kaya din tong plato? Tss.

"Eunmi saeng! Halika dito. Andito eomma ni Gayoung." Rinig kong sambit ni jihye unnie. Napadiin naman ang hawak ko sa tinidor. Ilang segundo pa bago ako tumayo at nagplastik ng ngiti sa harap nila.

"Annyeonghaseyo, LEE eunmi imnida" Bati ko sa kanya at nagbow. Diniinan ko talaga ang pagsabi nung lee para naman maalala nya yung former surname nya. From Lee To Park real quick.

"It's a pleasure to meet you, Eunmi" sabi nya pero di man lang makatingin diretso sa mga mata ko.

Tinignan ko sila parehas. Dapat ako yan eh. Dapat ako yung bibisitahin nya. Dapat ako yung sinusuportahan nya. Dapat ako yung dahilan ng mga ngiti nya. Dapat ako... pero bakit hindi ako?

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon