H Y U N G - 10

2.1K 132 104
                                    

Hyung - ten -

"Kamsahamnida" - sabay sabay naming sabi at nagbow na sa mga staffs.

Kinuha ko na yung ibang gamit namin ngunit napatingin ako kina hyung at minji-ssi.

Masaya silang nagkwekwentuhan. Tumatawa pa nga si Hyung eh. Naks, si Maknae din pala yung isa sa pwedeng magpatawa ng ganyan kay Hyung.

Habang nakatingin ako sa kanila ay nakita kong lumingon sa may gawi ko si Hyung. Nagkasalubong pa ang mga mata namin pero ako na rin yung umiwas.

Tumalikod nalang ako sa kanila at lumabas na ng venue. Sina unnie naman, Nandun pa sila sa loob para magpahinga.

Sinipa ko yung isang bato na nakaharang sakin at naglakad lakad muna. Wala naman atang mga fans na nakaabang dito.

Nagulat naman ako sa biglang umakbay sakin.

"Noona!" - sambit nya.

Tinignan ko muna sya bago alisin yung akbay. "Wae?" - tanong ko sa kanya.

"Mukhang malungkot ka ah? Dahil ba hindi ka daw bias ni hyung? Pft" - sabi nya kaya marahan konsyang tinulak tapos umiling ako.

"Ani, pagod lang" - pagpapalusot ko naman sa kanya.

Tumawa lang sya at ginulo yung buhok ko. "Ang sinungaling mo naman Noona, alam ko namang si Jimin hyung bias mo eh. Ginamit mo pa ako" - sabi nya.

Napatahimik naman ako dahil dun pero nagsalita din ako. "Sinungaling ka din! Sabi mo bias mo ako diba? Hindi naman yun totoo ah" - sabi ko sa kanya.

Lumapit sya sakin tapos siniko ako. "Baliw, bias kita noona. Totoo yun" - sabi nya.

Bigla ko naman syang tinignan dahil sa sinabi nya.

"Wehh?" - hindi ako makapaniwalang ako bias ng ilong na to. Akala ko kasi si Maknae eh.

"Ayaw maniwala ni Noona oh. Totoo nga, bias kita! Galing mo kaya" - sabi nya naman.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. "Oy hindi! Mas magaling ka naman" - sabi ko sa kanya pero tumawa lang din sya.

Tinignan nya yung batong kanina ko pa sinisipa at nagsalita..

"Sinungaling din ni Hyung haha"

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa pagsabi nya nun.

"Wae?" - tanong ko naman sa kanya.

Yumuko sya at pinagmasdan muli yung bato. Sinipa nya iyon hanggang sa mapunta sa malayo na.

Tumingin sya sakin at ngumiti. "Ikaw naman bias nya eh, parehas kami"

-------

(Ewan ko kung ganto ba talaga ang nangyayari sa mga fansigning events eh huehue. Kaya sorry kung may mali )

Kinuha ko yung tubig ko at ininom iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ni Jungkook kanina.

"Pst, eunmi-yah ayos ka lang?" - tanong sakin ni JiHye unnie. Siguro kanina nya pa ako napapansing ngiti ng ngiti.

Tumango naman ako at nag thumbs up. "Ne unnie" - sabi ko naman sa kanya.

"Excited na ako sa first fansigning event natin!" - sabi ni Eunseo unnie kaya napangiti ako.

Nasa van kasi kami ngayon, papunta sa venue kung saan magaganap ang first fansigning event namin.

Kinakabahan ako kasi baka konti lang pumunta or walang pumunta. Hays. Pero sana naman meron.

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon