hyung - twenty six -
Unti unti kong minulat ang mata ko at nilibot ang paningin ko. Napangiti ako dahil nakauwi pala ako ng maayos. Bumangon na ako at inayos ang sarili ko. Tumingin din ako sa orasan, may promotions pa pala kami mamaya. Naglakad na ako palabas ng room ko pero biglang sumagi sa isip ko si Yoongi Oppa. Nakauwi din ba sya ng maayos?
Naglakad ako papunta sa kusina at naabutan si Jihye unnie na nagluluto. "Goodmorning, unnie!" Bati ko sa kanya at ngumiti .
"Wow, good mood ka ngayon ah. Kumusta date nyo ni yoongi oppa? Ikaw huh" pang aasar nya sabay sundot sundot pa ng tagiliran ko.
"Huh? Date? Di kami nagdate!" Pagtatanggi ko naman pero tumawa sya at mas lalo pa akong inasar.
"Pero inamin mong magkasama kayo. Sus, kaya pala nawala din si Yoongi Oppa eh, magkasama pala kayo." Pangungulit nya.
Sasagot sana ako kaso biglang sumingit sa usapan si Gayoung.
"Magkasama kayo ni yoongi oppa kagabi?" Tanong nya tsaka kinain kumuha ng plato at inilapag sa may mesa.
"Oo." Tipid kong sagot. Napansin kong natigil sya sa pagkuha nung kutsara at tinidor. Pansin ko ring ang diin ng pagkakahawak nya rito. Galit ba sya?
Naalala ko na naman yung inasta nya nung bumisita si yoongi oppa sa dressing room namin. Nung nabanggit ni jihye unnie yun ay parang bigla syang nagalit at nagkulong sa Cr. Tapos ngayon naman, parang nagagalit sya nung nalamang magkasama kami ni yoongi oppa kagabi.
Possible kayang may gusto si gayoung kay yoongi oppa?
Pero gusto sya ni taehyung hyung! Wala namang masama dun pero... magkaibigan sina yoongi oppa at taehyung hyung kaya alam kong masasaktan si Hyung kasi sobrang halata pa ring mahal nya pa si Gayoung.
Habang iniisip ko iyon ay agad akong nagulat dahil padabog nyang binitawan yung kurbyertos na hawak nya. Padabog din syang pumasok sa room nya.
"Oh, ano na namang nangyari kay gayoung-ssi?" Tanong ni jihye unnie pero nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko din alam kung ano bang nangyayari sa kanya. Nagseselos ba sya or ano?
Naglakad na ako papunta sa room ko pero pagbukas ko ay nagulat ako nang makita ko si Minji-ssi na hawak yung phone ko.
"U-unnie!" Sabi nya at pilit na ngumiti sakin.
"Oh, saeng? Bat mo hawak phone ko?" Tanong ko sa kanya at naglakad papasok.
"Ah kasi unnie, may tumawag kanina eh. Kaso wala ka so... ako nalang s-sumagot" paliwanag nya naman kaya tumango ako.
"Anong sinabi?" Tanong ko at pumasok na sa Cr namin para maligo.
"Pinapatawag ka po ni pdnim, u-unnie" sabi nya naman kaya sumagot ako ng 'ok'.
Nakakapagtaka lang kasi bat sya nauutal? Luh, hindi naman ata ganun si Minji eh.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako kaagad at nagayos ng sarili ko. Pagkalagay ko nung kunting lipstick ay kinuha ko yung cap ko at yung sling bag ko. Napatingin ako sa phone ko at nagscroll sa contacts ko. Nakita ko yung pangalan ni yoongi oppa. Tatawagan ko ba or ano? Aish. Nagaalala kasi ako sa kanya. Napailing nalang ako at lumabas na ako ng room, siguro naman makakausap ko sya mamaya. Yun ay kung hindi kami busy.
BINABASA MO ANG
hyung || jimin
Fanfiction[ maknae-line series #2 ] 「 park jimin 」 "Hyung, binilhan kita ng cherifer. Baka sakaling tumangkad ka hehe" ー Lee Eunmi inspired:Noona by _dokyungsoobias written by blueseom started: april 5, 2016 ended: xxxx