H Y U N G - 14

1.9K 122 151
                                    

Hyung - fourteen -

"Sayo to hyung?" - tanong ko sa kanya tsaka itinaas pa yung phone para makita nya talaga. Kasi baka kay v hyung naman talaga, malay natin nalito lang sya.

Tumingin muna sya sakin tsaka inagaw yung phone. "Sakin nga. Bakit nasayo?" - tanong nya sakin.


Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko. Eto na naman eh, namumula naman ata ako.

"Wae?" - tanong nya sakin. Siguro napansin nga nya yung pamumula ko. Umiling lang ako at tatalikuran ko na sana sya ngunit napatigil ako sa bigla nyang pagbukas nung phone at nanlaki bigla yung singkit nyang mata.

"B-bakit wallpaper kita?" - tanong nya sakin.

Nagkibit balikat naman ako. "E-ewan ko! Hindi naman saking phone yan eh. B-bakit nga ba?" - tanong ko pabalik sa kanya.

Gustong gusto kong malaman kung bakit nya ba talaga wallpaper yung mukha ko hihi.

"aish! hindi ako ang may gawa nito okay? baka si taehyung ang nagpalit" - sabi nya.

Hindi ako ang may gawa nito

Hindi ako ang may gawa nito

Teka bakit paulit ulit? Tss. Ayun, sinasabi ko na nga ba eh. Masakit umasa.

"A-ah, okay hehe" - yun lang yung nasabi ko tsaka nagsmile ako, awkward smile.

Sakto namang pumasok si v hyung kasama si jungkook saeng. "Oy hyung! San ka galing?"- tanong ni taehyung.

Hindi naman sumagot si Jimin hyung tsaka sinamaan lang sya ng tingin. "Pinakaelaman mo na naman phone ko?" - tanong nito sa kanya.

Napakamot lang ng ulo si v hyung. Hay, i knew it. Sya talaga may gawa.

"Hehe. Sorry na hyung. Ang  cute cute lang kasi ni eunmi jan" - sabi naman ni taehyung. Bakit hindi man lang ako natuwa sa compliment ni hyung? Hays.

"Edi sana sa phone mo nalang! Dinamay pa 'tong akin eh! Aish" - iritadong sambit ni jimin hyung tsaka padabog na umalis sa harap namin.

"Sus, inaabot na naman si hyung. Pabayaan mo nalang yun, eunmi. Gusto din naman nya yun, pakipot lang kasi" - sabi naman ni taehyung hyung kaya walang gana lang akong tumango.

"hoy bat ganyan na itsura mo? Para kang nalugi" - sambit nya pero umiling lang ako para sabihing wala.

Nakita ko namang nagform yung boxsmile sa labi nya tsaka sinundot sundot pa yung tagiliran ko. "ayiiie. ikaw ha! umasa ka na si hyung ang nagset nung wallpaper no? yiie ikaw huh! crush mo talaga si hyung!" - sigaw ni   V hyung kaya tinakpan ko yung bibig nya at sinamaan sya ng tingin.

"Lalagyan ko ng preno yang bunganga mo, Kim Taehyung!" - mariing sabi ko sa kanya kaya kumunot naman ang noo nya.

Inalis nya yung kamay ko sa bibig nya tapos sinamaan ako ng tingin. "Anong sabi mo?! Kim taehyung? Wala ka na bang galang bata ka?" - sabi nya.

Teka bakit natatawa ako kapag nagagalit 'kuno' sya? Hahahahaha.

"hindi ka kasi kagalang galang, KIM TAE--- aray ko HAHAHAHA! HYUNG HAHAHA kasi  t-tigil HAHAHAHAHA" - hindi ko mapigilan yung pagkiliti nya sakin tskaa pati  na rin yung tawa ko.

patuloy pa rin sya sa pagkiliti sakin hanggang sa kinagat ko yung kamay nya at nagkaroon ng pagkakataong makatakas sa kanya.

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon