H Y U N G - 27

1.2K 81 144
                                    

hyung - twenty seven -

"Chukahaeyo, Sparkles!"

Sunod sunod na hiyawan ang narinig namin kasabay ng pagbagsak ng mga confetti. Pumalakpak rin ang ilang idols na nasa may likod namin. Nakatingin lang ako kay Jihye unnie habang binibigay ang kanyang speech para sa aming pagkapanalo.

Iniabot naman sakin ni Jihye unnie yung mic, sinasabing ako naman ang magbigay ng speech.

Huminga muna ako ng malalim at pinakita ang ngiti ko bago magsalita, "Yeorobuuuuun! Kamsahamnida! Thank you so much for always supporting us. Thank you so much for everything! We'll continue to work even harder! This trophy is for y'all! Saranghae!" Tinaas ko pa yung trophy habang nakangiti pa rin.

Pinatugtog na muli yung comeback song namin kaya nakisabay kami dito. Pinagmasdan ko lang silang lahat na nakikisabay rin samin.

Matapos ang aming encore stage ay nagpaalam na kami sa kanilang lahat at nagpasalamat muli. Isa isa na kaming bumalik sa backstage at nag group hug.

"Spark! Sparkles, fighting!"

—————

Pagkabalik naming dorm ay naghihintay na naman sa practice room yung bangtan. Masaya nila kaming nakasalubong. Kitang kita sa pagmumukha nila yung ngiting nadarama nila.

Nahagip ng tingin ko ang nakangiting si Jimin Hyung habang kausap ni minji-ssi na hawak hawak yung lobong kapit ni hyung kanina.

Pinikit ko na lamang ang mata ko at tumalikod sa kanila. Tumulo na yung luha ko kaya agad ko itong pinunasan at humarap muli sa kanila.

"A-ah, may naiwan pala ako sa van haha. Wait lang a-ah" palusot ko sabay takbo na ng mabilis, hindi man lang hinintay sasabihin nila.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang lumang practice room ng BigHit. Dun ko naibuhos lahat ng luhang pinipigilan ko kanina pa. Pilit ko kasing naalala yung nangyari nung isang araw.

Bakit kapag nanalo kami, instead na maging masaya ay nasasaktan lagi ako?

Tumawa ako nang matanaw ko ang sarili ko sa salamin. Ibang klase, simpleng yakap lang sobrang nasasaktan na ako.

Hanggang sa ang tawang iyon ay napalitan ng sunod sunod na paghikbi. Pinatong ko ang ulo ko sa may tuhod ko habang patuloy na humihikbi.

"So, dito na pala ang Van?"

Naiingat ko agad ang ulo ko nang may marinig akong boses na nagsalita. Tumingala ako sa kanya at napatayo tsaka niyakap sya ng sobrang higpit.

"H-hyung... V hyung..." tawag ko sa kanya sa pagitan ng paghikbi ko.

Hinagod nya lang ang likod ko para patahanin ako pero hindi ko magawang tumahan.

"Hyung... ang sakit" wika ko.

"Tsk tsk, Mahal mo na nga sya." Ani nya pero hindi lang ako sumagot.

Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang tunay na sagot.

"Shh, tahan na. Para kang bata umiyak eh" napatawa naman ako ng marahan dahil sa sinabi ni v hyung.

Pinisil na yung pisnge ko at ngumuso. "Iba ka pala talaga magmahal, eunmi." Tanging sambit nya kaya napayuko ako.

"Mahal ko na ba talaga?" Tanong ko.

"Ikaw lang naman ang makakasagot nyan." Sagot nya naman.

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon