Hyung - nine -
"Hana dul set" - sabay sabay naming sabi nina yoongi oppa at v hyung tsaka nag pose na sa harap ng camera.
Ibat ibang pose ang ginawa namin. Napakakulit nga lang ni V Hyung. Mukhang gago eh HAHA.
Napatingin naman ako kay Jimin Hyung, pinapanuod nya lang kami. Nang mahuli nyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas sya ng tingin tapos tumalikod na.
Tumingin nalang ulit ako sa camera at ngumiti na.
"Last shot" - sabi ni Oppa. Kaya naman inayos na namin yung pose namin para sa last shot.
Nagthumbs up na yung photographer kaya naman nagbow na kami at lumapit na sa kanya.
Tinignan ko yung pictures, okay naman. Ang cute cute nina hyung haha.
"Ang pangit mo, eunmi" - sabi ni taehyung habang pinagmamasdan yung nga pictures.
Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil dun.
"ang ganda ko kaya dyan, tss. Ikaw mukhang unggoy" - sabi ko naman sa kanya at nilabas yung dila ko.
"oo nga eh, kamukha kita"- pagbibiro nya naman. Kaya pinalo ko sya sa braso.
Umupo na muna ako dun at pinagmasdan sina Jimin Hyung, Jungkook-ssi, tsaka si Minji-ssi.
Gusto ko ngang wag nang tumingin kasi sobrang sweet ng Jikook eh- chos haha. Ang sweet nina Minji-ssi at jimin hyung. Pati na rin si Jungkook.
Bakit ang hilig ngumiti ni Jimin hyung kay Saeng? Sakin hindi?.
Sumenyas na yung staff at nagsimula na silang magpose sa camera. Ang galing talaga ni jimin hyung pagdating sa ganto. Yung appeal nya sa Camera, pati na rin si Jungkook-ssi.
"minji, huwag masyadong kabahan ne?" - sabi nung photographer.
Siguro napansin nyang nanginginig si Minji-ssi. Sino namang hindi kakabahan diba? Yung bias mo, kasama mo sa isang photoshoot.
Parang kinurot na naman yung puso ko ng ngumiti si Jimin hyung at hinawakan yung kamay ni Minji-ssi.
"Huwag kang kabahan" - kahit na mahina ito ay rinig ko pa rin.
Tumango si Minji-ssi tsaka ngumiti sa kanya.
Teka bat ba kasi ako nanunuod dito? Eh nasasaktan lang naman ako.
"Saeng" -
Gusto kong umalis pero hindi ako makatayo at di ko maalis yung tingin ko sa kanila.
"Hoy eunmi!" - nagulat naman ako sa pagsigaw ni taehyung hyung sa may tenga ko kaya pinalo ko sya.
"Bakit ba?" - tanong ko at tumingin na ulit sa kanila.
"Nag--" - hindi ko sya pinatapos dahil agad na akong nagsalita.
"Nagseselos? Huh ako magseselos sa kanila? Hindi ako nagseselos no! Hindi talaga" - sunod sunod kong sabi sa kanya.
Nanlaki naman ang mata ko ng marealized ko ang kagagahang nasabi ko. Tumingin ako kay V hyung na nakasmirk na ngayon.
"Defensive eh?" - tanong nya tapos ngumiti ng nakakaloko.
Napailing lang ako. "A-ani. w-wala yun hyung! hehe. shh ka lang" - sabi ko sa kanya tapos tinapat yung daliri ko sa bibig nya.
Mas lalong lumapad yung ngiti nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Hyung kasi! Wala yun." - sabi ko sa kanya.
"Sus HAHAHA. Selos ka lang eh" - sabi nya kaya binatukan ko sya.
"Hindi kasi!" - sigaw ko sa kanya pero binehlatan nya lang ako.
"Selos si Eunmi" - pang aasar ulit ni taehyung.
"Hindi sabi eh!" - sabi ko naman sa kanya.
"Kanino ka nagseselos Unnie?"
"Sayo" -
Unti unti kong nilingon yung nagsalita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealized kong si Minji-ssi pala yung nagtanong.
"Sakin?" - tanong nya.
Nakita ko namang papalapit samin si Jimin hyung at tumabi kay Minji-ssi.
"Naiwan mo dun" - sabi ni Jimin hyung at iniabot yung towel nya.
"ah, thank you oppa" - sagot naman ni Minji-ssi.
Aalis na sana ako kaso bigla syang nagsalita.
"Unnie, bat ka nga nagseselos?" - tanong ni Minji-ssi.
Napalunok nalang ako dahil dun. Tumingin ako kay Jimin hyung na nakatingin din sakin ngayon. Nakita ko ring nakasmirk na sya.
Putek. Alam kasi nyang sya yung bias ko.
Nakita kong papalapit samin si Jungkook-ssi kaya hinigit ko sya papalapit sakin.
"K-kasi ano, bias ko si Jungkook. Tapos ayun, hehe ang sweet nyo kaninang dalawa. Hehe?" - sabi ko at tumingin kay jungkook.
Nakita ko namang nagulat sya at tumingin sakin.
Binigyan ko sya ng 'makisakay-ka-gago' look.
"Nuks, nagseselos si Noona. Bias mo talaga ako? Yiie. Bias din naman kita. So tayo na?" - sabi nya tapos kumindat pa ang gago.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Lagot yang ilong mo sakin mamaya" - bulong ko sa kanya.
Hihilahin ko na sana si Jungkook paalis kaso nga lang nagsalita si hyung.
"akala ko ba ako ang bias mo?"- tanong nya.
Ewan ko ba kung bat na naman ako kinikilig. Tanda nya pa pala yun? Omg.
"H-hindi ba pwedeng nagbago ng bias? Hehe. Pabago bago ako ng bias no. Hehe. Halos lahat nga kayo bias ko eh" - sabi ko naman sa kanya.
"Akala ko ba noona ako lang?" - sabi nito at pumagitna samin. Nagpout pa talaga.
Sinamaan ko ulit sya ng tingin dahil dun. "Wala naman ako sinabi diba? Tabi nga" - sabi ko at tinabig sya.
Nakita ko ulit si Hyung. Nakatingin sya kay Jungkook. Teka, bat ba parang papatayin ni Hyung si Jungkook?
"ako, oppa. B-bias kita" - sabi naman ni Minji ssi at napayuko. Nahihiya siguro.
Tumingin sa kanya si Jimin hyung tapos ginulo yung buhok nya.
bakit ang unfair ni Hyung no? Nung sinabi ko kasing bias ko sya, sagot nya 'thanks' ganun lang. #JusticeForEunMi
Tumingin muna sya samin saglit tapos tumingin ulit kay Minji-ssi. Wait samin nga ba or sakin lang?
Hinintay namin kung anong isasagot nya kay Minji. Magthathanks lang din ba sya?
Ayan na naman po tayo, sinaktan na naman ni Hyung puso ko sa sinabi nya.
"Bias rin naman kita, saeng eh"
-----------
Short update miaaaaan- hueheu
#GetWellSoonJungkook
BINABASA MO ANG
hyung || jimin
Fanfiction[ maknae-line series #2 ] 「 park jimin 」 "Hyung, binilhan kita ng cherifer. Baka sakaling tumangkad ka hehe" ー Lee Eunmi inspired:Noona by _dokyungsoobias written by blueseom started: april 5, 2016 ended: xxxx