H Y U N G - 11

2K 109 27
                                    

Hyung - eleven -

"Kamsahamnida" - sabay sabay naming sabi at nagbow na sa kanilang lahat.

Winave ko na yung kamay ko habang nakangiti. May ibang akong nakikitang malungkot kasi tapos na yung fansigning namin pero karamihan talaga sa kanila, masaya dahil natapos ito ng walang nangyaring masama.

Bago ako sumakay sa van ay nagbow pa ako sa kanila sabay flying kiss. "Annyeong! Ingat pauwi ah? Bye bye!" - sabi ko.

Winagayway din nila yung kamay nila kaya napangiti ako. Pumasok na ako sa van namin at sumandal dun sa upuan.

"whoa jinjja! ang daming dumating" - sabi ni jihye unnie tapos pumalakpak pa. Tumango naman kami bilang pag sasang ayon.

"ang cucute nung nga binigay nila satin" - sabi naman ni eunseo unnie. Napangiti nalang kami dahil dun.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari kanina hanggang sa makarating na kami sa dorm. Huli akong bumaba pero naramdaman ko ang pag ikot ng paningin ko at ang muntik na pagtumba ko. Buti na lamang ay nahawakan ako ni eunjung unnie.

"Eunmi-ssi, okay ka lang?" - tanong ni unnie kaya tumango ako.

"ne unnie. medyo nahilo lang. baka pagod lang ako haha" - sinubukan kong tumayo. Hindi na umiikot ang paningin ko pero yung ulo ko na naman yung sumakit.

Pumasok na kami sa dorm at agad na akong pumunta sa kwarto namin.

"Eunmi-ssi, kakain muna. Mamaya ka na matulog." - sabi ni eunseo unnie pero umiling lang ako.

"Busog pa ako unnie. Sige, goodnight." - pilit akong ngumiti para malaman nilang okay lang talaga.

Pumasok na ako sa kwarto at agad na humiga dun. Hinilot ko pa yung ulo ko para mawala yung sakit pero ang sakit talaga.

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukan ng matulog.

-------

"Sure ka ba talaga?" - tanong sakin ni eunjung unnie kaya tumango ako at nagthumbs up.

"Kaya ko unnie. Ayos na ako. Ayokong magperform kayo ng kulang" - sabi ko naman at pinilit na tumayo.

Ang sakit pa talaga ng ulo ko pero okay lang. Kaya ko pa naman ata.

Pumunta na ako sa kusina at kinain ang niluto ni eunseo unnie. Konti lang yung kinain ko kasi nawalan ako ng gana.

"Tara na?" - tanong ko sa kanila at ngumiti ulit.

"Namumutla ka, eunmi eh. Okay ka lang ba talaga?" - tanong sakin ni eunseo unnie tsaka sinubukang hawakan ako sa noo pero hinwakan ko yung kamay nya.

"Okay lang unnie. Hehe. Tara na, magprapractice pa tayo" - sabi ko naman. Tumango naman sila tsaka sumunod na sakin.

Pumasok na kami sa van at pinikit ko naman yung mga mata ko.

"Pst, eunmi- ssi! Ikaw ha, jimin pala ha" - napamulat naman ako at napatingin kay jihye unnie.

Napatingin din naman ako kay maknae na nakatingin din kay jihye unnie.

"H-huh?" - inosenteng sagot ko.

"Nakita ko kasi sa twitter yung sagot mo sa isang fan dun sa fansigning natin kahapon. Yung tinanong ka kung sinong bias mo tapos Park jimin sunbaenim sagot mo. Ikaw ha" - pang aasar naman ni jihye unnie. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Napatingin ako kay Maknae na nawala yung ngiti.

Aish. Ano ba to.

"Unnie, akala ko si Jungkook sunbaenim bias mo?" - tanong nya sakin. Napakagat nalang ako sa labi ko. Anong isasagot ko?

"A-ah.." - may gusto akong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko.

Umiwas na sya ng tingin at umayos na ng upo. Tumingin muli sya dun sa may bintana kaya napayuko nalang ako.

Galit ba sya?

Hanggang sa makarating kami sa bighit building, una syang lumabas pero hindi nya talaga ako pinapansin.

Ramdam ko na ang pag init ng katawan ko pero bat parang nilalamig ako? Medyo nanlalabo na rin ang paningin ko.

Pumasok na kami sa practice room tsaka nagsimula na ring mag practice. Ilang beses na kaming paulit ulit dahil sa pagkakamali ko.

Pinatay ni eunjung unnie yung music tsaka lumapit sakin. "Pahinga ka muna okay? Kami na muna" - sabi nya. Iiling na sana ako pero marahan nya na akong pina upo dun.

Pinagmamasdan ko lang silang magpractice. Gusto kong tumayo at makisabay pero baka paupuin lang din ako ni unnie.

Pumasok ang isang staff at sinabing pinapatawag kami ni manager unnie. Sasama sana ako pero huwag nalang daw.

Umupo nalang ako dun at ipinikit ang mata ko. Narinig ko ang pag bukas ng pinto.

"Unnie bat ang bilis nyo? Anong sinabi ni ma-- Hyung." - hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil hindi naman pala yun sina unnie.

Lumapit sya sakin. "Namumutla ka ah" - sabi nya.

Ngumiti lang ako ng pilit. "Ah. Wala to, hyung. Wala" - sabi ko sa kanya pero nagulat ako sa biglang paghawak nya sa noo ko.

Umiling sya tsaka hinubad yung coat na gamit nya at pinatong to sakin. "Taas ng lagnat mo. Huwag ka na munang magperform ngayon. Maiintindihan naman ata ni Noona" - sabi nito pero umiling lang ako.

"Ani, gwaenchana hyung. Kaya ko. Ako pa! Haha" - sabi ko naman.

Umiling sya ulit. "Huwag mong pilitin. Ipapaalam na kita kay noona. Jan ka lang okay?" - sabi nito at lumabas na muli.

Teka bat ganun nalang kung mag alala si hyung? Hala. May sakit din ba sya?

Ilang minuto pa ay pumasok na muli sya.

"Tayo na jan, sasamahan kita sa hospital" - sabi nito at inalalayan akong tumayo.

"Ah. Kaya ko hyung haha." - sabi ko naman. Tumayo ako at sinubukang maglakad pero hindi ko kaya dahil umiikot talaga ang panigin ko.

"Huwag sabing pipilitin eh." - sabi nya inalalayan akong maglakad.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa ginawa nya. Ang lapit na kasi nya sakin.

"Hyung, kahit dyan nalang sa van. Magpapahatid nalang ako sa driver" - sabi ko naman sa kanya.

"Aniyo. Sasamahan kita."

---------

SORRY sa late ud huehueheu. (Lol wala namang naghihintay eh pFT)

Parang ang gusto kong portrayer ni eunmi dito ay si Dani kim ouo

omf- pero pinag iisipan ko pa kung lalagyan ko ba to ng portrayer or nah hueheuehue-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



omf- pero pinag iisipan ko pa kung lalagyan ko ba to ng portrayer or nah hueheuehue-

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon