hyung - seventeen -
"Okay, break na muna tayo" sabi ni eunjung unnie kaya naman napaupo nalang ako. Nakakapagod.
Tatayo na sana ako ngunit may tao akong tubig sa harap ko. Hawak ito ni Minji.
Tinignan ko sya at nakita kong gusto nyang kunin ko yung tubig. Ngumiti ako ng tipid tsaka kinuha yung bottle. "Gomawo"
Umupo sya sa tabi ko tsaka kinuha yung towel then pinunas iyon sakin. "Mianhe-yo unnie"
Tumingin lang ako sa kanya na parang naguguluhan. "Wae?"
Tumigil na sya sa pagpupunas tsaka tumingin dun sa harap. "Alam kong may ginawa akong mali unnie. Kaya kahit hindi ko alam yun, sorry pa rin" sabi nya.
Napalunok naman ako ng sabihin nya yan. Wala naman talaga syang ginawa eh. Pinangunahan lang ako nitong galit, inggit, at selos ko.
Nakokonsyensya tuloy ako kung bakit naging ganun ang pakikitungo ko sa kanya. Aish, eunmi.
Unti unti naman akong umiling. "Kung may magsosorry man satin, ako na yun. Nadala lang ako ng emosyon at nararamdaman ko. Hindi ko alam na dahil dun ay may nasasaktan na akong ibang tao"
Napayuko naman ako habang sinasabi ko yan. Ewan ko, nahihiya ako kay Minji-ssi.
Mas lalong lumapit sakin si minji tsaka niyakap ako.
"unnie, kung ano man yang sinasabi mo. okay lang. basta huwag ka na ulit maging cold ah? hindi ako sanay eh"
Napatawa naman ako ng sabihin nya yan. Alam kong sanay sya na lagi akong nakikipagkulitan sa kanya. As i said before, sya talaga yung pinakaclose kong member.
Inalis ko yung yakap tsaka hinarap sya. "Hindi na ulit ako magpapatalo sa emosyon ko, maknae."
Pinisil ko din yung cheeks nya tsaka tumawa.
"nangako ako na lagi kitang proprotektahan at aalagaan diba? Susuportahan din kita sa lahat ng gusto mo, basta yung makakabuti sa'yo. Andito lagi si unnie, arraseo?"
Unti unti naman syang tumango. "Ne, unnie. Alam ko po."
Sa pagngiti nya ay nagflashback din yung mga pinagsamahan namin. Yung masayang memories namin together. Yung bawat pagsubok na pinagdaanan namin. Yung pagmamahal nya kay Hyung.
Alam kong noon pa man, gusto nya na talaga si Jimin hyung. Sakin sya naglalabas ng feels noon tungkol sa kanya. Nakikinig lang ako at nakikitawa kasi alam kong paghanga lang yun. Pero mali ako.
Pinagmasdan ko kung gaano sya kasaya ngayon. At ayokong maging dahilan para mawala iyon.
Kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko para kay Hyung, Minji.
Para sa'yo, pipigilan ko.
------
"Kamsahamnida!"
sunod sunod naming sambit tsaka nagbow. Nagsigawan naman ang mga fans na nandito. Ngumiti ako tsaka kumaway sa kanila.
Tapos na. Tapos na ang Goodbye stage namin. Masaya ako dahil naging successful tong debut namin, walang nangyaring masama. Masaya ako dahil nakapagdebut na kami. At the same time, malungkot din kasi natapos na yung promotion, but atleast in that short period of time, napakita namin yung mga kakayahan namin.
"See you on our next comeback arraseo?" - sabi naman ni unnie kaya naman nagsigawan muli ang mga fans na nandito sa venue.
BINABASA MO ANG
hyung || jimin
Fanfiction[ maknae-line series #2 ] 「 park jimin 」 "Hyung, binilhan kita ng cherifer. Baka sakaling tumangkad ka hehe" ー Lee Eunmi inspired:Noona by _dokyungsoobias written by blueseom started: april 5, 2016 ended: xxxx