hyung - eighteen -
"Saengbangsong, Music Bank!"
Tumingin ako sa kanya pagkatapos nyang sabihin yun. Ngumiti naman sya at naghi sa camera. Kitang kita ko ang pagsingkit nung mata nya dahil sa pagngiti na yun.
Isa sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan.
"Annyeonghaseyo! Bangtan Sonyeondan's Cutie Park Jimin imnida~" pakilala nya at nagpacute pa sa camera.
Lumipat naman yung camea at itinapat ito sa kasama nya.
"Annyeonghaseyo! Sparkle's Maknae, Song Minji imnida" sabi nya at nageyesmile din sa camera.
Tinutok sa kanilang dalawa yung camera, kaya naman inakbayan ni Hyung si minji habang nakatingin dito.
Masaya akong makita silang ganyan. Wait, masaya nga ba?
Nakatingin lang ako sa television. Hindi ko alam. Baka nga masaya ako pero nasasaktan din. Masaya dahil masaya sya. Nasasaktan dahil hindi ako ang dahilan ng kasiyahan nya.
Natauhan ako dahil sa biglang pagpatay nito kaya naman napatingin ako sa gilid ko.
"Nanunuod pa ako, hyung!" Reklamo ko sa kanya.
Tumingin lang sya sakin tapos napasingkit ng mata.
"Mas abnormal ka pa ata sakin eh! Sobrang nasasaktan ka na tapos nanunuod ka pa nun" sabi nya tapos umupo dun sa may tabi ko.
Napaiwas nalang ako ng tingin. Tama kasi sya eh ha ha ha.
Lumapit sya sakin tsaka hinawakan ang noo ko. "magaling ka na ba?" tanong nya.
Napaiwas nalang ako ng tingin ng tanungin nya yan. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Alam ko namang wala kang sakit eh. Sus, baka nakakalimutan mong bestfriend mo ko" sabi nya. Napakagat nalang ako sa lower lip ko at unti unting tumingin sa kanya. Kilalang kilala mo talaga ako, kim taehyung.
"Tama ka Hyung. Wala talaga akong sakit. Sorry kung nagsinungaling ako sa inyo. Sorry kung pinagalala--"
"Dahil ba kay Minji?"
Napatigil naman ako sa tanong nya. Anong ibig nyang sabihin?
"Dahil ba kay Minji kaya ka nagpanggap na may sakit? Para hindi ikaw ang makasama ni Hyung? Sya ba ang dahilan kung bakit nasasaktan ka ngayon?" Sunod sunod na tanong nya.
Napayuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. Tama sya, dahil nga kay Minji kaya nagpanggap akong may sakit at hindi makasama si Jimin Hyung.
Alam kong masasaktan si minji kapag hindi ko ginawa yun.
"Bakit ang bait mo, eunmi?" Tanong nya. "Okay lang sayo kahit nasasaktan ka. Parang pinagtutulakan mo pa nga si Minji kay hyung eh"
Ngumiti ako ng pilit at inayos yung kumot ko. "Basta maging masaya sila, okay lang sakin yun. Basta masaya si Hyung.."
"Ang tanong, Masaya ba talaga sya?"
Medyo naguluhan naman ako sa sinabi nya kaya tumayo sya at ginulo yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
hyung || jimin
Fanfiction[ maknae-line series #2 ] 「 park jimin 」 "Hyung, binilhan kita ng cherifer. Baka sakaling tumangkad ka hehe" ー Lee Eunmi inspired:Noona by _dokyungsoobias written by blueseom started: april 5, 2016 ended: xxxx