H Y U N G - 31

512 20 16
                                    

Hi! Kumusta kayo? Hinihintay nyo pa ba update neto? Sorry kung sobrang tagal!!! Sorryyyyyy. Babawi na talaga ako ngayon, baka tapusin ko na 'to bago matapos tong year (sana magawa). Miss ko na kayo lahat!!! Thank you sa mga patuloy na nagaabang dito ❤️ Comment kayoooo hahaha.

WARNING: KACORNYHAN/KAMAISAN/KACLIĆHEHAN AHEAD !!!!!!!

———

hyung - thirty-one -

"Done."

Nakatitig lang ako sa harap ng salamin at pinagmamasdan ang mukha ko. Hindi ako ganun kagaling mag-ayos lalo na sa mukha ko. Sinubukan kong ngumiti sa harap ng salaming ito. Kung ano anong pagpapacute ang ginawa ko pero in the end, nandiri lang ako sa sarili ko. Inayos ko nalang muli ang buhok ko at tumayo na.

"At san ang punta ng dalagang to?" Napatalon naman ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko. Si eunjung eonnie pala. Umupo sya sa dulo ng kama at nakatingin sakin, hinihintay ang sagot ko.

"Uhm, papasyal lang po hehe." awkward na sagot ko naman. Walang wala ka eunmi! Halatang nagsisinungaling— pero hindi naman ako nagsisinungaling kasi tama naman eh, papasyal ako pero may kasama nga lang.

"Ikaw lang? Hmm." Kitang kita sa mukha nya ang paghihinala. Napalunok nalang ako at ngumiti ng pilit. "Sa ayos mo ngayon, mukhang may importanteng lakad ka ah. Hmm, date?"

Sorry pero..

"Bye, eonnie!" Agad ko namang kinuha yung bag ko at tumakbo na agad palabas ng kwarto. Muntik pa akong matapilok dahil sa heels na suot ko. Hindi talaga ako sanay kapag gantong matataas na e. Pero para sa kanya, gusto ko namang maging presentable kahit papano.

Lumabas na ako ng dorm pero chineck ko muna kung may mga tao bang nakaabang sa labas. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala naman. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang kabahan. Okay lang ba tong suot ko? Magugustuhan nya ba? Aish. Dapat lang na magustuhan nya kasi hindi talaga ako nagsusuot ng ganto! Hmp. Sinuot ko 'to para maging maayos naman ako sa paningin nya. Kahit medyo sumasakit na ang paa ko dahil sa suot kong heels.

Habang iniisip ko pa rin kung magugustuhan nya ba 'to ay bigla akong napasigaw nang may humila sakin.

"Magpapakamatay ka ba, eunmi?"

Yung boses na yun..

Agad akong napatingin sa lalaking hawak ang braso ko ngayon. Kahit na nakasuot man sya ng cap at mask ay alam ko pa rin na sya yun.

"Hyung.."

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hanggang sa mukha ko nalang ang tinitignan nya kaya agad ko itong tinakpan ng kamay ko. Nakakahiya.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong nya.

Bigla naman akong nalungkot nang sabihin nya yan. "Hindi ba bagay sakin? Pangit ba? Sabi na e. Dapat hin—" Hindi ko natapos ang nais kong sabihin dahil nagsalita na sya agad.

"Shh. Kahit ano namang suotin mo bagay sa'yo e. Maganda ka pa rin naman." Sambit nya at ngumiti pa. "Pero syempre mas bagay tayo."

Natawa nalang ako sa kacornyhan nya. Sus, eunmi. Corny daw pero kinilig.

"Dami mong alam hyung. Tara na nga. San ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Baka mahalata pang kinikilig na ako dito e.

"Hmm. Balak ko sanang manuod ng fireworks display sa han river e kaso sayang naman yang suot mo kung dun lang kita dadalhin diba? Hahaha. Ikaw ba? San mo gustong pumunta?" Tanong nya sabay kamot ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon