Hyung - fifteen -
Sinipa ko palayo yung lata na nasa harapan ko habang naglalakad. Iniisip ko na ang latang to ay isa sa mga paasa sa mundo.
Katulad nalang ni Kim Taehyung, pagkatapos nya kasing sabihin yung sasaluhin kita chu chu. Bigla syang tumawa ng pagkalakas lakas sabay sabi ng "joke asa ka HAHAHAHAHAHAHAHAHHA" . Oh diba? Ang galing.
Well, wala naman talagang paasa kung walang assumera. Hays, yung sahig nalang talaga ang sasalo sakin kapag nahulog ako.
Nakarating ako sa dorm at naabutan ko sina unnie na inaayusan na dahil mayroon pa pala kaming schedule ngayon sa ShowChampion.
"Oh eunmi, san ka na naman galing bata ka?" - tanong ni eunjung unnie.
Umupo na ako dun at may lumapit ng isang stylist para ayusin yung buhok ko. "Sa dorm po ng bangtan, binisita ko lang. Ilang araw ko din po silang di nakita eh" - pagpapaliwanag ko kaya tumango na lamang sya at tumingin muli dun sa salamin.
Ilang minuto pa ay natapos na rin kami. Inayos na ng ibang staffs yung mga kailangan namin habang kami naman ay naglalakad papunta na dun sa van. Nang makarating kami dun ay agad na din kaming umalis dahil kailangan pa pala naming mag rehearse.
Sinuot ko na yung earphone ko at nagsimulang magpatugtog.
Napangiti ako ng marinig ko yung boses nina hyung. Lalo pa't sya yung unang kumanta. Napapikit nalang ako habang pinapakinggan yung Save Me ng bangtan.
Sobrang nakakaadik ang kantang 'to. Ang gagaling nila kumanta at magrap. Pamatay yung please save me tonight ni yoongi hyung haha.
Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa likod ko ni Jihye unnie kaya napamulat ako at inalis yung earphone ko.
"andito na tayo, eunmi. kajja" - sambit nya at tumayo na para makalabas ng van.
Ngumiti ako at tumango tsaka na rin sumunod sa kanila. Marami na ding fans ang naghihintay dito sa labas ng building ng MBC, kaya naman agad na kaming hinarangan nung mga staffs kasi baka mangyari yung dating pagkaguluhan na naman kami.
Maraming lumapit pero hindi sila masyadong makalapit dahil nga sa mga nakaharang kaya naman kumaway nalang ako sa kanila at nagbow.
Pumasok na kami sa loob at nakasalubong namin yung ibang mga idols. Dumerecho kami sa backstage para makapagrehearse din ng konti.
May tinutok na camera samin kaya naman agad kaming kumaway at ngumiti. Nag aegyo rin si maknae kaya napatawa kami. Ang cute cute.
"ikaw eunmi, ayaw mo bang magaegyo?" - sambit ni Eunseo unnie pero umiling lang ako. nakakahiya, hindi naman ako masyadong marunong ng ganun.
"Dali na unnie. Ang cute mo kaya magaegyo" - sabi ni minji-ssi tsaka sinundot pa yung tagiliran ko.
Tumingin naman ako dun sa camera. Minsan lang naman akong mag aegyo so lez do dis.
"Bbuing bbuing~" - sambit ko. Agad namang napatili sina unnie kaya naman napatakip ako sa mukha ko. Nakakahiya.
"kwiyeo~" - sabi ni pdnim kaya mas lalo akong nahiya.
May tinanong pang iba si pdnim kaya naman agad na nila yung sinagot, habang ako nandito lang sa likod. Nakikitango sa pinaguusapan nila.
BINABASA MO ANG
hyung || jimin
Fanfiction[ maknae-line series #2 ] 「 park jimin 」 "Hyung, binilhan kita ng cherifer. Baka sakaling tumangkad ka hehe" ー Lee Eunmi inspired:Noona by _dokyungsoobias written by blueseom started: april 5, 2016 ended: xxxx