H Y U N G - 8

1.9K 128 135
                                    

Hyung - eight -

Nakatingin lang  ako kay Hyung ngayon habang ginagamot nya yung sugat na natamo ko kanina.

Nanlaki naman ang mata ko ng bigla din syang tumingin sakin. Ilang segundo pa ay umiwas na rin ako ng tingin. Nakakatunaw ang titig ni hyung hueheu.

"h-hmm, hyung. paano mo nalaman?" - tanong ko sa kanya.

Kinuha nya yung phone nya at pinakita sakin yung picture. "Previews" - sabi nya.

Tinitigan ko yung picture. Hindi masyadong halata yung sugat ko, pero kapag zinoom medyo halata na. Wait nakita nya talaga yun? Galing ah.

"a-ah. kamsamnida, hyung" - sambit ko naman.

Tumayo na ako sa pagkakaupo dun at nagbow na sa kanya dahil babalik na ako ng practice room.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng practice room kaso bigla syang nagsalita. "Eunmi-ssi"

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Ne hyung?" - tanong ko sa kanya.

Nagulat ako dahil sa pagbiglang ngiti nya.

"Chukahaeyo"

-----

BIGHIT's Rookie Girl Group debut with 'stars' MV.

Bighit's New Girl Group Sp5rkles mark an impressive debut with the MV for their debut album "SPARKS"

See More..

Nakatitig lang ako sa phone ko habang nakangiti nang mabasa ko ang article.

"Bat nakangiti ka jan, eunmi-ssi?" - tanong ni jihye unnie at tumabi sakin. Kinuha nya din yung phone ko at tinignan ito.

"whoa." - sambit ni Unnie.

Nakalagay na kasi dun yung about sa pagdebut namin. Tsaka binabasa ko yung mga comments, maraming magaganda pero alam kong hindi maiiwasan yung pangbabash.

"Chukahaeyo, sparkles.." - napatingin naman ako kay unnie na kasalukuyang binabasa yung mga comments.

Ewan ko ba kung bakit napangiti ako nung sinabi nya yan.

"luh, bat nakangiti ka na naman?" - sabi ni Jihye unnie.

Umiling lang ako pero nakangiti pa rin.

"Parehas kayo ni Minji-ssi, wagas makangiti" - sabi nya naman.

Umiling lang ako tapos tumayo na.

"Tulog na tayo unnie, marami pa tayong schedules bukas" - sabi ko naman.

Binalik nya na sakin yung phone nya at tumayo na rin. Sabay na kaming pumasok sa room.

Pagkapasok namin ay narinig namin ay tili ni Eunseo unnie.

"JINJJA?! Omo binati ka ni Jimin Oppa?!" - napatingin naman ako kay Minji- ssi na para nang kamatis dahil sa pula ng mukha nya.

"unnie naman. bat paulit ulit ka hahaha oo nga" - sagot nya.

Pagkasabi nya nun ay parang kinurot yung puso ko. Putek anong nangyayari sakin.

"omoooo! Ayiiie! Ikaw lang ata ang binati nya satin eh. Kinikilig ako" - singit naman ni Jihye unnie.

pati din kaya ako.

Sa halip na makisaya sa kanila ay pumunta nalang ako sa kama ko.

"oy eunmi-ssi! Kumusta date nyo ni Yoongi oppa?" - tanong ni Eunseo unnie.

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon