hyung - twenty three -
Napaatras ako nang makita ko na naman sya. Anong ginagawa nya dito? Oh— nakalimutan ko. Andito pala sya para sa anak nya. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang maglakad papasok sa dorm. Inayos ko yung cap ko at binilisan ang paglakad ko.
Ayokong makita nya ako nga—
"Hmm, miss?"
Napatigil ako sa paglakad at hindi naituloy ang pagbukas ng pinto dahil sa pagtawag nya. Yung boses na yun— yung boses na sobrang namiss ko.
"Isa ka ba sa member ng sparkles?" Tanong nya.
Napalunok naman ako ng sabihin nya yan. Umayos ako ng tayo at unti unting humarap sa kanya. Ngumiti din ako pero deep inside, sobrang sakit na. Yung feeling na gustong gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin sya ng sobrang higpit. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamiss . Pero hindi ko magawa.
Halata namang nagulat sya at napatakip pa sya ng bibig nya. Nanlaki din ang mata nya at tinuro ako.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.
Napatawa naman ako. Wala talaga syang ka alam-alam. Kahit nga ata pangalan ko, hindi nya matandaan eh.
"Member po kasi ako ng sparkles. Ikaw po? Anong ginagawa mo dito, eomma?"
Mas lalong nanlaki ang mata nya at lumapit sakin. Marahas nya akong hinila palabas nung gate. Patuloy nya lang akong hinihila hanggang sa makarating kami sa madilim at walang taong lugar.
Marahas nya ring binitawan ang braso ko. Sobrang sakit kasi sobrang higpit ng pagkakakapit nya dito kanina.
"b-bakit? p-paano?! paan—"
"Diba yun ang gusto mo eomma? Yung anak na isang idol? Anak na hinahangaan?" Tumawa ako ng pilit. "Ginawa ko ang gusto mo eomma. Kahit ayaw ni appa—"
"HINDI KITA ANAK!"
Pagkasabi nya nun ay agad na tumulo yung luha kong kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit ng mga salitang yan. Sobra sobra.
"Hindi anak?! Kahit bali baligtarin mo ang mundo, anak mo pa rin ako eomma! Sinasabi mo lang yan kasi kinakahiya mo ako— kami ni Appa. Bakit? Kasi mahirap lang si appa noon? Kasi wala syang pera para mabili ang gusto mo?! Kaya ka naghanap ng lalaki para ma—"
Sampal.
Isang sampal ang nakuha ko galing pa mismo sa sarili kong ina. Oh wait, ina ko pa ba talaga sya?
"Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko nung mga panahong yun."
Ngumiti ulit ako ng pilit at tinignan sya. "Hindi mo rin alam ang pinagdaanan namin ni appa nung pinagpalit mo kami."
Pinunasan ko ang luhang tumatakas sa mga mata ko.
"Laging nakangiti at nagpapatawa si appa pero alam kong sobrang nasasaktan sya! Alam kong hirap na hirap na syang magpalaki ng anak pero napalaki nya ako ng maayos. Okay lang kahit mga panlalaki yung binibili nya sakin noon. Okay lang kahit parang lalaki ang turing nya sakin noon. Okay lang eomma kasi andyan sya lagi. Ikaw ba? Pagkatapos mo kaming iwan, naisip mo rin ba kung anong kalagayan ko? namin?" Habang sinasabi ko iyon ay tuloy tuloy na bumuhos ang luha ko. Hindi ko pa nasasabi yung lahat ng sakripisyong ginawa ni appa pero mukhang sapat na yun para maintindihan nya.
Pinunasan ko na ang luhang kanina pa tumatakas sa mata ko atsaka pilit ulit na ngumiti.
"Don't worry, eomma. S-Someday... someday, you'll realized my worth."
BINABASA MO ANG
hyung || jimin
Fanfiction[ maknae-line series #2 ] 「 park jimin 」 "Hyung, binilhan kita ng cherifer. Baka sakaling tumangkad ka hehe" ー Lee Eunmi inspired:Noona by _dokyungsoobias written by blueseom started: april 5, 2016 ended: xxxx