H Y U N G - 30

1K 44 152
                                    

Hello? Hehe. Dito ko na lalagay apology letter ko— charotz HAHAHA Nais ko pong humingi ng tawad sa sobrang tagal na update. 4 months (?) na ata akong di nakakaupdate eh. Kaya sorry mga petmalu lodi. Btw, thank you much sa mga nagtyatyaga pa rin at sa mga new readers, hello sa inyo! Bakit nyo binabasa ang basurang to? HAHAHAHA jk. Happy 52k reads omaygat! Love you all!!!

Comment kayue para ganahan ang ate mo jen hehe charotz. EnjoooooooooooOoy! Kahit sobrang lame neto huehue.

————
hyung - thirty -

"Bagay ba to sakin? Aish."

Inaayos ko ang bangs ko habang nakatingin sa maliit na salaming dala dala ko. Kanina ko pa tinatanong ang sarili ko kung bagay ba tong bagong hairstyle sakin. Sabi naman nina eonnie, ayos naman eh. Pero bakit feeling ko hindi? Hays. Siguro hindi lang talaga ako sanay.

Ibinulsa ko na muli yung salamin at tinignan ang bottled water na dala ko. Bigla naman akong natawa. Really, eunmi? Magsosorry ka tapos tubig lang bibigay mo? Hayaan na. Kailangan naman ni hyung ng tubig eh. Pagod yun sa practice sigurado.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa practice room nila. May nagsabi sakin na si jimin hyung pa lang ang tao doon kaya pwede ko syang kausapin doon. Gusto kong magsorry. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung emosyong pinakita nya sakin. Sobrang seryoso at ramdam ko yung galit. Sobrang manhid ko kasi eh.

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Ngunit bago ko pa man mapihit ang doorknob ay bigla na itong bumukas dahil sa nabigla ako ay naiabot ko na agad sa kanya yung tubig at tumingin sa baba.

"Hmm, hyung—"

"Whoa. Nice timing, saeng! Nauuhaw na din talaga ako. Salamat."

Nanlaki ang mata ko dahil iba yung boses na inaasahan ko. Hindi yun si hyung...

"Yoongi oppa?" Sambit ko sabay tingin sa kanya. Napatingin din ako sa lalaking katabi nya na ngayon ay nagpupunas ng pawis nya. Medyo basa pa yung buhok nya dahil sa pawis.

"Nagabala ka pa talaga! Halika nga dito!" Sabi nya sabay hila sakin at yakap pa. Kadiri! Puro pawis pa sya tapos yayakapin nya ako bigla.

"Yah, oppa! Bitaw! Basang basa na ako dahil sa pawis mo." Biro ko naman sa kanya pero hindi sya tumigil. "Be thankful! Andaming naghahangad na mapunasan pawis ko. Oh ayan."

Kadiri talaga sya! Pinunas lang naman yung pawis mula sa kili-kili nya. Kadiri! Ayoko na.

"Nice. Kayo na ba?"

Natigil si oppa sa pagpupunas sakin ng kadiring pawis nya dahil sa biglaang pagsalita ni jimin hyung. Naitulak ko tuloy sya ng marahan palayo sakin. Shit... baka magalit na naman to.

"Ah, hyung. Ano ka—"

Magpapaliwanag sana ako kaso bigla nalang hinawakan ni yoongi oppa yung kamay ko at tumingin kay hyung.

"Eh ano kung oo? Wala namang magagalit, diba?" Pagkasabi nya nun ay tumingin sya sakin at tumawa ng marahan. Pilit kong inaalis yung akbay nya pero hindi ko kaya dahil pinipigilan nya. Sinamaan ko sya ng tingin dahil doon.

"Hahaha. Edi congrats. Binata ka na, hyung!" Sabi ni hyung sabay tawa pa. Hinawa nya rin yung medyo basa nyang buhok. "Sige, alis muna ako. Nakakaistorbo ata e."

Naglakad na si hyung palayo samin pero hinawakan ko yung braso nya. Tinignan nya naman ako dahil sa ginawa ko. Ayan na naman eh, natatakot ako sa pinapakita nyang walang emosyon.

"H-hyung, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya.

Pumayag ka please. Gustong gusto kitang makausap.

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon