hyung - twenty eight -
Isang malakas na tunog ng Alarm Clock ko ang gumising sakin. Agad agad ko 'tong pinatay at pumikit muli. Kulang pa tulog ko. Ngunit napamulat ako nang maalala ko yung napakagandang panaginip ko kagabi.
Tama, napakagandang panaginip.
Bumangon nalang muli ako at nakita ko yung mukha ko sa salamin. Medyo maga pala yung mata ko dahil sa kakaiyak ko kahapon. Tumingin ako sa calendaryong nasa may mini-table at tinignan kung anong schedule namin ngayon.
May promotion pa pala kami sa MCountdown tsaka fansigning event sa Busan. Teka, may naalala ako sa Busan. Napailing nalang muli ako at inialis yun sa isip ko.
Lumabas ako ng room, naabutan ko sina unnie na naghahanda ng breakfast namin.
"Unnie, jogging muna ako ah?" Pagpapaalam ko sa kanila. Ngumiti naman si Unnie at tumango.
Tumingin muli ako sa niluto ni unnie. Dalhan ko kaya ang bangtan? Hmm. Kumuha nalang ako ng tupperware na pwedeng paglagyan ng pagkaing iyon. Tumingin lang sakin si unnie at tumango. Alam nya na kasing kapag ganto, para sa bangtan sunbaenims yun.
Nagsimula na akong maglakad palabas ngunit hinarang ako ni Minji-ssi.
"Unnie, anong pinagusapan nyo ni jimin oppa?" Tanong nya.
Pinagusapan? Nag-usap ba kami? Sa panaginip ko, oo.
"Ha?" Tanging sagot ko.
Umiling na lamang si Minji-ssi. "Nevermind, unnie." Sambit nya bago tuluyang umalis sa harap ko.
Weird.
Naglakad na muli ako palabas ng dorm. Pagkalabas ko ay sumalubong sakin yung malamig na hangin. Nagsimula na akong magjog habang dinadama pa rin yung napakalamig na hangin.
Tumigil ako nang makarating na ako sa Dorm ng bangtan sunbaenim. Kumatok ako ng ilang beses bago tuluyang buksan ni V Hyung yung pinto.
"Oh, saeng. Namiss mo na naman kagwapuhan ko?"
Tumawa ako dahil sa pagiging makapal ni Hyung. Hindi ko lang sya pinansin at dumiretso na papasok ng dorm nila.
"Oy, ano yan saeng? Pagkain ba? Akin na." Inagaw agad ni Seokjin oppa yung pagkaing dala ko. Grabe, pag talagang sa pagkain ano hahaha.
Nahagip ng atensyon ko si Jimin hyung na nakatingin sakin. Shz, naalala ko tuloy yung panaginip ko kagabi.
Nabigla naman ako ng bigla syang ngumiti sakin. Teka, nginitian ako ni hyung? Awkward akong ngumiti pabalik at umiwas ng tingin. Tama ba yung nakita ko?
Naglakad na lamang ako papunta sa room ni yoongi oppa. Nagbabakasakaling pansinin nya na ako. Hindi nya na kasi ako pinapansin. Nakakapagtampo.
Kumatok ako ng isang beses at isang beses pa at isang bese—
"SINO YAN? ISTORBO!" Biglang sigaw nya.
Hala, baka nagsusulat ng lyrics si Oppa. Umatras nalang ako at tumalikod para umalis na ngunit agad na may nanhila sa kamay ko. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si Yoongi oppa na seryosong nakatingin sakin. Hinila nya ako papasok ng room at pinaupo sa dulo ng kama nya.
"Dyan ka lang, kailangan ko ng inspirasyon"
Uminit naman ang pisnge ko ng sambitin nya yun. Grabe talaga bumanat tong si oppa. Wala man lang pasabi. Biglaan talaga 'e.
Umupo na syang muli at pinaikot ikot yung ballpen na hawak nya habang nakatingin sakin. Naniningkit din yung mata nya.
Masisinungaling ako kung hindi ko aamining sobrang gwapo nya sa posisyong yun. Ang mas lalo pang nagpahot sa kanya ay yung pagkagat nya sa takip nung ballpen. Jusko.
BINABASA MO ANG
hyung || jimin
Fanfiction[ maknae-line series #2 ] 「 park jimin 」 "Hyung, binilhan kita ng cherifer. Baka sakaling tumangkad ka hehe" ー Lee Eunmi inspired:Noona by _dokyungsoobias written by blueseom started: april 5, 2016 ended: xxxx