"I can Smell you fear!" Napapikit ako at agad na nabitawan ang ballpen ko at tinakpan ang dalawa kong tenga nang mag simula nanaman akong makarinig ng sinabi sakin ng lalaking naka hoodie nung gabing yun.
"Fear" napasubsob ako sa desk hoping to stop hearing the voices pero parang walang epekto dahil kahit anong gawin ko ay naririnig ko parin.
"Tama na, tama na, tama na" paulit ulit na bulong ko habang napapasabunot sa buhok ko sa sobrang frustration.
2 months is hell dahil sa bangungot na nararanasan ko gabi gabi, isama pa ang mga hindi normal na nangyayari sakin. At ang mga panahong pakiram ko ay may nakatitig sakin.
Kelan mo ba ako titigilan?
Until i have you.
Agad na nanlaki ang mata ko at napatitig sa paligid nang may sumagot sa tanong ko sa isip. Pero wala naman akong napansing kakaiba. Patuloy parin sa pag discuss ang prof namin habang tahimik na nakikinig ang mga kaklase ko at ako lang yata ang distracted.
"Mababaliw na ako" nanghihinang sabi ko habang hinihilot ang sentido ko.
"Psst" natigilan ako nang makarinig nang pag sitsit.
Sino yun? Takang tanong ko sa sarili at tiningnan ang paligid pero wala naman akong nakitang taong pwedeng sumitsit sakin unless may nang tritrip sakin.
"Psst" sa pagkakataong to ay aa likuran ko na narinig ang pag sitsit kaya napalingon ako at agad na napasigaw nang makita ang lalaking naka hoodie na naka upo sa likuran ko.
"Miss Bonaventura are you okay?" Rinig kong tanong ng prof namin pero para akong na pako sa pwesto habang hindi maalis ang titig ko sa lalaking naka hoodie na ngayon ay dahan dahang tumayo at naglakad papunta sakin.
"Miss Bonaventura!"
Napahugot ako nang malalim na hininga nang yumuko ito ay pinantay ang mukhang nitong tinatabunan ng dilim. Dahan dahan nitong nilapit ang pag mumukha sakin at nakita ko ang pulang pares ng mata bago mawalan ng malay.
-
Agad akong natigil sa pag sisigaw nang maka ramdam ako ng sakit sa batok ko at nakita ang kapatid kong poker face lang na naka tingin sakin.
"Keiran! Bakit moko sinapok?!" Inis na sambit ko habang himihimas ang nasaktang batok.
"Kanina ka pa sigaw ng sigaw. Ang ingay mo" walang emosyong sabi nito at tumayo ba.
Napatingin naman ako sa paligid ang napansing nasa kwarto ko na pala ako.
Pano ako nakarating dito?"Dinala ka dito ng bakla mong kaklase matapos mong mawalan ng malay sa gitna ng klase niyo" sagot ni keiran sa piping tanong ko sa isip
Napatingin naman ako sa kapatid kong hindi parin makikitaan ng emosyon habang inaayos ang bimpong ginamit niya sigurong pang linis sakin.
Minsan nag tataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin tumatangkad ang kapatid ko. 16 na siya pero tumigil ang pag mature niya ng 12.
Nilingon naman ako nito at nilapitan. "Matulog ka na" mahinang sabi nito at inalalayan ako pahiga.
Pinag kibit balikat ko nalamang ang kung ano mang nasa isip ko at pinikit na ang mata ko.
-Nosferatu-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘
