14

965 49 0
                                    

"Well there's something i want you to know about your brother" seryosong sabi niya habang nakatingin sakin.

"Ano?" Takang tanong ko.

Hindi muna siya sumagot at nakatitig lang sakin ng masinsinan. Sinubukan ko namang titigan din siya pabalik at hindi kumisap kagaya niya pero parang maiiyak na ako sa hapdi ng mata ko kaya napasimangot ako habanv kumikisap kisap.

"Tanga" iiling iling na sabi ni Braedon na kinalaki ng mata ko.

Napalingon ako sa paligid para tingnan kung may iba ba kaming kasama na hindi ko nakikita.

"Sino?" Takang tanong ko.

"Ikaw" deretsong sabi niya.

Parang lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha ko at agad na uminit ang ulo ko sa narinig.

Ako?! Tanga?! Sa ganda kong to?! Tanga ako?! Aba!

"Excuse me?! You know my name! Not my story!" Taas kilay na sagot ko sakanya at binigyan siya ng nakakamatay na irap.

"Well you wouldn't do that staring thing with me if you are using your brain cause in the first place you're just a weak human who needs to blink every second " mayabang na sabi niya.

At pinagyabang pa talaga niya na tao lang ako at hindi kayang pantayan ang kakayahan niya. Sus buksan ko kaya ang bintana tingna natin king hindi ka masusunog. O di kaya tarakan kita ng cross na kahoy sa dibdib tingnan natin kung may ipagyayabang ka pa.

Masama lang ang tingin ko sakanya na walang emosyon ang mukha habang iniisa ko na at pinaplano sa isip ko kung pano pupuksain na parang lamok ang lalaking gwapong kaharap ko.

Ay wala akong sinabing gwapo.

"Letche kang bampira ka! Ang.. ang!"

"Ang?" Patanong na dugtong niya sa sinasabi ko.

"Ang pangit mo!" Inis na bulyaw ko sakanya. Nakita ko naman ang pag ngisi niya ikinalitaw ng pangil niya.

"Oh really?" Nanghahamong sabi niya at lumapit sakin ng pagapang. Agad na nanlaki ang mata ko at lumayo sakanya.

"Oy oy! Anong ginagawa mo?!" Kinakabahang sabi ko habang umaatras. Natigilan ako nang tumama ang likod ko sa headboard ng kama.

"Cornered" nakangising sabi niya at lumapit sakin ng dahan dahan. Napalunok naman ako dahil.

Dahil.

Ang hot niya putcha.

Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang maraming unan na parang bulkan na nakatambak at dali dali iyong kinuha at binato sakanya.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko at agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang sumapol sa mukha niya ang unan . Mukhang hindi niya yata inaasahan ang gagawin ko.

Napakagat ako ng labi sa kaba ng abutin niya ang unan at tiningnan ako ng seryoso. Hindi kababakasan ng kung anong emosyon ang mukha niya maging ang mata niya kaya halos matae na ako sa kaba.

Hindi niya naman siguro ako papatayin ngayon no? Sinagip niya ako mula sa halimaw sa bahay! Ibig sabihin ayaw niya akong mamatay! Tama ayaw niya akong mamatay!

Nagulat ako nang bigla nalamang may unan na mabilis lumipad sa dereksyon ko at sapul na sapul ako sa mukha. Bahagya pa akong napaatras sa sobrang lakas ng pag tama niyon sa mukha ko.

Sunod ay ang malakas na tawa ni Braedon ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto kung nasan kami.

Inis na kinuha ko ang unan na tumama sa mukha ko at masama ang tinging pinukol si Braedon pero agad ding natigilan nang makita ang masayang mukha niyang tumatawa.

nakatitig lang ako sakanyang tumatawa na walang pake sa paligid at walang alam sa mga nangyayari.

Sa mga pangyayari.

Sa nangyayaring pagbilis ng tibok ng puso ko.

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon