Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto at mageeskandalo na sana ako nang bigla kong naalala kung nasaan ako.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa paligid habang hinihimas ang noo ko.
Buti naman at hindi kagaya ng una kong pagising na isang slow na bampira agad ang bumungad sakin.
Isip ko pero hindi ko naman maiwasang hindi mag taka kung nasan ang lalaking yon. Lalo na't kelangan ko siya ngayon, yung tipong hindi pwedeng matapos ang ilang segundo na wala siya dahil kelangang kelangan ko talaga siya. Mala life and deatg situation ngayon ang nararamaman ko.
"And what is it? "
"Ay pinya ni inday! " gulat na sambit ko at napatingin sa paligid para hanapin si Braedon, pero laking gulat ko nang makitang hindi ko siya makita.
"Here" agad na nanayo ang buhok ko sa batok nang maramdaman ang hininga niyang tumama sa batok ko nang mag salita siya kaya parang tuod akong lumingon dala ng gulat.
Parang kinuryente ang ako nang makita siyang nakabaliktad at nakaapak sa ceiling habang sobrang lapit ng mukha sa mukha ko kaya napaatras ako ng bonggang bongga kaya pak ganern nahulog ako sa kama.
"Putcha!" Malakas na sambit ko at hinimas ang pwet kong nasaktan. Pakiramdam ko nag flat na yung pwet ko dahil sa lakas ng pagkakatama sa sahig.
Buti pa ang sahig, sinalo ako nang na fall ako.
Napatingin ako kay Braedon chill chill lang na naglakad mula sa ceiling papunta sa pader hanggang sa makaapak siya sa sahig, ako naman ay nakanganga lang habang nakasunod ang tingin sakanya.
"I-ikaw! P-pano-"
"Vampire thing" tipid na sabi niya at humalukipkip.
Ah, dahil bampira siya, siguro merong lahi ng butiki ang mga bampira kaya kaya nilang mag lakad sa mga dingding.
Diring diring napatingin ako kay Braedon dahil sa naisip ko. Kadiri naman kung ganon! Saka kung meron nga papano naman yun magkakaganon? Ang gulo naman, hindi naman pwedeng mag sex ang butiki at bampira. Pero malay ko, baka everything is possible sa mga bampira.
"What a thought" masungit na sabi niya at kunot noong tiningnan ako.
Tiningnan ko rin siya ng tinging puno ng ka inosentihan. Panigurado binabasa nanaman niya ang isip ko. Pero bakit ang sungit niya yata ngayon? Ako ang nahimatay hindi siya. Diba dapat ako ang magbabago ng ugali?
"I'm busy with something, now tell me what is that 'emergency' you were thinking? " paalala niya sakin kaya akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para mag salita nang maunahan ako ng tiyan kong kumulo.
"Ah he he" Nahihiyang tawa ko at nahihiyang yumuko.
Sobrang showy naman ng tiyan ko, pinarinig pa talaga ang mala Ariana niyang tunog.
"Tss follow me" tipid na sambit ni Braedon at naglakad na papunta sa pinto.
Agad namang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya kaya dali dalu akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at sumunod sakanya.