6

1.2K 64 11
                                    

Agad akong napapikit nang maramdaman ang hapdi ng alak na dumaan sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung pang ilang baso ko na to dahil inom lang ako nang inom habang hinahayaan ang katabi kong mag salita nang mag salita. Hindi ko nga alam kung manhid ba to or slow lang. Kanina ko pa pinapakita sakanya na wala akong pake sakanya pero daldal parin siya ng daldal.

Mataas naman ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako mabilis malasing pero dahil sa madami na siguro ang nainom ko kaya medyo umiikot na ang paningin ko.

"Hey wanna dance?" Malanding tanong ng katabi ko at nilapit pa ang sarili sakin.

"Ayoko" simpleng sabi ko at humingi pa ng isang baso ng alak.

Agad na nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang mas lumapit pa si Wayne sakin at bumulong sa tenga ko.

"Common. Just try me" at hinipan pa ng mahina ang tenga ko.

Sa inis ko at dinutdot ko ang noo niya " Wag mokong landiin, di ako pumapatol sa mukhang shokoy" bwisit na sabi ko at tumayo para mag banyo.

"Fck" pabulong na mura ko nang dumudoble na ang paningin ko at medyo hindi na ako makapag lakad ng maayos.

Sumandig ako sa wall para kumuha ng supporta at dahan dahang naglakad para hanapin ang c.r dahil may call of nature ako. Dumating ako sa isang hallway na puno ng nga pinto at sigurado ako na isa don ay c.r

Nagsimula akong bugsan ang mga pinto isa isa pero puro lang bedroom ang nasaba loob. At isang pinto nalang ang natitira kaya nilapitan ko yun at binuksan.

Napahawak ako sa bibig para pigilan ang sariling sumigaw sa scenariong nakikita ko.

Si Chester at Denniz naghahalikan!

Sa sobrang busy nila sa ginagawa nila ay hindi nila ako napansin sa kinatatayuan ko. Napapikit ako at dahan dahang sinara ang pinto.

Uuwi nalang ako mag isa.

Agad naman akong nagsisi habang nakatayo hindi kalayuan sa bahay ni Denniz para sana mag antay ng jeep na masasakyan pero naalala kong umaga na pala at halos wala ng jeep sa ganitong oras.

"Sht" inis na sabi ko nang maramdaman ang resulta nang pag inom ko nang marami. Nagsimula nang umikot ang paningin ko.

Dahan dahan akong nagsimulang maglakat pero dahil narin sa sobrang kalasingan ay muntik na akong matumba pero naramdaman kong may sumalo sakin.

"Whu yiiu?" Tiningnan ko ang taong sumalo sakin pero hindi ko makita ang itsura niya dahil naka hoodie siya. Nagsimula akong gumalaw galaw para makawala sa hawak niya pero mas hinigpitan niya lang ang paghawak sakin.

"Stay still" napapikit ako ng marinig ang boses niyang sobrang lalim pero nakakagaan pakinggan.

"Meow"~

Napalingon ako nang marinig ang ingay at nakita ang isang pusang kamukha ni pickachu. Dali dali akong kumawala sa pagkakahawak sakin ng estranghero at lumapit sa pusa at binuhat ito at niyakap.

"Pika pika!" Masayang sabi ko at binaon ang mukha sa katawan ng pusa. Bigla namang may dumaan na parang lumilipad na bagay sa harapan ko kaya naalerto ako.

"Pikachuuuu thunderbolt! Attack!" Sigaw ko at hinagis si pikachu sa ere pero laking gulat ko nang magiba ito ng anyo. Mula sa pagiging pusa at naging isang lalaking sobrang gwapo

"Seriously woman?!" Galit na sabi nito at nilapitan ako at akmang sasapukin nang may sumigaw.

"Emrick" napatigil ito at imbis na sapukin ako ay pinat ang ulo ko bago lumayo sakin ng konti.

Agad akong kumawala nang naramdaman kong may kamay na pumulupot sa bewang ko at dali daling lumapit sa lalaki. Muntik pa akong mapasubsob sakanya nang bigla nalamang bumigay ang tuhod ko mabuti nalang ay maagap niya akong nasalo.

"Hi bakit ngayon lang nagtagpo landas natin?" Malanding sabi ko sakanya at napahagikgik pa nang makita ang paglaki ng mata niya kaya malinaw kong nakita ang asul niyang mata.

"You've been a very bad girl" rinig kong sabi ng kung sino sa tenga ko kaya napalingon ako at nakita ang lalaking naka hoodie.

"Now sleep" mahinang bulong niya at hinalikan ang noo ko bago ako hinila nang antok. Naramdaman ko naman ang malakas niyang braso malakas na pumaikot sa bewang ko.

-

"Argg" mahinang ungol ko nang maramdaman ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan.

Kaya ayaw na ayaw ko talagang uminom!

Napahawak ako sa noo nang may maramdaman akong bagay sa kaliwang kamay ko.

"Black petal"

-Nosferatu-

omg guys sino dito nag babasa ng stories ni ate Jonaxx? Hahaha idol ko talaga si azi kaya kinopya ko ang isang scene nyahahaha!

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon