9

1.2K 51 10
                                    

Tulala parin ako habang naglalakad pabalik sa room namin dahil time na. Hanggang ngayon ay hindi mawaglit sa isip ko ang tunay na itsura ng lalaking naka hoodie.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya sakin nung gabing pumunta siya sa kwarto ko at sinabing may kukunin daw siyang pag aari niya na nasaakin?

Ano namang pagaari niya na nasakin? Kung ako siguro ang may kukunin sakanya eh mas kapani paniwala. Ininom niya kaya ang dugo ko! Diba pag aari ko yun?!

Napatigil naman ako sa pagiisip nang makarating ako sa room at nakita si Cheska na nag sasalita sa harap ko.
Eh? Kelan pa siya nandito sa harap ko? Ba't hindi ko napansin?

"Bebe sorry na" mukhang tangang sabi nito sakin habang naka pout at nag papuppy dog eyes. Hahaha lintik!

" oo na. Tigilan moko mukha kang tanga" tipid na sabi ko habang pinipigilan ang tawa ko at pumunta na sa seat ko at umupo. Sumunod naman si Cheska at hinila ang katabing upuan ko palapit sakin at umupo doon.

"Ang taray mo ngayon te. Meron ka?" Nanghahaba ang ngusong sabi nito.

Nakita ko namang napapatingin ang ibang kaklase namin sa direksyon ko at ni Cheska at nag bubulungan tapos maya maya ay ngingiti na parang kinikilig.

Kahit hindi nila sabihin ay alam ko na agad kung anong nasa isip nila. Well matagal nang usap usapan sa campus na kami na raw ni Cheska. Magaling talagang mag tago ang bruha ng tunay niyang fuschiang kulay kaya wala talagang may nakakapansin. Hmm ano kaya ang magiging reaction nila pag nalaman nilang nakipag twerk it like miley na tong bruhang to sa isang lalaking pinapantasyahan din sa school?

Napailing nalamang ako sa naiisip at binalingan ng tingin si Cheska. "Hindi"

Napataas naman ang kilay niya at maya maya ay sumilay ang isang mala demonyong ngisi sa labi niya at napapalatak pa.

"Alam ko na te!" Masayang sabi nito at muntik ulit akong matawa nang binulong niya ang 'te'

"Ano? Bruha umayos ka kung di sasabunutan kita!" Babala ko dito.

Agad na nawala ang ngisi sa labi niya at lumayo sakin ng konti habang nanghahaba ang nguso at bumubulong bulong pa pero hindi naka ligtas sa malakas kong pandinig ang sinabi niya.

"Sus porket wala kang sex life!" Agad kong inabot ang buhok niya at mahina siyang sinabunutan.

"Ang landi mong bruha ka! Isa pa ha! Isa pa kung di ipag kakalat ko talaga ang nakita ko!" Gigil na sabi ko .

Pilit namang inaalis ni Cheska at pagkakahila ko sa buhok niya " ah. Aww! Stop na! I'm sorry na!" Sabi nito habang nakangiwi.

Nasa ganoon kaming posisyon nang mapansin kong tahimik ang paligid at ang lahat ay naka tingin samin.

"Excuse me may i barrow Mr. Chester Buenzalido?" Agad na lumipad ang tingin ko sa pinto at nakita si Denniz na naka tayo doon at ngumiti na ikinatili ng ibang mga kaklase ko.

Agad ko namang binitawan si cheska habang ang loka naman ay tumayo at inayos muna ang uniform at tumikhim bago lumakad na parang tunay na lalaki.

Napatakip ako sa bibig nang mapansin ang maliit na pag kembot ng pwet niya habang nag lalakad. Gosh! Halatang kinikilig ang bruha.

Agad na tumango sila sa isa't isa nang makalapit si Cheska kah Denniz at nag bro fist pa. Muntik na akong humagalpak sa tawa nang namula ang bruha nang bigla siyang akbayan ni Denniz at inakay paalis.

Oh siya. Humayo kayo at mag parami!

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon