1

2.1K 68 8
                                    

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at hapo hapong sinapo ang noo ko.

2 buwan na matapos ng pangyayaring yun pero hanggang ngayon ay hindi parin ako matahimik dahil gabi gabi akong binabangungot.

Napabuntong hininga nalamang ako at bumangon na para makapag handa dahil ngayon ang unang araw ng pasukan. Nagpakulo muna ako ng tubig bago inabot ang cellphone ko at pumunta na ng c.r para maligo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng kili-kili ko nang nakarinig ako ng ingay mula sa labas.

Tanga ako kung sisigaw ako ng ' sino nandiyan' dahil ako lang naman mag-isang nandito sa bahay ngayon dahil umuwi ng probinsiya ang nakababatang kapatid ko.

Agad kong inabot ang twalya at binalot ang sarili ko naglakad papuntang pinto at binuksan ito ng konti para masilip ang nasa labas.

Napakunot ang noo ko nang wala naman akong mapansing kakaiba sa paligid.

"Ay putcha!" Parang ninakawan ako ng  espiritu nang biglang tumunog ang pinakulo kong tubig.

Napailing ako nilapitan ito.
"Hay nako! Bebe naman! Wag kang mang gulat ng ganyan at mamamatay ako ng wala sa oras dahil sayo, hindi ko pa naman nakita ang destiny ko. Ang lalaking makakapasok ng virgin forest ko at mapapasigaw ako ng 'ohhhhhhlala" AY!"

Mabuti nalang mabilis ang reaction time ko kaya agad kong nasalo ang muntik nang pag hulog ng tapis ko nang biglang may malakas na hangin na dumaan sa likod ko.

Napakuyom ang kamay kong nakahawak sa tuwalya at sa nan lalaking mata ay lumingon . Pero katulad kanina ay wala namang may pinagbago sa paligid.

"Tngna dis! kelangan ko nang mag hire ng esperetista!" nanghihinang sabi ko.

"ay nakalimutan ko, wala pala akong pera!hahaha!" Dugtong ko nang maalala ang katotohanan.

great. Now kinakausap ko na ang sarili ko. bumalik nalamang ako ng c.r at dali daling tinapos ang paliligo at ang pagaayos dahil pakiramdam ko mababaliw akong mag-isa dito sa bahay.

"BRUHA!" tili ng kaibigan kong si 'Chester' kung umaga. Pero 'Cheska' kung gabi.

Dali dali itong tumakbo papunta sakin at ikinawit ang braso sakin.

"Kumusta te?! nadiligan ka na ba?" napaigik ito at sinapo ang batok nang malakas ko itong batukan dahil sa sinabi niya.

"Ang bunganga mo bakla! Mas mahalay pa sa babae!" Nag hair flip naman ito kahit boys cut ang buhok at inayos ayos pa na para bang may buhok talaga ito.

"Babae naman talaga ako!" hindi alam ng mga tao na bakla si Chester. Sa sobrang gwapo ba naman nito hindi mo talaga pagiisipang bakla.
Actually naging crush ko siya noon at nalaman kong bakla siya nung umamin ako sakanya

"Tara na nga!" Agad ko na siyang hinila papunta sa kung saan man na assign ang room namin for this school year.

Agad akong napasinghap nang  hindi sinasadyang dumaan ang tingin ko sa soccer field at nakita ko doon ang lalaking naka hoodie. Pero agad din siyang nawala pagkisap ng mata ko.

"Anyari te? Climax na ba? Lalim ng pag hugot mo ng hininga ah!"

Napailing nalamang ako at nauna nang maglakad at iniwan ang nagtatakang si Chester dahil inakala niya sigurong sasapukin ko siya dahil sa sinabi niya.

Well. Not now.

Sabi ko sa isip habang kinalama ang sistema ko at ang panginginig ng kamay ko.

-Nostefaru-

R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon