13

1K 49 1
                                    

Nakatitig lang ako sa mata niya na parang patay. Buhay na buhay nga siya pero kabaligtaran naman niyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

Parang gusto ko tuloy hawakan ang mukha niya at tanungin kung may problema ba siya pero ayoko namang isipin niyang fc ako kaya pinigilan ko ang sarili ko at umiwas nalamang ulit ng tingin.

Napatitig ako sa kabuuan ng paligid at naalalang hindi pala ako pamilyar dito. " nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?" Sunod sunod na tanong ko sakanya.

"You don't remember anything?" Takang tanong niya pero hindi kababakasan ng kung ano emosyon sa mukha.

Natahimik naman ako at nakatitig lang sakanyang tahimik akong sinusuri.

Ano ngabang nangyari? Ang huling naalala ko lang ay nakahiga ako sa kwarto ko sa bahay kasi kakatapos lang ng shift ko tapos naka tulog ako at nagising dahil-

OH MY GOSH!

Agad akong nanginig nang maalala ang sunod na nangyari sakin. "Nasaan sila?! " kinakabahang tanong ko. Nanginginig ang buong systema ko sa takot lalong lalo na nang maalala ang ginawa sakin nung halimaw

Napayuko ako at tahimik na napaiyak dala ng halo halong kaba at takot. Pero napatigil ako nang maramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang ulo ko at dahan dahan akong hinila papunta sa dibdib niya. Tulala lang akong nakatitig sa kawalan habang mahina niyang pinapat ang ulo ko.

Tulala lang ako hanggang sa sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko at napayakap ako sakanya. Naramdaman ko naman ang paninigas niya pero mas binaon ko lang ang mukha ko sa dibdib niya. Maya Maya ay naramdaman ko ang dahan dahang pag akyat ng kamay niya papunta sa bewang ko hanggang sa tuluyan na niya akong yakapin.

"Don't cry. It's gone. You're safe now" mahinang bulong niya sa tenga ko kasabay ng pag hagod niya sa likod ko. Nakaramdam naman ako ng kaunting pag angat ng bigat sa balikat ko at ng pagka wala ng takot at pangamba ko.

Nakayap lang siya sakin hanggang sa tumigil na ako sa pag iyak. Hinayaan lang niya akong basain ang damit niya habang Tahimik lang siyang hinahagod ang likod ko.

Maya maya ay lumayo na ako sakanya ng konti at pinunasan ang mukha kong basa ng luha "salamat" mahinang sabi ko.

Tumango naman siya at may inabot sa gilid na sinundan ko ng tingin at nakita ang isang basong tubig.

"Here" mahinang sabi niya at nilapit ang baso sa bibig ko. naramdaman ko naman ang pag akyat ng init sa mukha ko dahil sa intense ng titig niya sakin.

Wag kang ganyan. Baka matunaw ako.

Inabot ko nalang ang tubig at nagpasalamat at uminom ng kaunti.

"You are my in my house. I brought you here after i saved you from that son of a bitch. I was afraid they might come back. and i dont know if what they want from you. so stay here until i'm sure you're safe" mahabang lintanya niya na kinasakit ng ulo ko.

Napangiwi ako ng maramdaman kong sumakit ang ilong ko dahil sa sinabi niya.

Mukhang dudugo ilong ko ah.

"Ahh" tumatango tangong sabi ko at umiwas ng tingin para hindi niya mapansin na di ako magaling sa english. Winili ako ang sariling titigan ang paligid. Sobrang ganda at gara. Para talaga akong bumalik sa 90's

Nilapag ko pabalik ang tubig sa night stand na katabi ko lang nang may bigla akong maalala.

"BRAEDON!" Kinakabahang sabi at humawak sakanya ng mahigpit. Bakita niya naman ang takot sa mga mata ko kaya napakunot ang noo niya.

"What?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"ANG KAPATID KO!" Nahihintakutang sabi ko.

Gosh! pano ko nakalimutan ang kapatid ko! Baka ano nang ginawa sakanya nung halimaw! Pinuntahan din ba siya? Baka hindi lang isa ang halimaw na nandoon sa bahay!

"Oh" napamaang naman ako sa sagot niya. pero bumalik ang kabang naramdaman ko nang bigla siyang mag seryoso.

"There's something i want you to know about your brother"

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon