"What are you looking at?" Takang tanong niya sakin at tumigil na sa pag tawa.
Napaiwas naman ako ng tingin habang pilit na pinapagana ang isip ko sa pwedeng rason na gawin ko.
"Ano na yung sasabihin mo tungkol kay Keiran?" Kunot noong tanong ko nang maalala bigla ang dapat niyang sasabihin sakin kanina.
Agad namang nawala ang kakulitan sa itsura niya at bumalik na ang seryoso niyang mukha nang marinig ang sinabi ko.
Parang gusto ko tuloy mag sisi nang nawala na ang magaang aura niya at bumalik nanaman siya sa pagiging seryoso na parang pinagbagsakan ng langit at lupa at itsura niya. Yung tipong parang pasan niya sa balikat niya ang problema ng mundo.
"Keiran is immortal" agad na kumunot ang noo ko nang binalingan ko siya ng tingin.
"Nag jojoke ka ba?" Inis na tanong ko na naging rason para siya naman ang mag kunot noo.
"Joke? What's that?" Takang tanong niya. Tiningnan ko siya ng ilang segundo para i check kung seryoso ba talaga siya sa tanong niya pero lumipas ang ilang segundo ay ganoon parin ang itsura niya.
"Seryoso ka?! Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng 'joke'?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yeah" tipid na sabi niya at umiwas ng tingin.
Ilang segundo rin akong natigilan habang hindi parin makapaniwala sa narinig.
Sa pagkakaalam ko ang mga bampira ay matagal nang nabubuhay sa mundo ng mga tao. Edi ibig sabihin saksi sila sa mga pangyayari mula noon hangganh ngayon at ibig sabihin din non dapat updated sila sa mga uso. Pero ang bampirang kaharap ko ngayon ay mukhang outdated!
"Joke! Yun yung mga bagay na nakakatawa. For example " napatingin ako sa taas at nagisip nang pwedeng pang joke sakanya.
"What?" Napatingin ako sa mukha niyang walang emosyon pero ang boses niya ay mahihimigan ng interes na sinasabi kong tungkol sa joke.
Siguro ganyan talaga siya. walang emosyon ang mukha pero hindi naman ibig sabihin non wala siyang nararamdaman.
"Alam mo ano ibig sabihin ng Korean tea?" Excited na sabi ko sabay baba taas pa ng kilay.
"Yeah. The tea why?" Palihim akong napangiti dahil sa kainosentihan ng kausap ko.
"HINDI! MALI! KOREAN TEA! Yun yung nawawala pag brownout!" Sabi ko sabay tawa ng malakas dahi sa sarili kong joke.
Sht tengene! Ang galing ko talagang mag joke!
Napansin ko namang tahimik lang si Braedon na nakatitig sakin at hindi sumasabay sa tawa ko at obvious na mukha niyang wala siyang na gets sa sinabi ko dahil 'lost na lost' ang itsura niya.
"Tatawa na ba ako?" Kunot noong tanong niya.
Paranh pinag bagsakan naman ako ng langit at lupa dahil sa narinig.
Seryoso?! Hindi siya natawa sa joke ko?!
"Burn!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang lalaking kulay blue ang mata at nakahawak sa tiyan habang parang matatae na kakatawa.
"What are you doing here Emrick? And why are you laughing?" Inosenteng tanong ni Braedon.
Mas lalo namang humahalpak ng tawa ang hindi ko kilalang lalaki na kulay blue ang mata at dinuduro pa ako.
"HAHAHA! BASAG HAHAHA!" Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang ma realize na ako pala pinag tatawan niya.
"Hoy lalaking fake ang mata!" Inis na sabi ko at bumaba sa kama at nilapitan siya. Agad na nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ko.
"What the fuck? My eyes are not fake you joker!" Agad na nanlaki ang ilong ko sa narinig.
Ha?! Joker! Mukha ba akong lalaki na may kalat kalat na lipstick sa pisngi!
Sasagot na sana ako nang biglang mag salita si Braedon .
"Stop it you two. Now Emrick why are you here? Don't you know you're disturbing us?" Dikit ang kilay na sabi ni Braedon.
Yumuko naman si Emrick at humingi ng paumanhin. At nang mag angat siya ng tingin at mabilis ko siyang dinilaan at nag tago sa likod ni Braedon.Tumikhim muna siya bago sumeryoso at tumingin ulit kay Braedon pero inirapan ako nang dumaan ang tingin niya sakin.
"Keiran is awake"
-Nosferatu-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘