19

791 41 4
                                    

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang marinig ang malalakas na katok sa pintuan, mabilis akong bumangon at pumunta sa pinto dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay masisira na ang pinto sa lakas ng katok.

"Teka lang! andiyan na!" sigaw ko at mabilis na binuksan ang pinto. Napasinghap ako nang makita si Braedon na nakayuko habang nakasandig sa gilid ng pinto.

"Huy! Anong ginagawa mo diyan?" takang tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot, nakatitig lang ako sakanyang nakayuko habang hindi kumikibo, ano to ? naka tulog siya habang naka tayo sa labas ng pinto at kumakatok? Galing ah! Ngayon lang ako nakarinig ng ganon!

Tinaas ko ang kamay ko at akmang hahawakan siya nang bigla nalamang siyang nagtaas ng tingin kaya nakita ko ang mata niyang sobrang pula.

"You"
napaatras ako palayo sakanya dahil sa masamang titig na pinupukol niya sakin, para siyang isang hayop na nakatingin sa nahuli niyang pagkain.

Anong nangyayari sakanya? Bakit ganyan siya ngayon? Hindi naman siya ganyan kanina nang huli ko siyang makita.

Natigil ako sa pagiisip nang maalala ang sinabi sakin kanina ni Emrick "lock the door Umi, at wag mong papapasukin si Braedon kapag kumatok siya" ngayon mukhang alam ko na ang rason kung bakit sinabi sakin yon ni Emrick.

"B-braedon" kinakabahang sabi ko at tinaas ang kamay ko par asana abutin siyang nang bigla niyang pinalis ang kamay ko at tinulak ako kaya napahiga ako sa kama.

Hindi pa man ako nakakabangon ay naramdaman kong dumagan siya sakin.

"Braedon ano ba!" sinusubukan ko siyang itulak pero dahil mas malakas siya sakin ay hindi manlang siya natitinag, hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nilagay iyon sa uluhan ko kaya wala na akong laban lalo na at nakaipit ang dalawa kong paa sa gitna ng hita niya.

"Braedon! Hoy! Ano ba! Sisigaw ako ng rape!" nakita ko ang pag ngisi niya nang marinig ang sinabi ko.

Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko nang dahan dahang bumaba ang ulo niya papunta sakin, titig na titig lang ako sa pagmumukha niya at sa mata niyang kasing pula ng dugo na taimtim ding nakatingin sakin na para bang hinihintay kung may gagawin ako.

Napakagat ako ng labi nang mapatingin ako sa mapula niyang labi na sobrang lambot tingnan habang naka buka dahil sa malakas na pag hinga niya, nararamdaman ko ang pag tama ng pag hinga niya sa mukha ko at naamoy ko ring ang mabango niyang pag hinga dahil sa maliit na distansiyang nasa pagitan naming , agad akong napalunok nang makita ko at matutulis niyang pangil.

Oh my god! Paniguradong masakit pag yan bumaon sa balat! Ayoko niyan!

Huminga muna ako ng malalim at pinatatag ang loob ko sa susunod na gagawin ko, eto na ang huling alas ko kaya dapat ibigay ko ang lahat na meron at kakayahan ko.

Nang buo na ang desisyon na nasa isip ko ay mabilis kong inuntog ang ulo ko sa ulo ni Braedon.

"ouch!" malakas na sambit ko nang parang minartilyo ang ulo ko sa lakas ng impact ng pag bunggo ko sa ulo ko sa ulo niya. Sinubukan kong mag mulat ng mata pero nanlalabo ang paningin ko.

Jusko! Ilang beses na akong nauntog sa pader at pinto pero eto yata ang pinakasakit sa lahat ng "untog scene" na naranasan ko sa tanang buhay ko!

Napapikit ako nang maramdaman kong umiikot ang paningin ko. Naramdaman kong may humaplos sa noo ko.

"Stupid" rinig ko pang sabi ng kung sino bago ako mawalan ng ulirat.

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon