8

1.2K 49 3
                                    

Nasa kalagitnaan kami ng pagkaklase nang makaramdam ako ng antok kaya binuksan ko ang libro ko at nag kunwaring nag babasa pero sa totoo ay dahan dahan nang pumipikit ang mata ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog basta nagising nalang ako nang maramdaman kong may tunatapik sa balikat ko kaya agad akong napaayos nang upo. Medyo kumirot pa ang ulo pero hindi ko na yun pinansin nang makita ang prof namin na naka tingin sakin.

"Miss!" Gulat na sambit ko. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang kaming dalawa nalang ang natira sa room.

Tsk. Gagang Cheska hindi manlang ako ginising! At iniwan pa ako!

" So how was your sleep Miss. Bonaventura?" Taas kilay na tanong sakin ni Miss. Napayuko naman ako at humingi ng paumanhin.

"I'm sorry po Miss. Hindi na po mauulit" narinig ko namang bumuntong hininga si Miss bago muling nag salita.

"I heard about what happened the other day. So i didn't bother to scold you while you are sleeping in my class a while ago. But only this one Miss Bonaventura, no more next time" nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Miss

Siya si Miss Daisy. Isa sa mga pinaka striktang professor pero isa rin sa mga pinaka mabait at approachable teachers dahil concern siya sa mga students hindi lang sa mga grades.

"Okay po miss. Thank you po. Hindi na po talaga mauulit" ngumiti lang naman siya ng tipid at tumango bago ako dinismiss para maka take na ako ng lunch.

At dahil na bwisit ako kay Cheska ay napag desiyunan kong hindi pumunta sa canteen dahil alam kong nandoon siya. Inayos ko muna ang gamit ko bago lumabas ng room at nag lakad kung saan. Ilang minuto din akong naglalakad nang mapatigil ako sa library.

Magbabasa nalang ako.

Lunch time ngayon kaya walang tao sa library. Kung meron man ay hindi naman tumatagal dahil kakain rin ng lunch.

Naglalakad ako sa gitna ng mga shelves habang busy sa pag hahanap ng librong ma tritripan kong basahin nang may dumaan sa harapan ko papunta sa kabilang shelf. Agad na napakunot ang noo ko at pumunta sa kabilang shelf pero wala namang tao doon.

Napahawak ako sa dibdib ko nang magulat ako dahil sa kalabog na narinig ko sa pinaka sulok ng library. Sobrang laki kasi ng library namib. let's say it 's like 2 combined classrooms. And yun ang reason kung bakit gustong gusto ko ang library namin. Malaki siya kaya marami ka talagang makikitang libro na magandang basahin.

Pero ngayon mukhang hindi ako natutuwa dahil sa malaki ang library namin. Napalingon muna ako sa paligid at napansing ako lang ang tao dito kaya napalunok muna ako ng laway bago nag lakad papunta sa sulok kung saan ko narinig ang ingay.

ramdam na ramdam ko ang malakas na pintig ng puso habang dahan dahang nag lalakad papunta don. At dumble pa ang lakas ng pag kabog ng dibdib ko nang makita ang lalaking naka hoodie na naka sandig sa isang shelf habang nakapamulsa at naka yuko sa sahig.

Anong ginagawa kiya dito? Takang tanong ko sa sarili.

Narinig ko naman ang pag ngisi ng lalaki bago tumayo ng maayos at sa isang kisap ng mata ko ay nawala siya sa harap ko.

"Stalking you" agad na nanayo ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang malamig niyang hininga na dumaan sa tenga ko mula sa likuran kaya agad akong napalingon pero wala na siya doon.

Naramdaman ko ang malakas na hangin sa likuran ko pero kagaya ng nangyari at wala siya doon pag lingon ko. Sunod sunod ang malakas na hangin na naramdaman ko mula sa iba't ibang dereksyon at medyo na hihilo na ako kaya napansandig ako sa shelf.

Tumigil naman ang pag hangin at kumalma ang paligid kaya napag desisyunan kong lumabas nalang ng library dahil baka ano pa ang mangyari sakin dito lalo pa't nandito ang lalaking kinatatakutan ko. Or should i say halimaw?

Saktong pag hakbang ko ng paa ko at pag liko ng katawan ko nang biglang lumitaw ang lalaking naka hoodie sa harapan ko. Napasinghap ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Gulat at parang tinulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat habang siya naman ay hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil tinatabunan ng hoodie.

Ilang segundo rin kami sa ganoong posisyon nang dahan dahang lumapit ang mukha niya sakin habang ako parin ay hindi maka galaw at tulala lang sa nangyayari.

Naramdaman ko ang pag tibok ng mabilis ng puso ko habang parang may nagkakarerahang kabayo naman sa tiyan ko. Kaya napapikit ako at ginawa ang unang bagay na naisip ko.

Napahawak ako sa batok niya nang maramdaman ang labi niyang dumampi sa labi ko. sobrang lambot ng labi niya at ang lamig.

naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa bewang ko at mas nilapit ako sakanya bago nilaliman ang pag halik sakin.

Napadiin ang pagkahawak ko sa batok niya bago nabilis na hinila pababa ang hoodie niya. Agad siyang himiwalay sakin kaya napamulat ako at napasinghap nang makita ang itsura niya.

he's so white. Yung tipong parang wala ng dugo. his face looks like perfectly sculpted. Matched with those full lips and perfectly shaped nose. Pero hindi yun ang naka agaw ng pansin ko kung di ang mata niyang kulay golden brown.

Wow. Just wow. He's like a fckn greek god who came down from mt. Olympus to lure woman and make them his. and with that face. i bet he can bed any woman without even doing anything.

Nakanganga lang ako habang naka titig sakanya habang siya naman ay kababakasan ng pagka gulat bago dali daling sinuot ulit ang hoodie at tinago ang itsura at nawala ng parang bula.

Ilang beses akong napakurap bago napabalik sa kasalukuyan.

Oh my god. Siya na yata ang pinaka gwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Napaupo ako sa upuang hindi kalayuan sakin nang maramdaman ko ang pang hihina ng tuhod ko at napaisip sa nangyari.

Yung first kiss ko wala na. At nakita ko na ang itsura ng lalaking naka hoodie.

Napakunot ang noo ko nang makakita nanaman ako ng black petal na naka tungtong sa lap ko kaya dahan dahan ko itong kinuha.

Anong ibig sabihin nito? yung unang petal ay nakita ko nang makita ko ang lalaking naka hoodie sa kwarto ko. Pero yung pangalawa ay hindi ko alam. Ngayon naman ay nakakita ulit ako pagkatapos magpakita sakin ng lalaking yun?

Ibig bang sabihin tuwing magpapakita siya sakin ay makakakita rin ako ng black petal?

Then ibig sabihin kasama ko siya nung nalasing ako?

-Nosferatu-

R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon