Napakamot ako ng batok ko nang mapansin na nawawala nga ako. Kanina pa ako nag dedebate sa sarili ko na hindi ako nawawala at tama ang daang tinatahak ko, pero nang umabot na ng ilang minuto na hindi parin ako nakakarating sa kwartong pinagmulan ko kanina ay confirmed na talagang naliligaw ako.Hindi naman kasi ako nabiyayaan ng mataas na sense of direction kaya hindi talaga ako magaling mag alala ng mga ganito. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang 2 dalawang daang pwede kong tahakin. Ang pabalik o ang papunta pa sa hindi ko alam kung saan ako makakarating.
"Nawawala ka ba?"
agad akong napasinghap at lumingon sa pinanggalingan ng bulong."Ano ba?!"
asar na sabi ko at pinaghahampas si Emrick. Halos atakihin na ako sa puso dahil sa gulat ng ginawa niya."Hey! Ouch ouch! Stop! Not my face!" sa narinig ko ay mas pinuntirya ko pa ang mukha niya at malakas iyong kinurot.
"Ikaw na lalaki ka! Kung malaki ang galit mo sakin sabihin mo!"
mas pinanggigilan ko pa ang pag kurot sa pisngi niya pero sa gulat ko ay ngumiti lang siya sakin."Hindi ko alam na amazona ka pala!" nakangising sabi niya na nagdagdag sa inis ko.
"Wag ka ngang ngumisi!"
bwisit na sabi ko bago binitawan ang pisngi niya pagkatapos ay mabilis ko siyang sinipa sa tuhod.
Agad akong napaigik nang maramdaman ang tigas ng tuhod niya kaya imbis na siya ang mamilipit sa sakit ay ako ang nasaktan."Aray! Pta!"
nakangiwing sabi ko habang tumatalon talon dahil sa sakit ng paa kong ginamit kong pang sipa sakanya."Nakalimutan mo atang hindi ako normal " rinig kong sabi niya at tumawa pa kaya tiningnan ko siya ng masama.
Hindi ako informed na mala bakal pala sa tigas ang katawan ng mga bampira, ang sakit ng paa ko pakiramdam ko semento ang sinipa ko.
"Umalis ka na nga!" Sabi ko at nag martsa papunta sa harap, kahit hindi ko man alam kung saan ako pupunta ay bahala na. basta wag lang akong madikit sa gwapong bwisit na to.
"Alam ko namang gwapo ako Umi, wag ka nang mahiyang sabihin sakin"
"Wag mong basahin ang iniisip ko!"
kinuha ko ang isa kong suot na tsinelas at binato iyong sakanya. Tumatawa siya kaya hindi niya nakita ang paparating na tsinelas kaya nasapul siya sa mukha.
"Sabing wag ang gwapong pagmumukha ko!"
napangiti ako nang siya naman ngayon ang asar, natawa ako ng malakas dahil nangitim ang mukha niya dala ng dumi ng tsinelas ko , bagay nga yan sayo."Sige wag mokong pansinin, aalis na ako, iiwan na kitang nawawala"
natigilan ako sa sinabi niya pero nag kibit balikat.Hindi problema sakin ang mawala! Makikita at makikita ko rin ang pesteng kwarto nayun!
"Sige ingat" walang pakealam na sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Sige aalis na ako, ingat a diyan ah, marami pa namang nag gagalang mga multo diyan"
agad na tumigil ako sa narinig ko at nilingon siya nang nanlalaki ang mata."Teka sasama ako sayo" tarantang sabi ko at tumakbo pabalik sakanya. Inirpan ko siya nang ngingisi siya sakin dahil nanalo siya. Babawi ako!
"Ngapala, nasaan nga pala si Braedon?" takang tanong ko habang naglalakad kaming dalawa.
Tahimik lang siya kaya parang nakakapanibago, kahit hindi ko siya palaging kasama ay alam kong maingay siya."diyan diyan lang"
tipid na sabi niya kaya hindi na ako nag tanong pa at nanahimik nalang hanggang sa makarating kami sa kwartong pinanggalingan ko kanina, agad akong pumasok at akmang isasara n asana ang pinto nang makita ko si Emrick na nakatingin sakin."Salamat" mahinang sabi ko, nakita ko ang pag silay ng ngiti sa labi niya, yung hindi nangaasar.
"Walang anuman" tumango ako at isasara n asana ulit ang pinto nang pigilan niya ito.
"Lock the door Umi, at wag na wag mong papapasukin si Braedon kapag kumatok siya" Agad na nangunot ang nook o at magsasalita n asana kaso bigla nalamang siyang nawala sa harap ko na parang bula.
-Nosferatu-
✘ R E A ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘