"Keiran is awake" napatigil ang kakulitang dumadaloy sa dugo ko ngayon nang marinig ang pangalan ng kapatid ko.
"Nasaan ang kapatid ko? Kumusta na siya?" Nagaalalang tanong ko at lumapit kay Emrick pero tahimik lang siya habang nakatitig kay Braedon kaya nilingon ko siya at nakitang nakatitig lang siya sakin.
Agad na nangunot ang noo ko "bakit hindi niyo ako sinasagot?"
Pero nanatili lang silang tahimik, nakatitig lang si Emrick kay Merick habang si Braedon naman ay sakin nakatingin.
Alam kong maganda ako pero wala naman sanang ganyanan kung kelan seryoso ako.
Napasimangot ako at akmang magsasalita nang naunahan ako ni Braedon
"Stay here Umi, and don't you dare leave this place" seryosong sabi niya at hinawakan ang balikat ko at pinaupo ako sa kama bago nilingon si Emrick at tinanguan."Let's go" naglakad na sila papuntang pinto pero bago pa man siya makalabas ay nilingon niya ulit ako "stay here" parang batang bilin niya sakin bago tuluyang lumabas at sinara ang pinto.
At dahil isa akong napakamasunuring mamamayang pilipino at pinalaking mabait ng magulang ko ay dali dali akong tumayo at sinundan sila.
Bumungad sakin ang madilim na kagaya ng sinaunang pader pagka labas ko ng pinto. Napalingon ako sa magkabilang dereksyon nang makarinig ako ng ingay sa kanan kaya dali dali akong tahimik na naglakad papunta da dereksyon kung saan ko naririnig ang ingay.
Agad akong nagtago sa isang sulok nang makita sina Braedon at Emrick na seryosong naguusap habang naglalakad.
"His kind is only sent to protect important creature" rinig kong sabi ni Emrick
"Umi is just a human so why is he with her?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang pangalan kong binanggit kasama ng with 'he'
Ba naman yan! Hindi ko alam na peymus na pala ako at pati ang mga bampira ay ako na ang topic!
"I don't know" tipid na sagot ni Emrick.
Katahimikan na ang sumunod kaya sinilip ko sila at nakitang patuloy lang silang naglalakad kaya mabilis akong tumakbo papunta sa susunod na sulok hindi kalayuan sakanila, kinakabahan ako sa ginagawa ko pero mas nangingibabaw ang curiousity na meron ako kaya sunod lang ako ng sunod sakanila hanggang sa tumigil sila sa isang pinto.
Dumikit ako sa gilid ng isang kabinet at tahimik na sumilip sakanila, lumingon sa paligid si Emrick kaya mabilis akong nagtago.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mga hakbang na papalit sa kinaroroonan ko.
Jusko wag naman po sana at baka gawin nila akong hapunan! Sabi na ngaba malas talaga ang ma curious sa mga bagay bagay. Eto yata ang magiging rason ng kamatayan ko!
"What are you doing Emrick?! Let's go" rinig kong sabi ni Braedon.
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang pabalik na yabag ni Emrick. Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago sumilip at nakita kong nakapasok na sila sa pintuan kung saan sila kanina tumigil.
Napatingin muna ako sa paligid bago lumapit sa pinto at akmang pipihitin iyon pabukas nang makita kong naliit iyong naka awang.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago dahan dahang tinulak ang pinto pabukas at sinalubong ako ng mahaba at napakadilim na hagdan.
Underground? Ang astig naman pala ng bahay ni Braedon! Pero ano kaya ang meron dito?
Dahan dahan akong naglakad pababa. Madilim kaya nahigpit ang kapit ko sa pader para hindi ako mahulog ng tuluyan.
Eto pala ang pakiramdam na maging bulag. Puros kadiliman lang ang meron. Swerte ko pala at mahal na mahala ako ni Papa God at hindi ako binigyan ng disability.
Matagal din ang hirap na dinanas ko nang makarinig ako ng mga boses na naguusap kaya napatigil ako pinakinggan ang sinasabi nila.
"What are you doing here little dark one?" Boses iyon ni Braedon at ramdam ko na hindi iyon kalayuan kaya bumaba pa ako ng ilang hakbang nang nang makakita ako ng ilaw sa kaliwa kaya sumilip ako doon.
Agad na nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig ko para pigilin ang sarili kong mapasinghap nang makita ang kapatid kong nakatayo sa loob ng malaking kulungan habang naka tayo sa harap niya sina Emrick at Braedon.
Sanay na ako sa seryosong mukha ng kapatid ko pero iba ngayon, mas lalong seryoso ang itsura niya at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang mata niyang malamig na nakatingin kay Braedon.
"I should be the one asking you that demon"
At sa isang kisap ko ng mata ko ay biglang nawala si Keiran sa loob ng kulungan.
"Where is he?!" Pagalit na sigaw ni Braedon.
"Hindi ko alam!" Tarantang sagot naman ni Emrick.
"Ate" napalingon ako nang marinig ang boses ni Keiran sa likod ko at laking gulat ko nang makita ko siya doon
Papanong?
Napalingon ulit ako pabalik sa loob ng kulungan pagkatapos ay binalik ang tingin sa kapatid ko at napasinghap nang biglang nandilim ang paningin ko at nawalan ako ng ulirat.
-Nosferatu-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘