11

988 51 3
                                    

Pagod na napasalampak ako sa kama ko pagkarating ko sa bahay.

"Pagoood" anas ko habang dahan dahang napapapikit na ang mata ko dulot ng pagod. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog at hindi ko na naalala pang sarhan ang bintana ng kwarto ko at hinayaan ang malamig na hangin na dumaan doon.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang makarinig ako ng malakas na yabag at malalim na pag hinga ng kung ano. Hindi ko naman alam na kung dapat ko ba itong matawag na 'sino' dahil maihahantulad ko sa aso ang paraan ng pag hinga niya.

Simula nang makilala ko si Braedon ay hindi na ako nag dalawang isip na maniwala sa mga bagay na noon ay akala kong hanggang libro at t.v nalang. Pero nang gabing masaksihan ko mismo kung pano niya sipsipin ang babaeng iyon sa madilim na parte na malapit sa resraurant na kung saan ako naka trabaho ay naging aware na ako sa mga bagay na hindi kapani paniwala.

Mabilis ulit akong pumikit at nag kunwaring tulog nang maramdaman ko ang hininga niya sa tapat mismo ng mukha ko. Naramdaman ko ang ang amoy niya sakin at maya maya ay umungol ito ng malakas. Sa gulat ko ay hindi ko napagilan ang sarili kong mapabalikwas at mapatitig sa kung ano mang kasama ko ngayon sa kwarto ko.

Napasandig ako sa headboard ng kama ko habang nakatitig sa kadiliman ng kwarto ko dahil alam kong sa gitna ng dilim ay nandoon ang kung anong mang halimaw at nakatitig din pabalik sakin dahil rinig ko ang malalim niyang hininga.

"A-ano k-ka?!" Lakas loob kong sigaw sabi at kinapkap ang ilaw ng nightstand ko. Pero bago ko pa man mapa ilaw iyon ay mabilis na iyong tumilapon pagkatapos ng malakas na ungol at muntik pa akong tamaan kung hindi lang ako mabilis na nakaiwas.

Napababa ako sa kama ko at napasandig sa kabilang parte ng kwarto ko habang nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Hindi ko parin siya makita dahi

"N-nasaan ka?!" pakiramdam ko ay bulag ako dahil sa kadiliman ng paligid pero alam kong hindi pa naman dahil kitang kita ko ang sinag ng buwan sa labas na pumapasok sa bintaba ng kwarto ko.

Ilang segundong katahimikan muna ang nagdaan bago ako nakakita ng isang pares ng asul na mata sa dilim na masama ang titig sakin. Napalunok ako ng laway at mas napadikit pa ako lalo sa dingding nang marinig ko ang mabibigat nitong yabag.

Malakas na napahugot ako ng hininga nang tumapat ito sa ilalim ng sinag ng buwan at doon ko nakita ang isang halimaw na puno ng balahibo ang katawan. Triple ang laki ng katawan nito kumpara sa normal na tao kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at mabilis akong tumakbo papunta sa pinto.

"Ahhh!" Malakas na sigaw ko pagkatapos kong maramdaman ang pag matalik nitong kuko na sumugat sa likod ko bago ko pa man maabot ang pinto.

Napalunod ako sa sakit at hindi alam kung ano ang una kong gagawin. Ang hawakan ba ang likod ko o piliting maka takas mula sa halimaw na plano akong patayon ngayong gabi.

I took the risk and chose the second option. Pinilit ko ang sarili kong tumayo at tumakbo palayo sa halimaw na iyon. Malakas naman siyang umungol at lumapit sa kinaroroonan ko.

Napasigaw ako at pinag tatapon sakanya ang kung ano mang bagay na mahahawakan ko. Pero mas lalo lang yatang nadagdagan ang galit niya sakin dahil naramdaman ko nalang ang malakas na pag tilapon ko sa kung saan at pagkahulog ko sa malamig na pader.

Napaubo ako ng dugo at pinilit ang sarili kong bumangon pero parang namanhid na ata sa sakit ang katawan ko.

"Tulong" mahinang bulong ko sa hangin habang nilalabanan ang pag pikit ng mata ko. Ang nakakatakot na mukha ng halimaw nalamang ang huling nakita ko bago ako mawalan ng ulirat.

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon