4

1.3K 54 6
                                    

Kanina pa ako gising pero nanatiling naka upo lang sa kama habang naka titig lang sa bagay na nasa palad ko.

Black rose petal.

Nagulat ako kanina nang makita ko itong nakapatong sa nightstand ko katabi lang ng kama kung saan ako nakahiga.

Buong pagiingat ko itong hinaplos at pinag aralan kung totoo ba ito o kinulayan lang.

Mukhang ito talaga ang kulay niya. Pero saan naman to nanggaling? Sa pagkaka alam ko hindi totoo ang black rose. At kung meron man paniguradong walang ganito sa pilipinas.

Naputol ang pagiisip ko nang marinig ang pag katok ni Keiran sa pinto.

"Gumising ka na diyan at malelate ka nanaman" rinig kong sabi nito mula sa kabilang bahagi.

Nanghaba naman ang nguso ko nang marinig na hindi nanaman ako tinatawag na "ate" ng kapatid ko. Minsan lang yan mag ate kapag tinotopak.

Nag hanap muna ako ng pwede kong pagtaguan ng petal na nakita kom binuksan ko ang drawer na parte ng nightstand ko at agad na napangiti nang makita ang diary ko.

Dali dali ko itong kinuha at binuksan sa bahaging hindi ko pa nasusulatan.

April 14, 2016
At inipit doon ang black petal.

"Sinong kausap mo kagabi?" Napaangat ako mula sa pagkakayuko ko sa pagkain nang marinig ang tanong ng kapatid ko. Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko dahil punong puno ito ng pagkain.

"Huh?" Taas kila at puno ng pagtatakang tanong ko sakanya. Napaiwas naman siya ng tingin at pinag patuloy na ang pagkain.

"Wala. Narinig ko lang kasi kagabi na parang may kausap ka."

Napaisip naman ako sa sinabi niya at napasinghap nang bigla kong maalala ang nangyari kagabi.

Ang lalaking naka hoodie!
Nasa labas siya ng bintana ko kagabi dahil.. kinukuha daw niya ang bagay na sakanya?

Nothing. I'm just here to claim what's mine.

Ano naman kaya yun?

You'll fins out soon

"Umi" Agad akong napabalik sa realidad nang marinig ang sigaw ni Keiran. Napailing ako at tiningnan ako wrist watch ko at nakitang ilang minuto nalang ay late na ako.

"Hala! Kei! una na ako! Babye!" Tumango lang si keiran bilang sagot sa paalam ko habang nakasunod ang tingin sakin hanggang pag labas ko ng pinto. Nag behlat muna ako sakanya bago tuluyan kong masara ang pinto.

"Sis! Okay ka na ba talaga?" Pumikit muna ako at nagbilang hanggang sampo Para kalmahin ang sarili kong wag bulyawan si cheskabago nag mulat at sinagot siya.

"Pang ilang tanong mo na yan bakla?" nag titimping sabi ko habang nag papalipat lipat ang tingin sa dalawang notebook.

Andito kami sa canteen dahil lunch break na namin. Kanina pa paulit ulit na nag tatanong si Cheska sakin kunv okay lang ba ako at paulit ulit ko din siyang sinasagot na okay lang ako. Nakaka touch rin pero at the same time nakaka bwisit dahil hindi ako makapag focus sa pag copya ng mga notes na na miss ko nang maaga akong pinauwi kahapon.

"Gaga! Wag mokong i cheska ngayon! Baka may maka rinig!" Nag roll eyes lang ako at piniling hindi na sumagot dahil hahaba lang ang usapan namin ni bakla.

"Ngapala sis. Mamaya sama ka sakin ha? Invited tayo sa birthday ni fafa Denniz. Maraming gwaping dun!"
Tumango lang ako bilang pag sang ayon sa gusto niya. Hindi naman ako pwedeng umayaw dahil baka mapahamak lang ang bruhang to. Lagi pa naman tong lasing pag pumupunta sa party.

"Yey sis! i love you!" Masayang sabi nito at inakbayan pa ako.

His way of hugging me. Remember he's a gay? Ayaw niyang ma issue na kami. Though maraming kumakalat na kami.

Napabuntong hininga nalamang ako at pinag patuloy na ang pag susulat.

- Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon