5

1.3K 52 3
                                    

"Seryoso kang yan lang ang susuotin mo?" Nakangiwing tanong sakin ni Chester habang paulit ulit na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Or should i say 'Cheska' ?

Napatingin naman ako sa suot kong jeans at black t-shirt matched with black converse habang hinayaan ko namang naka lugay lang ang buhok ko dahil tinamad akong mag ayos.

"Wala namang masama sa ayos ko" kibit balikat na sagot ko at nauna nang mag lakad. Narinig ko naman ang patakbong yapak ni cheska at sumabay sakin.

"Seriously? Bruha! Party pupuntahan natin hindi burol!" Maarteng sabi nito at bahagya pang napataas ang boses kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Kung ayaw mo sa suot ko then ikaw nalang mag isa ang pumunta sa party na yun total ikaw lang naman ang may gustong pumunta dun" inis na sabi ko at akmang babalik sa bahay nang bigla niya akong hinila at inakbayan

"Joke lang yun bruha! Maganda ka parin kahit sako lang isuot mo" natatawang sabi nito at hinihila ako palakad habang ako naman ay sinusubukang kumawala sa akbay niya.

"Tngna mo bakla bitawan moko! Ang bigat ng braso mo!" Tinawanan lang ako ng bruha at mas hinigpitan pa ang pag akbay sakin.

Matangkad si Chester sa pagkakaalam ko 5'10 daw height niya habang ako naman ay kinaawaan pa ni God at binigyan ng height na 5'2 . Hindi naman kasi katangkaran ang sina mama at papa kaya hindi din ako blessed sa height. Pero sobrang blessed naman pag dating sa pamilya.

Maya maya ay dumating na kami sa bantayan ng jeep may nag aabang na doong isang jeep at sakto pang dalawa nalang ang kulang na pasahero kaya agad kaming nakaalis. marami din kaming nadaanang lugar bago nakarating sa bahay ng lalaking 'Denniz' raw ang pangalan kung saan nandoon naka held ang party.

"Wow" rinig kong bulong ni bakla sa tabi Habang manghang nakatitig sa bahay na pag mamayari daw ni Denniz.

I can't blame him/her. Pati ako ay namangha rin sa ganda ng bahay. Maganda at sobrang modern ng bahay. And glass is the material which is mostly the house made of.

"Tara" hinila ko na si bakla papasok dahil pinag titinginan na kami ng mga tao dito sa abas dahil mukha sigurong kaming tanga na naka ngangang naka titig sa bahay.

Malakas na tunog na music at pinag halong amoy ng alak at usok ng sigarilyo agad ang sumalubong samin. Sumiksik kami sa alon ng tao hanggang dumating kami sa kabilang dulo kung saan nandun ang bar counter. Agad akong hinila ni Cheska paupo sa isang upuan sa counter at agad na humingi ng alak.

"Ayoko" tanggi nang alukin ako ni Cheska ng isang baso ng alak. This is the 3rd time na inaya niya ako but still tumanggi parin ako. Not because i don't drink pero yung thought na malalasing ako at mag susuka at sasakit ang ulo ko kinabukasan all because of a damn liquor sounds stupid.

"Okay. Pero ilalagay ko lang dito in case you change your mind" nakangising sabi ji Cheska at nilagay ang baso hindi kalayuan sakin at nilibot ang tingin sa paligid.

"Kita mo ang lalaking papunta sa dereksyon natin?" Napaangat ako ng tingin at sinundan ng tingin ang tinuturo ni Cheska at nakita ko ang lalaking naka suot ng simpleng puting polo at pants na nag lalakad nga papunta sa dereksyon namin. Lahat ng taong nadadaanan niya ay pinapansin niya pero hindi makikitaan ng kayabangan ang aura niya. Friendly and all smiles lang.

"Siya si Denniz"
Saktong namang dumating sa pwesto namin si Denniz pagkatapos ng sinabi ni Cheska.

"Chester!" masayang sambit nito. tumayo naman si Chester at sinalubong si Denniz at nag manly hug sila na agad ikinataas ng kilay ko.

Ang landi ng bakla -_-.

"Thank you naman at nakarating ka! Sabi mo hindi ka pupunta" baka half pout na sabi mi Denniz. Namula naman ang mukha ni bakla at umiwas ng tingin para hindi makita nung isa ang epekto nito sakanya.

"Nag joke lang ako pre" muntik na akong matawa nang tumikhim muna si Cheska bago sumagot at hindi lang yon! Pinalalaki niya ang boses niya na hindi talaga bagay sa malandi niyang ugali! Nakatanggap naman ako ng masamang tingin mula sakanya nang makita ang pag takip ko ng bibig para pigilan ang tawa ko.

"Wag kang mag joke ng ganon pre! Pero di bale masaya ako at nakarating ka" seryosong sabi ni Denniz ay titig na titig kay Cheska na hindi maka tingin at pati tenga ay parang pinakukuluan sa sobrang
pula

Ako lang ba nakaka amoy? Or may something amoy isda talaga sa dalawang to?

"Si Umi nga pala kaibigan ko" pagiiba ni Cheska sa usapan kaya napalingon sakin si Denniz at mukhang doon lang niya yatang napansin na nandon ako base sa bahagyang pag pula ng pisngi niya.

"Hello Umi. Im Denniz feel at home okay? hope you enjoy here!" Napakamot muna ito sa batok niya bago inabot sakin ang kamay para sa isang handshake. Natawa naman ako at inabot ang kamay ko. Natigil ang akmang sasabihin ko nang may isang lalaking bigla nalamang sumingit.

"Hi bro! Oh who's this gorgeous girl?" nakangising sabi nito at sinuyod ako ng tingin mula uli hanggang paa.

Seryoso?! Ano bang problema ng mga tao ngayon at trip akong tingnan mula ulo hanggang paa?

" Wayne. This is Umi and Chester my friends. And Umi, Chester. Meet Wayne my best friend" pagpapakilala ni Denniz samin. Saglit lang nitong tinapunan ng tingin si Chester at binalik ulit ang tingin sakin.

"Hi Umi nice name" palihim na napaikot ko ang mata nang mapansin ang kalandian sa boses niya.

"Umi hiramin ko muna saglit si Chester" paalam ni Denniz at bago pa ako maka sagot ay iniwan na nila ako kasama ang lalaking to na malaki ang ngising naka tingin sakin.

"I guess your stuck with me now"
So fuckin great

-Nosferatu-

R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon