10

1K 46 3
                                    

Dali dali kong niligpit ang gamit ko pagka sabing pagka sabi ng prof namin na dismissed na kami. Lunes ngayon at meron akong trabaho sa restaurant mamaya. MWF kasi ang araw ng shift ko mula 6-9 ng gabi.

"Sht" mahinang mura ko nang mapatingin ako sa wall clock ng classroom namin at nakitang kinse minutos nalang ay shift ko na kaya dali dali na akong tumakbo palabas.
Hindi naman ako nahirapang makasakay dahil may nag aabang ng jeep sa harap ng school namin at tamang tama pa na isang pasahero nalang ang kulang kaya agad na lumarga ang jeep pagkasakay ko.

Laking pasalamat ko ng makarating ako sa tapat ng restaurant tatlong minuto bago ang shift ko.

Salamat naman at hindi ako late ngayon. Kung hindi bawas nanaman sa sahod ko yun.

Dumaan ako sa backdoor na daanan ng mga staffs ng restaurant. Napasilip muna ako sa mga costumers at nakitang medyo marami rami sila kaya alam kong pagod akong uuwi ng bahay. Dumeretso na ako sa quarter namin at dali daling nagpalit ng damit at nagsimula nang tumulong sa mga kasama ko.

"Umi pakitapon nalang ng basura then pwede ka ng makauwi" napamulat ako ng mata at agad na tumayo para sundin ang inutos sakin ng head ng restaurant. Kakatapos lang ng shift ko at umupo muna ako saglit dahil sa pagod mula sa 4 na oras na walang upo.

"Yes ma'am" magalang na sagot ko at kinuha na ang mga basura at lumabas para itapon ito sa malalaking trash can.

"Pagoood!" Mahinang sabi ko at napapikit pa ng mapahikab habang umiinat inat. Saktong pag mulat ko ng mata ay dumapo ang tingin ko sa parte kung saan ko unang nakita si Braedon.

Sino ba mag aakalang ang lalaking sobrang nakakatakot at mamatay tao ay isang napaka gwapong lalaki pala sa likod ng hoodie niyang iyon.

Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sarili kong mapangiti ng maalala ang nangyari nung kelan sa library.

Kinikilig ba ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Oo kinikilig ako sa mga idol kong love team pero iba ang nararamdaman ko ngayon.

Napahawak ako sa labi ko habang inaalala kung pano nag tagpo ang labi namin nung araw na yun.

"YUMI OKAY KA LANG BA?" Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ng isa sa mga kasamahan ko sa restuarant. Napalingon ako dito at nakita sitang nagtatakang nakasilip sakin mula sa loob ng pinto.

Hala! ?mukha siguro akong tanga na nakapikit at nakangiti sa sarili ko habang magisa sa kawalan.

Napatayo naman ako ng tuwid at tumikhim pa bago ngumiti ng malapad at nag approve sign.

"Okay lang ako!" Sabi ko sakanya. Binigyan niya naman ako ng nagdududang tingin pero nginitian ko lang siya kaya tumango lang siya at inaya na akong pumasok.

"okay lang talaga ako" mahinang sambit ko at napatitig ulit sa espasyong kanina ko pa tinitigan nang makaramdam ako na para bang may nakatingin sakin.

putcha wala sa plano kong maging special menu for dinner ulit ako ng kung sino man ngayong gabi!

Piping sabi ko sa isip at lakad takbo na bumalik sa loob ng restaurant.

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon