20

1.6K 62 14
                                    

"Mabuti naman at gising ka na" rinig kong sabi ng kung sino pagka mulat na pagka mulat ko ng mata, nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita si Emrick na nakaupo sa gilid ng kamang kinahihigaan ko.

Agad kong nasapo ang noo ko nang maramdaman ang malakas na pag kirot
niyon

"Anong nangyari?" takang tanong ko kay Emrick na mabilis akong dinaluhan at tinulungang umupo.

Ilang alak ba ang tinira ko kagabi ang ganito kasakit ang ulo? Nakipag tagay ba ako sa bigo at parang mawawasak ang ulo ko sa sakit?

"Wala kang maalala?" gulat na tanong sakin ni Emrick nang humarap pagkatapos kunin ang kung ano sa likod niya, agad niya itong nilapat sa noo ko at naramdaman kong cold compress iyon.

Dahan dahan akong umiling dahil nakangiwi lang ako sa sakit ng ulo ko.
Narinig ko ang malalim na pag pakawala ni Emrick ng hininga bago sumagot

"I told you to lock the door and don't let anyone enter especially Braedon, pero congrats hindi ka manlang nag dalawang isip na pag buksan siya nang kumatok"

"aray!" reklamo ko nang diinan ni Emrick ang compress sa noo ko na para bang gigil na gigil.

Agad na bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi, ang pagpasok ni Braedon sa kwarto, ang mapupula niyang mata. Infairness para siyang naka hithit kagabi.

"Nakalimutan ko kasi, sorry naman"

"And seriously? Head bumping Braedon? Such a very brilliant idea Bonaventura" napanguso ako sa sarcasm na nasa boses ni Emrick, kelangan pa ba talaga niyang ipaalala sakin ang nangyari kagabi?

"Well let me just remind you na ikaw nag tanong kung anong nangyari kagabi" asar na sabi ni Emrick at mas diniinan ulit ang compress sa noo ko. Mabilis ko siyang sinampal sa mukha at inagaw ang cold compress sa kamay niya at ako nalamang ang nag lagay niyon sa sarili kong noo.

Katangahan nganaman ang ginawa kong pag untog ng ulo ko kay Braedon per effective naman diba? Nakawala ako mula sakanya, hindi niya tinuloy kung ano mang masamang balak na binalak niya sakin kagabe! Wala akong dapat na ikahiya o ipagsisi man sa ginawa ko.

"Ang sama mo talaga Umi! Sabi wag ang gwapo kong mukha!" inis na inis na sabi ni Emrick habang may hawak na isang maliit na mirror at sinisipat doon ang kanyang mukha.

Napangiwi ako habang nakatingin sakanya na parang namatayan, sa pagkakaalam ko walang repleksyon ang mga Bampira?

"Well your right" rinig kong sabi ni Emrick bago binaba ang mirror na hawak at tiningnan ako bago ngumisi.

"But the thing is, I'm not a vampire"

Nakatitig lang ako sakanya nang marinig ang sinabi niya, oo nga, hindi ko nakitang pumula ang mata niya kagaya ng nangyayari kay Braedon.

"Kung hindi bakit kaya mong basahin ang isip ko kagaya ng mga bampira?" takang tanong ko sakanya na ikinangisi niya.

"Because I have the power to do so"
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya, ano pa bang klaseng nilalang ang makikilala at malalaman kong nag eexist pala? Bakit ba kasi hindi ako nagka enteres sakanila nung bata ako, wala tuloy akong ka ideya ideya ngayon.

"I'm a sorcerer dear" pag sagot niya sa mga katanungan nasa isip.
Nakatitig lang ako sakanya at inantay kung dudugtungan pa ba niya ang sasabihin niya pero nakatingin lang din siya sakin at hinihintay ang reaction ko.

"U-uhm, sorry pero ano yun?" takang tanong ko na ikinalaki ng mata niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Saang planeta ka galing at hindi mo alam ang mga kagaya namin?! Nakikinig ka ba sa teacher mo?" asar na sabi niya at para bang sobrang nainsulto sa sinabi ko.

Napangiwi ako sa kinamot ang noo ko pero agad ding ngumiwi nang masagi ko ang bandang kumikirot.

"Hindi naman kasi ako interesado noon sa inyo, akala ko kasi hindi kayo nag eexist! At saka hindi naman kayo ni nilelecture samin ng teacher namin."

Binigyan niya ako ng masamang tingin pero maya maya ay bumuntong hininga rin nang mapansing seryoso ako sa sinabi ko.

"Sorcerer is a witch, but I'm a warlock because lalaki ako. At alam kong nagtataka ka kung ano ang warlock kaya sasabihin ko na, warlock is a male version of witch"

Agad na tumikwas ang isang kilay ko nang marinig ang sinabi niya, lalaking version siya ng witch? Then bakit hindi siya pangit? Bakit sobrang kinis ng mukha niya hindi kagaya ng mga witch na nakikita ko sa t.v, at bakit ang ganda ng buhok niya? Tinalo pa ang buhok ko, hindi kagaya ng mga witch na sobrang gulo at makokompara na sa walis tingting!

"I can read you mind" pagpapaalala niya sakin kaya agad kong tinigilan ang iniisip ko.

"Nasaan nga pala si Braedon?"

"The last time you asked me that question may masamang nangyari sayo, kaya hindi ko sasagutin ang tanong na yan" walang pakealam na sabi niya at nag buklat ng isang libro.

Akmang ibubuka ko ang labi ko para mag salita nang biglang lumindol kasabay ng malakas na ungol.

"Stay here, and no matter what wag kang aalis dito. Wag na wag kang aalis ditto Umi" bilin niya sakin at mabilis na lumabas ng pinto.

Kinakabahang nakasunod lang ang tingin ko sakanya at napayakap sa unan nang mas lalong lumakas ang ingay.

Hindi maganda ang kutob ko dito lalo na at pakiramdamn ko ay hinihila ako ng kung ano papunta sa pinanggagalingan ng tunog.

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon