Kanina pa akong hindi mapakali na pabalik-balik lang na naglalakad sa buong kwarto, honestly nahihilo na ako sa ginagawa ko pero natataranta talaga ako dahil simula nang iwan ako ni Emrick dito ay hindi na tumigil and sigawan at malakas na pag-ungol sa labas na naririnig ko, paminsan-minsan rin ay parang masisira ang buong kabahayan sa lakas ng kung ano mang tumitilapon sa labas.
Hindi ko maintindihan bakit pakiramdam ko ay hinihila ako palapit ng halimaw o kung ano mang nilalang ang nasa labas, pakiramdam ko sa tuwing ito ay gumagawa ng ingay ay lumalakas ang pintig ng puso ko. Siguro sa kaba? Swerte naman ng halimaw, aside kay Braedon siya palang ang nakapag-pabilis ng pintig ng puso ko kagaya ngayon.
Ilang segundo pa ang lumipas nang tumigil na ang mga ingay na naririnig ko sa loob kaya dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at pinihit ito pabukas tsaka sumilip sa labas. "Oh my" napatutop ako ng bibig nang makita ang dating maganda ang malinis na lugar ay parang dinaanan ng delubyo sa sobrang kalat. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at patingkayad na tinahak ang daan para maiwasang masugat ang sakong ko mula sa bubog na nag-kalat mula sa mga marmol na nabasag. Napatigil ako nang marinig ang boses ni Emrick, sumilip ako mula sa sulok na kung saan ako at nagimbal sa eksenang kasalukuyan na nangyayari.
Pakiramdam ko ay parang nilukos ang puso ko nang makitang duguan at walang malay si Braedon sa sahig. Muntik na akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya ngunit nilingon ako ni Emrick at umiling.
"bono malum superate" hindi ko maintindihan ang sinisigaw ni Emrick dahil ibang lengwahe iyon pero nagsimulang umilaw puti ang kanyang dating asul na mata. Nagkaroon din ng parang puting bilog na pumaikot sa sahig kung saan ang katawan ni Braedon na may iba't ibang simbolo na nakaukit. " esto quod es" dagdag niya. "bono malum superate, esto quod es" Nagulat ako nang biglang mag mulat ng mata si Braedon. Hindi na iyon kagaya ng kulay ginto niyang mga mata dahil ngayon ito ay kulay pula na!
"bono malum superate, esto quod es" patuloy parin na sabi ni Emrick habang si Braedon naman ay tinakpan ang tenga. Napasinghap ako nang bigla itong umungol nang malakas sanhi upang yumanig ng kaunti ang paligid.
"Ibig sabihin siya ang halimaw na naririnig ko kanina mula sa kwarto?" Parang binuhusan ako ng tubig sa napag-tanto ko. Lalong lalo na nang nakita ko ang unti-unting pag tubo ng itim na sungay sa kanyang ulo. "bono malum superate, esto quod es" malakas na sigaw ni Emrick at kinumpas ang kamay sa ere, pagkatapos niyon ay lumakas ang hangin sa paligid at parang may puting bilog na pumaikot sa katawan ni Braedon.
"bono malum superate, esto quod es" Biglang natumba si Braedon kaya tumigil sa pag sasalita si Emrick.
Pakiramdam ko ay nanayo ang balahibo ko sa buong katawan nang marinig ko ang nakakatakot na tawa ni Braedon. Mahina lang iyon pero sobrang nakakatakot, yung tipong bakas sa kalooban. Hindi iyon ang normal na boses ni Braedon dahil parang pinag-halong ilang malalim na boses ang sabay-sabay na tumawa.
Dahan dahan siya bumangon mula sa pagkakahiga. Parang slow motion ang pag tayo niya lalong lalo na ang pag angat niya ng kanyang ulo. Ang kaninag pula niyang mata ay napalitan na ng itim na nag bigay ng tiyak na kamatayan kumpara sa dati niyang anyo, mayroon ding dalawang itim na sungay sa tumubo sa kanyang ulo. Tumawa siya ulit habang nasusuya ang tinging pinukol kay Emrick "You can't suppress me warlock, infirmum rogare te" tinaas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap ay nawala na ang bilog na pumaikot sakanya at mabilis na sinakal si Emrick.
"No one can stop me now" Sabay halakhak niya. No, hindi siya yan. Dahil pwede konang maihahantulad sa Demonyo ang sitwasyon niyangayon. Dahan dahan niyang inangat si Emrick mula sa lupa habang sinasakal at doon ko naramdaman na napaka walang kwenta ko pala dahil wala manlang akong ginawa para tumulong kaya mabilis akong naghanap ng pwedeng magamit laban sakanya. Nakakita ako ng matulis na bagay mula sa mga kagamitang nabasag at dahan-dahang lumapit sa likurang banda ni Braedon. Agad naman akong nakita ni Emrick at sini-senyasang wag gawin ang pinaplano ko "aaccck" nawawalan na ng kulay ang itsura ni Emrick at kitang-kita narin ang ugat niya sa leeg at noo marahil sa lakas ng pagkakasakal sakanya kaya hindi na ako nag dalawang isip na saksakin ang likod ni Braedon.