7

1.2K 49 4
                                    

Muli akong napaungol nang namramdaman ko nanaman ang pagkirot ng ulo at agad akong napatakbo sa c.r nang maramdaman ang pag baligtad ng sikmura ko.

Hapo hapo akong nag susuka nang may maramdaman akong may mahinang tinatapik ako likod kaya nilingon ko ito saglit at nakita si Keiran na may bahid ng pag-aalala sa mukha.

Napangiti naman ako sa sayang naramdaman ko dahil tao parin pala ang kapatid ko at marunong parin magpakita ng emosyon.

"Disguting" agad akong napanguso nang makita ang lukot lukot na itsura niya habang nakatakip sa ilong at pinapaypayan ang mukha.

"Ang arte mo naman!" Inis na sabi ko at nag mugmog ng bibig. Medyo gumaan narin ang pakiramdam ko matapos halos isuka ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko.

"Naghanda na ako ng pagkain. Sumunod ka nalang" walang emosyong sabi nito at deretsong lumabas ng c.r habang nakatakip ang kamay sa ilong.

Mabaho ba talaga?

Bumuga ako ng hininga sa dalawang palad ko at agad na nalukot ang mukha ng maamoy ang hininga ko.

" fck! Ang baho!" Diring sabi ko kaya napagdesisyunan ko nang maligo dahil maya maya ay malelate ako sa school.

Pagkatapos kong maligo at mag mugmog ng bonggang bongga ay nagsuot na ako ng uniform at nagsuklay ng buhok. Nag pulbo din ako ng konti at lipbalm para hindi naman masyadong haggard tingnan ang itsura ko at agad nang lumabas ng kwarto.

"Ang tagal mo" kunot noong bungad sakin ni Keiran na naka upo sa hapag kainan at naka dekwatro.

"Sorry naman! You know! Girls" inirapan lang ako nito at nagsimula nang kumain. Patagong inirapan ko rin siya at umupo na.

"I saw that" masama ang tinging pinukol ako ni Keiran. Ngumiti lang naman ako ng malaki at nag peace sign bago nagsimula nang kumain.

Ako ang ate saaming dalawa ni Keiran pero pagdating sa paguugali ay mas mature si Keiran. Siya lagi ang sumisita sakin at nanenermon kapag may ginagawa akong mali. Hindi ko naman siya masermonan dahil wala naman siyang ginagawang masama. As in wala.

"Ngapala Kei! Sino nag hatid sakin pauwi?" Takang tanong ko habang sumusubo ng hotdog.

"Idk" simpleng sagot ni Keiran habang hindi tumitigil sa pag subo. Kawawang bata gutom na gutom na talaga.

Napatigil naman ako sa pagkain at kunot noong tinitigan siya.

"Anong idk?" Inis na napatigil sa pagkain si Keiran at masama akong tiningnan. Patay!

"i told you idk. Narinig nalang kitang sumusuka kanina. I don't even know how did you got home"

Napaisip ako sa sinabi ni Keiran. Ang huli ko lang naalala kagabi ay naglalakad ako magisa sa labas ng bahay nina Denniz kasi nakita ko silang gumagawa ng himala! Kaya nauna na akong umuwi. Yun lang?

Napailing nalamang ako at pinagpatuloy na ang pagkain para makaalis na agad ako papuntang school.

Pagdating ko ng school ay agad kong nakita si Cheska na hinihintay ako sa gate ng school namin kaya agad ko siyang nilapitan at sinapok.

"Aray gaga! Welcome din ha kasi hinintay kita dito kahit late ka na!" Inis na sabi nito habang hinihimas ang batok.

"Eh ikaw kasi ang landi mo! Kinalimutan mo na ako kagabi at nakipag twerk it like miley ka deretso kay Denniz!" Agad namang namula ng bongga ang gaga at umiwas ng tingin.

"P-pano mo n-nalaman?" Utal na tanong nito habang hindi maka tingin.

Nanlaki naman ng sobrang ang mata ko at napanganga

"Naghahanap ako ng c.r ! Tapos pagbukas ko ng pinto nakita ko kayong naghahalikan! Halikan lang nakita ko gaga! Ikaw nagpahuli na nag harlem shake kayo!" Agad na tinakpan ni Cheska ang bibig ko nang medyo napalakas ang pag sabi ko kaya napalingon ang ibang students saamin.

"Gaga ka! Kwento ko mamaya! Tara late na tayo!"

Ay gago! Kwekwentuhan pa raw ako?! -_-

Hindi na ako nakasagot dahil bigla nang ng ring ang bell kaya hinila ako patakbo ni cheska.

-Nosferatu-

R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon