3

1.4K 53 1
                                    

"Wake up" rinig kong bulong ng malamig na hangin sa tenga ko na nanuot pa sa balat ko at kinatayo ng mga balahibo ko sa batok. Napamulat ako at sinalubong ng kadiliman at doon ko napag tantong gabi pa pala.

Dahan dahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama ko at tinitigan lang ang talampakan ko. Nakatitig lang ako dito habang hindi alam kung ano ang iisipin.

"Bakit ako bumangon?" Kung sa ibang pagkakataon ay ipipikit ko lang ulit ang mata ko at babalik sa pag tulog pero iba ngayon. Parang may kung anong nag sasabi sakin na gumising.

Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang pag hampas ng malamig na hangin mula sa likod ko. Kumunot ang noo ko nang malingunan ko at ito at makitang bukas pala ang bintana ng kwarto ko. Nilapitan ko ito at dumungaw sa Labas.

Sigurado akong sinarado ito ni Keiran kanina bago lumabas dahil narinig ko pa ang ingay ng pag sara niya ng bintana ko.

Pinag kibit balikat ko nalamang ang naisip at sinarado nalamang ulit ang bintana at akmang babalik na sana sa pagkakahiga nang maramdaman ko ulit ang pag hampas ng malakas na hangin saktong pagka talikod ko mula sa bintana.

Napalingon ako at agad na napataatras nang makitang naka tayo mula sa labas ng binatana ko ang lalaking naka hoodie.

Kahit na natatabunan ng hoodie ang mukha niya at hindi ko man kita ang mata niya ay siguradong sigurado ako dahil nararamdaman ko ang panunuot ng titig niya sa kalamnan ko.

Nakatayo lang ito doon at walang ginagawa habang ako naman ay parang hihimatayin na sa kabang nararamdaman ko. Panandalian kong nilibot ang paningin ko sa paligid at agad ding binalik sakanya nang wala akong makitang bagay na pwedeng gamitin pam protection sa sarili ko laban sakanya.

Napalunok ako at nag lakas ng loob na mag salita.

"Sino ka?" Dalawang salita lang pero pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang kilometro.

"Braedon" napahugot ako ng malalim na hininga nang marinig ulit ang boses niya. Napakalalim na puno ng lamig pero nag dulot ng init sa systema ko.

Agad kong nasaway ang sarili ko dahil sa kaharutang pumapasok sa isip ko.

"P-patayin mo na ba ako ngayon? Kaya ka nag pakita ulit dahil hindi mo natuloy ang ginawa mo 2 months ago?"

Mabilis ang pag tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya aa tanong ko. Yun lang naman kasi ang naisip kong rason para balik balikan niya pa ako.

"No" pakiramdam ko ay nabunutan ako ng bikig sa lalamunan at napanatag ng konti dahil sa sinabi niya. Sabagay kung papatayin niya ako ay dapat ginawa na niya kanina habang naka talikod ako sakanya.

"Then anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko nang mapag tanto ang sagot niya.

Hindi naman siguro ang virgin forest ko no? Nyay!

Narinig ko ang pag ngisi nito kaya napataas ang kilay ko.

"Soon"

"Huh?" Nakangangang tanong ko sakanya at lumapit ka ng konti dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Nothing. I'm just here to claim what's mine"

Kumunot ang noo ko at napatitig sa taas at nag isip kung ano ba ang pagaari ng lalaking to na nasaakin. Baka naman nung gabing kinagat niya ako ay-

Kinagat..

Agad akong napahawak sa parte ng leeg ko kung saan niya ako kinagat noon kasabay ng pag atras ko ng ilang distansiya mula sa kinaroroonan niya.

"Ano ka?"

Tanging tahimik na huni lang ng gabi ang maririnig dahil ilang saglit din siyang tahimik at hindi naka sagot.

"Vampire" kung sa ibang pagkakataon siguro ay humahagalpak na ako ng tawa pero iba ngayon eh. Naramdaman ko ang sakit ng kagat niya eh.

"Ano naman ang pag-aari mong nandito sakin? Parang wala naman akonh hiniram sayo nung gabing yun ah?" Sa isang pag kisap ko ng mata ay nawala siya sa harap ko.

Nasan siya?

Agad na nagsitayuan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ang malamig niyang hininga ng bumulong siya sa tenga ko mula sa likuran.

"You'll find out soon" mabilis akong lumingon pagkatapos niyang sabihin iyon pero tanging kadiliman lang ng gabi ang bumati sakin.

Ang bilis niya talagang gumalaw.

Napahikab ako at bigla nalamang inantok kaya nahiga na ako sa kama ko. Nakatitig lang ako sa bukas na bintana bago dahan dahang lumiit ang paningin ko dito dahil sa dahan dahang pag pikit ko at pag bigay sa antok na nararamdaman ko. Pero bago pa tuluyang mag sarado ang paningin ko ay nakita ko pa ang dahan dahang pag sarado ng bintana.

-Nosferatu-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon