Chapter # 3

264 12 0
                                    

Kim POV

       Wow. As in W.O.W. may POV pala ako dito author kala ko puro kai Capt. Galang lang. hahah

       Magkasama kami ngayon ni Kap. kasi magkatabi lang naman bahay namin. Kami ang huling binaba kasi kami yung medyo malayo at mabuti na yong magkasama kaming baba. Sigurado ako ma bo-bored na naman kami sa bahay nito. Hindi ako makakilos ng malaya pag nasa bahay kasi andun si Major. Gen., tsk3x.

       Yayain ko kaya si Kap mamaya at ang boong Team Victor  na mag-bar. heheh mabuti pa nga.

Me: "Kap. labas tayo mamaya. Bar tayo para ma-enjoy naman natin 'yong one week na pahinga. Kasi pag sa bahay sigurado ako sa kwarto lang ako tatambay. Para maka-punta din ako sa condo ko. Doon muna ako uuwi mamaya. heheh"

Capt. Ara: "Puro ka talaga kalukuhan Fajardo."  Sabay batok sa akin.

Me: "Makabatok ka naman Kap. at isa pa 'wag na 'wag mo ako matatawag na Fajardo baka madinig ka ni Major Gen. patay tayo jan, Kap. Dapat "Kim" lang, Kap. As in K.I.M." Baka kasi marinig ni papa sabihin niya wala kaming galang sa kanya. hahah Sabagay parati namang may GALANG si Kap. kaya nga Capt. Victonara Galang eh kasi maGALANG. Hahahah

Capt. Ara: "Anong tinatawa-tawa mo jan, Kim. Nasiraan ka naba ng Bait? Hahah"

Me: "Iniisip ko lang kung saang bar tayo mamaya para ma enjoy natin 'tong One week na pahinga sa mission." Hmmmm saan kaya magandang Bar mamaya. Ayssh mamaya na nga. "Sige Kap kita na lang tayo mamaya ako na bahala sa Team Victor. Tatawagan ko sila mamaya kung saan tayo magkikita. Bye" At pumasok na nga kami sa mga bahay namin.

Major Gen. Fajardo: "Ohh. Bakit ngayon ka lang. Kanina pa kayo n dismissed ni Gen. Bollick, ah."

Patay kang bata ka. I give him salute bago ako nagsalita. "Sa tabi lang po ng bahay, Sir. Kinakausap ko lang po si Kap para sa lakad namin mamaya." Maniwala ka naman sana sa akin minsan kasi hindi siya naniniwala. Iniisip niya tumatakas lang ako sa bahay para hindi namin mapag-usapan ang pag-alis ko sa Team. Matagal na siyang nag-paplano na paalisin ako sa Team kasi hindi daw tumataas rank ko dahil palagi na lang kaming naka-depende kay Kap. Eh sa ayoko umalis. Isa pa kaya nga 2nd Lt. na ako ngayon kasi sa mga mission na napagtagumpayan namin eh. Kainis lang.

Major Gen. Fajardo: "Saan naman kayo gagala? Siguradohin mong wala kayong gagawin kabulastugan. You remember last time may bar kayong pinasukan at nagkaroon ng gulo. Ayun sira2x lahat ng mga misa at upo-an dahil sa Team niyo."

Me: "Hindi naman kami 'yung na unang sumogod sa kanila eh. Binastos kasi nila 'yung babae at sinuntok 'yung BF niya na walang ka.laban2x. So inawat lang naman namin pero sinuntok naman nila si Sgt. Montalbo. Kaya ayun. For our protection din yun kasi may dala pala silang mga kutsilyo. Tsk3x"

Major Gen.: "So sumasagot kana ngayon? Kilala mo ba ang kausap mo, hah 2nd Lt. Kim Fajardo?" Ayan na naman po siya. OO ako na ang mababa ang posisyon. hahai

Mom: "Tama na yan. Ngayon nga lang natin makakasama yang anak mo kasi palaging nasa mission pero ikaw naman 'tong kung maka asta sa anak mo eh nasa Camp pa rin. Pwede ba kung nasa bahay umasta naman kayong Mag-ama na normal lang. Hindi yung parang nasa Camp pa rin. Tandaan niyo kayo lang dalawa ang nasa military 'wag niyo kaming isama jan."

            Ayun nagalit si mudra. Ito naman kasi si papa eh. Nasa bahay na nga pero parang nasa Camp pa rin kami kung makipag-usap sa akin. Ito ang kinakagalit ni mama kasi parang hindi na ako tinuturing ni papa na anak simula ng pumasok ako sa Military. hahai

Mom: "Sige anak pasok kana sa kwarto mo at magpahinga. Tawagin ka na lang ni Yaya Ems pag handa na ang dinner."

Me: "Ok ma. Pahinga na po ako. By the way ma, alis kami mamaya nila Ara at buong Team Victor."  Then I give salute to my father bago pumasok sa kwarto ko. Tahimik ni papa pag anjan si mama. hahah

           Nang makapasok ako sa kwarto nag bihis na ako at humiga sa malambot kong kama. Hay miss ko na tong malambot kong kama. At hindi ko na nakayanan at pumikit na ako.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Yehey!!!!!

Natapos ko din ang Chapter 3. Bwahahah. waley


Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now