Chapter #17

135 11 0
                                    

Tigs POV

Wow bago to hah. May POV na din ako. Heheh Thanks Author. Hindi ko na mahintay si Boss Batman o isa man sa mga kasamahan ko na magpakilala sa akin. I'm Mark Lewis Tigno same kami ni Kim na 2nd Lt. sa Team Victor.

Nandito pala kami sa Condo nila Ara at yung kaibigan niya. Ngayon lang namin nalaman na may condo pala si Boss. Wala man lang pasabi nakakatampo din to. Pagpasok namin sa Unit nila ng Friend niya pina-upo na lang kami ni Kim sa sala mag-antay lang daw kami na tawagin para mag-dinner. Masarap na naman kain namin ngayon kasi si Boss Batman ang nagluto. After 30mins tinawag na kami ni Kim kasi kakain na daw. Pagdating namin sa Kusina nabigla ako kasi andito pala 'yong lalaki na nakita namin kagabi sa Bar. Ano kaya ginagawa niya dito? Closed ba talaga sila ni Boss Batman? Mga tanong na gusto kong itanong kay Boss. Pero Naunahan na ako ni Kib magsalita.

Kib: "Hi Boss. Ang ganda pala nitong Condo mo. And sa hindi inaasahan nandito din ang lalaki na nakita natin sa Bar kagabi." Nag-aantay kami ng sagot ni Boss pero naunahan na siya ni Kim sumagot.

Kim: "Maganda talaga to kasi mahal. Hindi lang naman din to kay Ara eh. Kasama niya sa pag.bili nito ang kaibigan naming si Carol. All of you meet her already naman diba? And also nandito si Thomas kasi nakita siya ni Ara sa Parking area na binugbog na naman nila Cliff. Kaya tumahimik ka jan Kib. Wag kang gagawa nang kwento." Ah kaya pala andito siya. Sabagay may mga bagong pasa naman talaga sa mukha niya.

Mika: "Sige na guys umupo na kayo para matapos na tayong mag-dinner kasi may pag-uusapan pa tayo." After sabihin ni Mika yun umupo na kami lahat at nagsimula nang kumain. Nagsimula na kaming kumain nang biglang nagsalita si Kib.

Kib: "Ang sarap talaga nang luto mo Boss. Kaya kakain ako nang marami ngayon. Itong Afritada ang sarap. Akon a uubos nito. Paborito ko talaga to." At yun nga ang daming kinuha si Kib at nilantakan agad. Ang baboy talagang kumain nitong lalaking to. Kumuha na din ako nang paborito kong Adobo lalo na si Boss nag.luto. Pero biglang nagsalita si Boss.

Ara: "Nakakadisappoint ka naman Montalbo. Maraming beses ko nang hinahanda ang Afritada dapat alam mo kung anong lasa pag-ako ang nagluluto. Hindi naman ako nagluto niyan eh. Adobo ang niluto ko at yang ginisang shrimp. 'Wag kanang kumain nang Afritada ko kundi itatapon kita sa building nato." Hah hindi si Boss nagluto sa Afritada. Salamat naman at yong Adobo ang kinuha kong ulam. Hahah Patay ka ngayon Kib.

Kib: "Eh Boss kung hindi ikaw ang nagluto nito. Eh sino? Magkasing sarap lang talaga Boss. Promise. 'Wag kana magalit Boss kumuha din naman ako nang shrimp and Adobo eh. Ang sarap din talaga kita mo itong plate ko ang raming laman." Natatawa na lang kami sa itsura ni Kib. Hahah Nakakatawa talaga siya. Sino kaya nagluto niyang Afritada.

Ara: "Si Thomas nagluto niyang Afritada. Kung sabagay magkasing sarap talaga 'yan kasi ang recipe niyan ay galing sa Family nila. Hindi na ako magtataka kung alam din niyang lutuin yan. Ang nakakapagtataka lang eh. Nagluluto kana pala ngayon Thom?" Lahat naman kami nakatingin kay Thomas at hinihintay ang sagot niya.

Thomas: "Ah... Eh... Paano ba'to. Ganito kasi Ars. Marunong na akong magluto kasi kailangan kong matuto. Simula naka.graduate tayo sa College eh umalis na ako sa bahay. Si mama naman palagi bumibisita sa Unit ko kaya sabi niya iiwanan niya ang ibang recipe sa kusina para matuto na daw akong magluto. Para kung may bisita ako hindi daw puto delivery sa fastfood ang e.handa ko. Heheh" Wow lang. So magkaklase pala sila sa College ni Boss. Kasama sila Kim. Hindi naman siguro to manlliligaw ni Boss noong College noh. At paano nalaman ni Boss ang recipe ng Family ni Thomas?

Me: "Eh Boss paano mo naman nalaman na recipe ng Family ni Thomas ang Afritada na niluluto mo din? Closed ba kayo noong college? Nangligaw ba yang si Thomas sayo noon?" Gulat ang mababakas sa mukha nila kung titingnan mo. Kahit ako nagulat sa tanong ko. Pero hindi ko na mababawi ang sinabi ko. Si Kim ang agad nakabawi sa pagkagulat at siya na sumagot sa tanong ko.

Kim: "Graveh ka naman Tigno wala talagang preno sa tanong mo. Nakakabiglaka din minsan eh noh! Hindi nanligaw si Thom kay Ara noong College. Kaya closed si Ara sa Family ni Thom at alam niya ang recipe kasi naging Tutor ni Thomas si Ara. At minsan sa bahay nila Thom sila naglalagi pag walang pasok. Ito namang si Ara napalapit sa mama ni Thom kasi mahilig magluto yan diba. Eh mahilih magluto si Tita Jane kaya alam ni Ara ang ibang recipe niya." Ang haba nang sagot ni Kim. Si Kim ata abogado ni Ara eh. Bigla ding nagsalita si Carol.

Carol: "Walang manliligaw yang si Ara sa College. Takot na lang nila sa Papa niya. Hahah" Tama nga naman. Matatakot ka talaga kung alam mong ang papa ni Ara ay mataas ang position sa Military. Tsk3x. Kahit ako nga hindi pa naglakas nang loob na manligaw kay Boss. Huhuh Nagsalita naman agad si Boss.

Ara: "Tama nay an guyz. Kumain na lang kayo. May pag-uusapan pa tayo Team Victor. Nakakalimutan niyo ata ang pinunta niyo dito." Ma-awtoridad na pagkakasabi ni Boss. Pagkatapos magsalita ni Boss. Tahimik na kaming kumakain. Mga ilang minuto din tapos na kaming kumain. Nag-presinta na ang mga girls na sila na ang bahala sa pag-ligpit at sa hugasin. Kaming mga lalaki pinasama ni Kim sa isang room na ginawa daw talaga ni Boss sa mga ganitong okasyon.

******

Woooh. Natapos din. Heheh

OMG Guyz may Private account si idol at si B. Hindi naman ako against sa relationship nila idol eh. Pero wala na akong makikitang tweet ni idol. Wala na akong ma.like na bagong tweet niya. Huhuh

Nag-send na ako nang request kay idol sana naman e.accept niya. Hahah

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now