Chapter #15

157 8 0
                                    


Ara POV

Papunta na kami sa sala ngayon. Kailangan kong kumbinsihin ang dalawa na makipag-cooperate sa akin. Mahirap na baka malaman ng Team na sa akin ang Condo na ito. Na una akong umupo at sumunod naman sila Carol at Thomas sa akin. Tinitingnan ko si Kim sa Terrace na abala sa pag-tawag isa2x sa Team.

Me: "Carol, Thom kailangan namin ang tulong niyo. Hindi alam ng Team na unit ko ito. Wala silang alam na may unit ako dito. Pag-pupunta sila dito dapat ang malaman nila ay common unit natin to Carol. At ikaw Thomas dahil nakita kana nila sigurado ako magtatanong sila kung bakit nandito ka alam mo na ang dapat mong sabihin sa kanila 'yung totoo. Pero sa part na kanino itong Unit pag tinanong ka sabihin mo sa aming dalawa ni Carol. Maliwanag ba?" Hindi dapat malaman nila na akin to sigurado ako magtataka ang mga 'yon. Hindi pa time para sabihin sa kanila.

Carol: "Yun lang ba? Mabuti na lang may mga picture tayo dito kasama si Kim. Kung lahat solo mo patay talaga tayo. At may mga damit naman talaga ako sa isang kwato dito kaya hindi na halata. Pero bakit sila pupunta dito kung ayaw mo naman palang malaman na sa iyo ang Unit na ito?"

Thomas: "Tama si Carol, Ara. Kung ayaw mong malaman nila 'wag mo na lang silang papuntahin dito." Ays mahabang paliwanagan din ito sa kanila. Tsk

Me: "Kailangan naming magkita ngayon dito kasi wala nang oras para pumunta sa ibang lugar at kapag hindi namin napag-aralan ang mission ngayon patay kami bukas pag-nagtanong ang nakakataas sa amin at wala kaming masagot. Isa pa may pag-uusapan pa kami ni Carol kaya hindi ako pwedeng umalis dito. Importante din ang pag-uusapan namin." Nang tiningnan ko ang reaction ni Thomas parang nag-iisip pa siya. Sana wala na siyang tanong. Huhuh

Thomas: "Ok then. No problem, Ara. Pagkatapos ng Dinner pwede na naman akong pumunta sa Unit ko eh. Kailangan ko din tapusin ang report at presentation ko para sa quarter meeting." So maliban sa pag-bobolakbol may alam din tong Pagong nato sa mga reports. Hahah

Carol: "By the way Thom kailan mo naman ipapasa sa akin ang copy niyan? Kailangan ko din bigyan nang copy si Boss para mapag-aralan na niya in advance." Anong sinasabi ni Carol? Bakit sa VSG Company ba nagtatrabaho si Thomas? Wala naman siyang sinasabi sa akin ah. Matanong nga.

Me: "Anong ibig mong sabihin, Carol? Same kayo ni Thomas nang pinapasokang Company?" Sana hindi same nang iniisip ko ang sagot ni Carol.

Carol: "Hindi ko pa ba nasabi sayo, Ars? Parang sinabihan na kita last month ah. Kinalimutan mo na naman siguro?" Hah? Anong sinasabi ni carol.

Thomas: "Bakit naman kailangan mong sabihin sa kanya, Carol? May shares din ba ang mga Bolick sa VSG Company?" OMG! So sa VSG Company nga siya nagtatrabaho. Huhuh Bakit 'yun pa ang nakalimutan ko.

Carol: "Tama ka Thomas. May share nga ang Bolick Family sa VSG Company. Mas malaki pa sa shares ng pamilya mo. Heheh May 15% shares ang pamilya nila Ara sa VSG, Thom. Hindi ko din pala nasasabi sayo na minsan si Ara ang humaharap sa mga quarter meeting pag-inuutusan siya ng May-ari pag-busy ito at kapag walang mission si Ara."

Thomas POV

Me: "Ah kaya pala. Mas malaki din pala ang shares nila Ara sa VSG. At napag-uutusan pa talaga siya ng May-ari na humarap sa stockholders at board of Directors. Sa bagay matalino at magaling naman talaga si Ara. Hindi na nakakabigla." Kahit saan siya para rin ang nakakataas sa akin. Akala ko pagdating sa Corporate mas mataas na ako keysa sa kanya. Wala pa rin akong panama sa kanya. Kailan pa ba ako aangat? Kailan ko ba masasabi na may maibubuga naman ako kay Ara?

Ara: "Hindi naman sa ganon, Thom. Wala din talaga akong choice sa mga panahon na 'yon. Si mama na din ang naki-usap na tanggapin ko ang trabaho na binibigay ng May-ari para magamit ko din naman daw ang tinapos ko sa College. Alam mo naman si Mama nag-aalala lang 'yon. Ayaw niyang magtagal ako sa pagiging Sundalo. Gusto din niya na magtrabaho ako sa Office lang na walang action na mangyayari. Na hindi nalalagay sa panganib ang buhay ko."

Me: "Alam ko naman 'yon, Ars. Pero hindi na natin mababago na Matalino at Magaling ka talaga. Ikaw kaya maka-graduate sa College na Magna-cum laude. Malaking achievement 'yon at marami talagang Company na tatanggap sayo." Totoo naman ang sinasabi ko eh. Matalino at magaling talaga siya. Masyadong down to earth lang talaga si Ara. Sa madaling salita napaka-humble niya talaga. Sa maraming achievement na nakamit niya hindi niya pinagyayabang kahit kanino 'yon. Ako lang 'yong nag.cocompare sa sarili ko sa kanya. Bumalik lang ako sa realidad nang biglang nag-salita si Carol.

Carol: "Tama nayan guys. Oo magaling kana, Ars. Tama ka naman Thomas sa mga sinsabi mo tungkol kay Ara. Pero guys gutom na talaga ako eh. Kainin na natin 'yong Pizza. 'Wag kanang mag-alala, Ars. Best Actress kaya ako. Heheh Basta Thom hanggang bukas nang gabi lang dapat na sa akin na ang copy nang report mo hah. Kasi this Friday na ang Quarter Meeting. Sunday tayo ngayon." Nag-nod na lang ako kay Carol para matapos na ang usapan.

Ara: "Oh tara na sa kusina. Kainin niyo na 'yong Pizza. Malapit na sigurong matapos tawagan ni Kim ang Team." Pumunta naman kami sa Kusina at nadatnan nga namin si Kim na kumakain na.

Carol: "Grabe ka naman nega inunahan mo talaga kaming kainin ang nilibre mo hah. Magtira ka naman sa amin. Kanina ka pa ata kumakain diyan." Marami na nga atang nakain si Kim kasi sa isang Box ng Pizza apat na ang nakuha. Hahah

Kim: "Ang tagal niyo kasing mag-usap eh. Gutom na ako. Boss natawagan ko na lahat. Papunta na daw sila. 30 mins andito na lahat. Maghanda ka na lang daw ng dinner kasi hindi pa sila kumakain." So magluluto pa ng marami sa Ara. Mabuti pang tulungan ko na lang siya.

Me: "Sige tulungan na lang kita mag.handa, Ars para mabilis. Para pagdating nila kain na lang tayo at para makaalis na din ako."

At nagsimula na nga kami ni Ara na magluto. Habang ang dalawa ay abala sa pag-ubos ng Pizza na sila din ang may dala.

*****

Dahil ilang araw akong hindi nakapag-update ito pa ang isang Chapter. Heheh

Vote and comments naman guys para maramdaman kong may nagbabasa ba talaga nito. heheh

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now