Ken POV
Kaya pala ang bilis niyang na disassemble ang baril kasi sundalo pala sila. Palalampasin ko ang pagkakataon nato.
Me: "Ok palalampasin ko ang pagkakataon na ito. 'Wag na wag kayong lalapit sa GIRLFRIEND namin kundi hindi na ako magdadalawang isip na paputukin yang mga bungo ninyo. Lalo kana." At tinuro ko yung lalaking kalampungan ng girlfriend ni Cliff. Kung hindi ko lang iniisip ang kahihiyan pag nakulong ako hindi ko talaga palalampasin to. Nilapitan ko na lang ang girlfriend ko at nag.signal na ako kila Cliff na umalis na. Pero parang walang balak si Cliff na umalis at lumapit pa talaga sa lalaking kahalikan ng girlfriend niya.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Cliff. Sinuntok niya ng maraming beses yung lalaki.
Thomas POV
Akala ko susunod yung kasamahan nung Ken sa kanya na nag-ngangalang Cliff pero mas lumpait pa ito kay Josh at pinagsusuntok ito. Lumaban naman si Josh pero napatigil sila ng lumapit 'yung si Kim at ginamitan niya ng lakas para mapakalas ang dalawa. Ang lakas talaga ni Kim. Parang lalaki na talaga siyang kumilos. Pero hindi naming inaasahan ang sumunod na nangyari kasi sinuntok nong Cliff si Kim. Napatanga ako sa ginawa nong Cliff. Patay kang bata ka iba pa naman si Kim kung magalit. Ayan na lilingunin na ni Kim yong Cliff.
Kim: "Putik. Ang lakas naman ng loob mong suntukin ang gwapo kong mukha. Pinapatigil ko lang naman kayo ah. Gusto mo talaga atang makulong ngayon. Ok na nga sa leader niyong umalis eh. Pero ikaw nagmamatigas ka ata bata." At yun ang hudyat na sinuntok na nga ni Kim si Cliff. Sa lakas ba naming sumuntok ni Kim ayon naka-upo at parang hilo yung si Cliff. Lalapit pa sana 'yung ibang kasamahan nila Cliff kai Kim at mukhang makikipag-away talaga pero lumapit din ang Team nila Ara kai Kim para damayan ito. Hindi nga lang natuloy ng lumapit si Ken at siya pa ang napatigil sa mga kasamahan niya.
Ken: "Itigil niyo nayan walang magandang mangyayari kung init ng ulo ang papairalin natin at makipag-away sa grupo nila. Narinig niyo naman siguro kung anong Rank niyang tinatawag nilang Boss. Ayaw naman siguro nating matulog sa presento ngayong gabi. Isipin niyo na lang ang kahihiyan na makukuha ng pamilya natin. Hindi basta2x 'tong mga taong nakaharap natin." At humarap ito sa Team nila Ara. "Pagpasensiyahan niyo na, ako na ang humihingi nang pasensiya kahit labag sa loob ko. Aalis na kami pero sa susunod na makaharap pa namin ang grupo niyang pinagtatanggol niyo ngayon hindi ko na palalampasin pa." At umalis na nga sila Ken kasama ang mga kasama naming babae kanina.
Ang lalakas ng loob na pagbantaan kami ah. Akala naman niya takot ako sa pagbabanta niya. At tiningnan ko na ang Team ni Ara na ang sama ng tingin sa grupo ko.
Mika POV
Salamat Author nagka.POV din ako. Heheh Btw magpapakilala lang ako. Hindi pa kasi ako pinapakilala ni Boss Batman eh. Huhuh Pero ito na. Ako lang naman ang 2nd in command niya pag-wala siya kasi ako ang 2nd na mataas ang Rank sa Team Victor. I'm 1st Lt. Mika Aereen Reyes. Oh di ba. Kahit girly ako may kakayahan naman akong maging sundalo. Isa ako sa member ni Boss Batman sa Team Victor pag-wala siya ako lang naman ang sunod na susundin ng mga kasama namin. Mabalik na nga tayo sa nangyayari.
Kaloka si Boss Batman ngayon ko lang ito nakita na nakikisangkot sa away na may away ah. Ang alam ko hindi yan basta2x nakikisangkot lalo nat sa ganitong lugar. Pero ng marinig ko kanina mukhang kilala nga yan ang grupo ng mga lalaking pinagtatanggol niya.
Lahat ng attention ng Team Victor ngayon ay nasa grupo nong mga lalaki na kilala ni Boss. Sino kaya sa kanila ang closed ni Boss at kung makialam siya eh kahit buhay niya kaya niyang itaya. Baril 'yun hah pero walang takot niyang sinangga. Hindi naman ako takot eh kasi sa aming lahat siya pinakamabilis ang reflexes sa mga ganyanan. Nabigla naman ako ng pagalit na nagsalita si Boss.
Boss Batman: "Wala ka ba talagang magandang gagawin hah Thomas? Muntikan na kayo dun hah. Kung hindi pa ako nakialam baka patay na kayo ngayon. Kilalanin niyo din naman kasi 'yung mga babaeng sasamahan niyo. Hindi 'yung mga may sabit. Putik naman Thomas oh." Wahhh so Thomas pala pangalan nong lalaki na muntikan ng barilin. Siguro closed talaga sila ni Boss kasi kung titingnan mo mga mata ni Boss concern talaga siya kay Thomas. May naaamoy ako dito kay Boss ah. Hmmmm Nagsalita naman yung Thomas kay Boss na parang siya pa ang galit.
Thomas: "Bakit sinabi ko bang tulungan mo kami? Wala naman di ba? Epal mo kasi. Hindi kana nagbago. Nakikialam ka pa rin sa buhay ng ibang tao. Hindi dahil CAPTAIN kana eh makikialam kana agad. NagpapakaHERO ka naman agad. At wala kang karapatan na sabihan ako kung ano ang dapat kong gawin sa buhay." Ang lakas naman ng loob niyang sabihan ng ganoon si Boss. Kapal ng mukha. Hindi na ako nakapagtimpi kaya naki-epal na rin ako.
Me: "Hoy Thomas 'wag na 'wag mong pagsasalitaan ang Boss namin ng ganyan. Kayo na nga itong tinulongan kayo pa 'yung may ganang magalit. Kapal ng mukha niyo ah. Kung ako lang naman mabuti pang pinabayaan na naming kayo kanina. Mga Playboy kasi kaya ayan napapala niyo." At inirapan ko siya. Tumingin na lang ako kay Boss. "Boss mabuti pang iwan na natin sila umuwi na lang tayo. Pabayaan mo ang mga yan. Wala namang mga kwenta ang mga yan eh." Papaalis na sana ako sa pwesto nila ng may humawak ng kamay ko.
Guy3: "Hoy Miss makapag judge ka naman ng playboy. Bakit kilala mo ba kami hah? Sayang maganda ka pa naman. Pwedeng tayo na lang? By the way I'm Jeron." Kapal ng face nito ah.
Me: "Wala akong paki. At pwede ba bitiwan mo ang kamay ko. Kadiri to. And don't call me Miss I'm a 1st Lieutenant. Walang basta2x humahawak sa akin. Maliwanag. Bitaw!!" Kainis to kala mo gwapo. Hmmmmp. Pero gwapo naman talaga siya kaso sa isang tingin palang masasabi ng PLAYBOY talaga siya.
Jeron: "Wow. Sorry 1st Lieutenant.Bagay ata tayo. Ano name mo Boss?" Lalapit pa sana siya pero hinila na ako ni Kim. Anong problema ng babaeng to.
Kim: "Halika na Mika. Alis na tayo. Sila na nga itong tinulongan sila pa ang galit. Sa susunod Boss 'wag mo ng tulungan 'yang si Thomas. Hay nako Thomas hindi kana nag bago ang taas pa rin ng PRIDE mo. Kahit SORRY lang hindi mo magawa. Kung hindi lang kita kilala matagal na kitang sinapak. Nakakainit ka ng dugo." At tumingin na it okay Boss. "Boss tara na wala kang mapapala sa taong... "minahal mo ang taas pa rin ng PRIDE kahit Thank You at Sorry hindi magawa." Pabulong na sinabi ni Kim pero nadinig ko naman kasi ako malapit sa kanya. Kaya pala concern si Boss sa kanya. Ito pala 'yung sinasabi ni Kim na minahal ni Boss pero ang taas ng Pride.
Nagpahila naman si Boss kay Kim. Binayaran na nila Kib at Andrei ang mga na order naming bago kami umalis sa lugar na 'yun at inaayos ang gulo na ginawa ng grupo nila Thomas at ni Ken na hindi na dapat umabot sa mga Police. Mabuti na lang napapyag nila ang Manager na hindi na e.paalam sa mga Police basta hindi na daw mauulit ang nangyari. Napagpasyahan ng TEAM na sa Condo na lang ni Kim matutulog ngayon. Malaki naman ang Condo ni Kim kaya Ok lang doon kami lahat. Makakatulog na din kami ng mahimbing ngayon.
******
Author's Note:
Thanks God nakatapos ulit ng isang Chapter.
Mataas po siya ngayon kasi naguguluhan ako kung paano tatapusin ang Chapter nato. hahah
Please Vote and comment lang po. Open po ako sa suggestion niyo. Heheh
Thanks
YOU ARE READING
Pride (ThomAra)
FanficAn Ara Galang and Thomas Torres Story including the other popular athletes ThomAra Fanfiction