Capt. Herons POV
May POV na rin ako. Pero kilala niyo na ako no need na introduction ko kasi nasa panganib kami. Sa susunod ko na lang na POV. Heheh
Dahil sa tawag na natanggap ko galing kay Major General Fajardo. Nag-on agad ako sa earpiece na ginagamit namin.
Me: "Team Maharlika, Ilikas niyo lahat nang tao na nasa bahay na ito. Kami na ang bahala ni Mocking bird kay Mrs. Bolick. Sa likod na tayo dumaan at andoon ang mga sasakyan for emergency." Naglalakad na ako papuntang kusina kasi alam kong andoon si Mrs. Bolick.
Pagdating ko sa kusina ay nandoon na si Mocking bird. At kita sa reaksyon ni Mrs. Bolick. Nasabihan na ata siya ni Mockingbird kung anong nangyayari. Pinulot ko na lang ang bag ni Mrs. Bolick na nasa misa malapit sa akin.
Mockingbird: "Capt. Herons, I told her already." Tumango na lang ako sa kanya.
Me: "Tara na Mrs. Bolick hindi nila tayo dapat maabutan dito." Nagsalita naman si Hawks.
Hawks: "Capt. Herons, Nalock ko na po ang gate at ang pintuan dito sa entrance. Papunta na ako sa likod kung saan naroon na ang iba."
Me: "Ok kita na lang tayo doon. Paalis na din kami kasama ang mga ibang katulong." Tumingin naman ako sa mga katulong na kita sa mukha ang takot. Pinauna ko na si Mockingbird na sinusundan naman nang 3 katulong nan aka-assigned sa kusina. Nasa unahan ko si Mrs. Bolick na hindi pa rin nawawala ang pagkabigla at takot na nararamdaman. "Mrs. Bolick, huwag po kayong mag-alala hanggat andito kami walang mangyayaring masama sa inyo. Tinawagan na din ni Major General Fajardo si General Bolick."
Nakarating na din kami sa likod nang bahay kung saan ang emergency door na hinanda ni General Bolick. Nasa driver sit na din si Sapsucker at sa kabila naman ay ang private driver ni Mrs. Bolick na si Mang Art.
Me: "Mang Art, wala pong sasama sa inyo na Team Maharlika para hindi kayo habulin. At huwag po kayong magpahalata na natataranta kayo. Huwag niyong bilisan ang pagpapatagbo. Patakbuhin niyo lang nang dahan2x na para kayong namamasyal. Maliwanag po ba, Manong Art?" Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon. Pina-una namin sila at sa kaliwang daan na din namin pinadaan. Sumakay na din kami sa sasakyang gagamitin namin. Dalawa ang sasakyan na gagamitin namin para hindi kami mahirapan. Kasama ni Mrs. Bolick sa isang sasakyan ay ako, si Mockingbird at si Hawks. Sa kabilang sasakyan ay sina Raven at Sapsucker. Pagkalabas namin ay pinaharorot na ni Hawks ang sasakyan at nasa likuran lang namin sila Raven. Pero hindi pa kami nakakalayo ay may narinig na kaming pagsabog sa may bahay nila General. Siguradong sila na yon. Kailangan na naming mailayo si Mrs. Bolick dito.
Me: "Hawks, bilisan mo pa ang pagpapatakbo. Ayokong dito tayo abutan nang mga armadong yon. Maraming mapapahamak. Raven sumunod lang kayo sa bilis nang takbo namin. Dapat hindi nila tayo masundan. Pupunta tayo sa Safe House kung saan sila General at Capt. Batman. Maliwanag?"
All in unison: "Sir, Yes sir."
Sana hindi kami maabutan at sana hindi nakita sila Manong Art. Dalawang private guard lang kasama nila at marami sa kanila mga katulong na babae. Malapit pa naman sa pamilya Bolick ang mga katulong nila. Para na nilang tinuring na pamilya ang mga ito. Sa kakaisip ko ay biglang nagsalita si Mrs. Bolick.
Mrs. Bolick: "Mockingbird, tawagan mo nga sila Manang Fe o di kaya si Mang Greg. Nag-aalala na ako sa kanila baka sila ang naabutan." Kita sa mukha ni Mrs. Bolick ang pag-aalala at ang mga kamay niya ay nanginginig kaya siguro gusto niyang si Mockingbird na lang ang tumawag.
Mockingbird: "Sige po Mrs. Bolick tatawagan ko nap o sila. Huwag na po kayong mag-alala. Siguradong nasa mabuting kalagayan sila ngayon. Sinabihan nap o naming si Mang Gusting na kung maaari deretso na lang siya sa Camp Aguinaldo at magsumbong doon. May pass na naman po na ibinigay si General kay Mang Gusting pag-ganitong emergency." Pagkatapos sabihin ni Mockingbird lahat kay Mrs. Bolick ay nag-dial na siya sa kanyang cellphone. Ilang sigundo lang may sumagot na. "Hello, Manang Fe saan na po kayo ngayon? Malayo na po ba kayo sa subdivision?.............So medyo malayo na po kayo?.... Wala naman po bang kahinahinalang sasakyan na nakasunod sa inyo?......Ah sige po. Huwag lang po kayong magpahalata. Deretso na po kayo sa Camp Aguinaldo at hanapin niyo si Lt. General Norbert Torres. Mag-iingat po kayo.... Ok po. Kami na ang bahala kay Mrs. Bolick..... Thanks po" Pagkatapos binaba na niya ang telepono at humarap kay Mrs. Bolick. Since nasa harapan ako at silang dalawa ni Mrs. Bolick ang nasa likod.
YOU ARE READING
Pride (ThomAra)
FanfictionAn Ara Galang and Thomas Torres Story including the other popular athletes ThomAra Fanfiction