Alyssa POV
Ang saya may POV agad ako. Hahah Hi guyz I'm Captain Alyssa Valdez a.k.a. "Capt. Mamba". Ang bago naming mission ngayon ay protektahan ang Heir nang VSG Company na hindi ko inaasahan na si Capt. Bolick pala yon a.k.a. Boss Batman sa Team Victor. Ang totoo pala niyang pangalan ay Victonara Salas Galang ang nag-iisang anak na babae nang mga Galang na inambush noon. Mahirap talaga pag-mayaman ang pamilya.
Katulad ngayon papunta kami sa kaharap na building nang office niya. May bigla kaming narinig na ingay sa office niya at sigurado kami na basag na salamin yon. Isang tinginan lang namin kumilos agad kami. Ako at si Blue krait ang nagmamadaling bumaba para puntahan ang kaharap na building nang C.E.O. Office. Mabuti na lang parang walang nakapansin na may nangyari pamamaril sa C.E.O. Office. At mabuti kamo nasa taas din siya pero hindi naman sa roof top talaga. Pero nang pababa na ang elevator bigla itong tumigil sa 18th Floor. I think ito yong Marketing Dept. bumukas naman ito agad kaya itinago namin sa likod ang mga baril naming ni Blue krait. Bumungad sa harapan namin ang Marketing Manager na si Mr. Torres at nababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Bigla itong nagsalita.
Mr. Torres: "Baba ba kayo oh pupunta kayo sa taas." Parang wala ata sa sarili tong taong to. Kita na pababa yong elevator eh. Hindi ba siya nakatingin sa signed sa taas nang pintoan nitong elevator. Si Blue Krait na ang sumagot sa kanya.
Blue Krait: "Sorry but we're going down. If you want to go up ride the other elevator. We're in a hurry. Bye." At nakasara na agad ang elevator. Pababa na kami. Hindi kaya narinig niya ang ingay galing sa taas. Wait 19th Floor ang Office nang C.E.O. ay nasa taas lang nang office niya. Oh shoot... Kaya pala parang nag-aalala siya. Narinig niya siguro ang ingay na galing sa taas or nakita niya ang mga basag na salamin na pababa.
Nang bumukas ito tumakbo na agad kami ni Blue Krait at pumunta sa harapan na building kung saan kaharap sa office nang C.E.O.. Tinawagan na ni Boss Batman ang isang guard na nasa baba kanina na papuntahin sa harapan na building, kaya nang makarating kami sa doon tinango-an lang kami nang tatlong guard. I think guard nang VSG at nang building na ito ang mga 'yon.
Naghiwalay kami ni Blue Krait para hindi kami matakasan. Siya sa hagdanan. Ako naman sa may elevator. Hindi muna ako sumakay kahit isa sa mga elevator. Hinintay ko muna ang mga pababang mga elevator baka nandoon siya nakasakay. Habang hinihintay na bumaba ang dalawang elevator nakatanggap ako ng tawag galing kay Von.
Cobra: "Andito na ako sa basement parking area. Si Rattlesnake nasa kabila naman. Wala pa namang sasakyan na umaalis tawagan lang kita pag-meron akong nakitang kahina-hinala." Mabuti na lang nang tinawagan ko ang Team kanina nasa malapit lang sila Cobra at Rattlesnake. SIla Python and Tiger Snake medyo malayo pero papunta na raw sila medyo matatagalan lang. Lumapit naman agad sa akin ang dalawang guard na nakita namin kanina.
Guard ng VSG.: "Ma'am naka-usap ko na po ang superior Guard nang Building may mga inilagay na daw silang mga tao sa lahat nang exit. Tinitingnan na din nila ang CCTV para makita ng mabilisan kung sino ang mga kahinahinala ang kilos."
Me: "Mabuti po. Papunta na din ang iba ko pang mga kasamahan pakitulunga na lang po sila na makapasok sa CCTV Room. Makikilala niyo po sila pag-sinabi nila ang Mamba." Tumango naman silang dalawa. Alam na naman nila Python and Tiger Snake ang gagawin nila.
Pagka-alis nang dalawang guard humarap ulit ako sa dalawang labasan nang dalawang elevator. Ang nasa kaliwa ang unang mag-bubukas kaya nag-hintay ako na lumabas ang mga sakay nito. Nang bumukas ito tiningnan ko isa2x ang mga lumalabas at wala naman akong nakitang kahina-hinala. Nakalabas na ang lahat pero wala talaga. Mga ilang minuto nagbukas din ang isa pa. Inoobserbahan ko ang mga lumabas at may nakita akong kahina-hinalang lalaki. Wala siyang dala kahit ano napaka-formal nang soot niya pero nang makita niya na may tatlong guard na nakabantay sa may exit and tatlo din sa entrance nakita ko ang reaction niya na nag-iba.
YOU ARE READING
Pride (ThomAra)
FanfictionAn Ara Galang and Thomas Torres Story including the other popular athletes ThomAra Fanfiction