Chapter #8

162 10 0
                                    

Chapter #8

Still Thomas POV

Nakatingin pa rin ako sa lalaking may dalang baril. Putik paano nakapasok ang baril dito sa Bar nato kala ko mahigpit ang security dito (Hindi po totoo to kathang isip lang poi to. Kaya sa bar na nabanggit ko ditto patawad po. Sure po ako mahigpit security niyo. Sana maiintindihan niyo po. Thanks). At sa akin pa talaga nakatutok ang baril ah.

Guy2: "Sige sumuntok ka pa at ipapaputok ko ito sa bungo mo. Ang tapang2x mo ah." Mga duwag pala to eh. Matapang lang mga 'to kasi may baril. Kinuha naman ng kasuntokan ko kanina ang baril at siya na may hawak nito na nakatutok sa akin.

Guy1: "Oh ano papalag kayo hah. Mga salita lang pala kayo eh. Ikaw baka gusto mong mauna sa langit ngayun din? Hahah". At pinaputok na niya ito at napapikit na lang ako. Pero hindi ko naman naramdaman ang tama ng bala sa katawan ko. Ng minulat ko ang mga mata ko ganoon na lang ang pagkabigla ko ng makita ko sa harapan ko si Ara na hinahawakan ang kamay noong lalaki na may hawak ng baril. At unti2x niyang kinukuha ang baril at tinanggal ang mga parts nito. Ang bilis niyang gumalaw. Bilib din ako sa babaeng to. Saan tumama ang bala ng baril. Putik sino natamaan noon.

Patingin-tingin ako sa paligid kung saan tumama ang bala ng baril at nakita ko ito sa may upo-an na malapit sa babaeng katabi ko kanina. Muntikan na siyang matamaan. Nabigla naman ang lalaki sa ginawa ni Ara sa baril niya pero nakabawi din siya nang makita kung saan tumama ang bala ng baril niya.

Guy1: "Putik muntikan na matamaan GIRLFRIEND ko doon, ah. Hon OK ka lang. May dumaplis ba sayo? At ikaw babae sino ka para maki-alam? Kababae mong tao ang lakas ng loob mong makialam sa away naming mga lalaki at paano mo nagawa 'yong pagkalas sa baril? Sino ka ba hah?" Tsk3x mali ata ang tanong ng taong to. Patay ka ngayun. Sama nang tingin ng mga kasamahan ni Ara sa grupo ng mga kaaway naming ah. Paano naman kasi Boss nila tapos ganyan ang pagkaka-usap ng lalaki kay Ara. Nirerespeto ng mga yan si Ara alam ko.

Kib POV

Salamat nagka POV din ako. Ikaw author hah. (Ayaw mo Kib? Gusto mo hindi na natin ituloy?) Ikaw naman author hindi na mabiro. Heheh

Putik si Boss Batman bakit naki-alam to sa away ng mga 'yan. Nawala tuloy pagkalasing ko. Mapapasabak na naman ata kami nito. Last time nag-bar kami napa-away din kami. Pati ngayon, ayoko na ata mag-Bar kung parati naman ganito. Tsk3x

Nako mukhang makikipag-away pa 'tong si kim kasi palapit na siya sa lalaki na ang sama ng tingin kai Boss batman ah.

Kim: "Hoy lalaki. Ang lakas naman ng loob mong ganyanin ang Boss naming. Hindi mo ata kilala kung sino yang kaharap mo. Nirerespeto naming yan tapos kung makataas ka ng boses sa kanya. Ipapakulong talaga kita dahil nagdadala ka ng baril sa publiko at ginawang pananakot." At mukhang natakot naman ang lalaki sa sinabi ni Kim. Patay kang bata ka. Ayan kasi. Hindi na ako magtataka kung ngayong gabi sa Presento ang bagsak ng grupo nito.

Guy2: "Hindi na namin kasalanan kung napagsalitaan din siya ni Ken nang ganyan. Siya ang nakikialam dito. Wala kaming ginagawa sa kanya kaya 'wag siyang maki-alam." Ah so Ken pala pangalan ng parang leader nila.

Ken: "Hindi mo din kilala kung sino ako. Kaya 'wag na 'wag kayong maki-alam sa away naming. Sino ba kayo at ang lakas niyong maki-alam? Kilala niyo ba ang grupong yan at mukhang kinakampihan niyo? Kasamahan niyo ba yan?" Oo nga naman hindi ko din kilala 'yung kabilang grupo hah. Sino ba sila at nakikialam si Boss Batman. Hindi naman ganito si Boss ah. Siya ang pinaka mataas ang pasensiya sa amin. At hindi yan basta2x nakiki-alam hanggat walang malaking rason para kampihan ang kabilang grupo. Hmmmm parang may mali eh.

Tiningnan ko si Boss Batman at parang nakatiim-bagang lang ito. Mukhang galit na galit na siya.

Boss Batman: "Nakikialam ako kasi hindi tama na ginagamit mo ang baril para makapanakit ng tao sa publiko at gamitin itong panakot. Kung hindi mo matamaan nang maayos ang target mo at lumagpas ito may masasaktan kang inocenteng tao. Kaya 'wag na 'wag kang magdadala ng baril sa maraming tao." Ah kaya pala. Graveh talaga si Boss. Kaya idol ko toh eh. Tama naman kasi si Boss. Kami nga na mga Sundalo hindi nagdadala ng baril sa maraming tao lalo na sa lugar na ito. Ang Baril ko nasa kotse ko lang. Magsasalita pa ata si Boss.

Boss Batman: "At yang tinututukan mo ng baril ay kaklase ko sa College. Kung galit ka sa kanya magsuntukan na lang kayo keysa manutok ka ng baril. Harapin mo siya magpakalalake ka. Hindi yung gumagamit ka pa ng armas para masasabing mas malakas ka sa kanya. Kaduwagan yan." Napatiimbagang naman 'yung Ken. Hahah Makasingit nga.

Me: "Boss Batman ako na bahala dito. Madadaan pa naman siguro sa mabuting usapan to eh. Wala naman natamaan ng bala di ba? Mga friend 'wag na mainit ang ulo baka saan pa mapunta to. At yung sinabi nitong kasamahan ko na ipapakulong ka kaya naman talaga naming gawin 'yun. Mga sundalo kami kaya kayang-kaya talaga naming ipakulong kayo. At yang babaeng nagkalas ng baril mo Capt. Yan kaya 'wag kayong magkakamali kundi baka hindi makapagpigil yan at babaliin niyan mga buto niyo. Hahah" Priceless graveh ang mga mukha ng mga grupo nila Ken. Hahah Nkakatawa pero pinipigilan ko lang kasi noong napatingin ako kay Boss Batman at Kim mukhang ako naman ang kawawa nito. Heheh

******

Author's note:

Sabaw n naman ata. Thanks sa mga readers. Kahit wala pang vote. Hahahah

Dahil 15th Monthsary namin ng BF ko may bonus update. heheh

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now